My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 16
"Nasaan si Hakeem?! Nasaan ang anak namin?! Ilabas mo siya?!" nangigil sa galit si Emily, nang makita niyang papalapit si Marcus, kasama si Zubery. Kanina pa silang umaga na nandito sa harapan ng malaking bahay ni Marcus. May kasama na silang mga pulis para agad na lumabas si Marcus, ngunit umabot sila ng tanghaling tapat ay hindi pa rin lumalabas sa bahay si Marcus. Kahit na kanina pa siya nagdoorbell ay wala man lang lumalabas para kausapin sila. At ngayon ay lumabas na rin sa wakas si Marcus, suot nito ang all black suit. Hindi na siya nagulat sa itsura nito dahil ilang beses na niya itong nakita sa bayan ng Prado. Naalala niya na nagkasalubong pa sila sa Chavez Mall, kasama rin nito si Zubery, na maraming mga dalang paper bag galing sa mga branded store.
"Pasensya na kayo kung ngayon lang ako lumabas, ngayon lang kasi ako nagising. Napasarap ang pagtulog." ngiting sabi ni Marcus, nagdesisyon siyang harapin ang mga magulang ni Hakeem, sa labas ng mansyon niya. Kamukhang- kamukha ni Hakeem, ang mga magulang nito lalo na ang ina nito na si Emily. Napatingin siya sa mga pulis na kasama ng mga magulang ni Hakeem.
"Tarantado ka! Nasaan ang anak ko?! Hakeem! Hakeem!" sigaw ni Edmond, kinakalagpag na niya ang malaking gate sa malaking bahay ni Marcus. Para marinig siya ng kanyang anak. Maraming pumapasok sa isip niya kung ano ang kalagayan ngayon ni Hakeem.
"Ilabas mo ang anak namin! Ilabas mo siya! Jusko ang anak ko si Hakeem!" hindi na napigilan ni Emily, ang mapaiyak sa sobrang pag-aalala niya sa kanyang anak na si Hakeem.
Niyakap ni Edmond, ang kanyang asawa dahil sa sobrang pag-iyak nito. Masama siyang tumingin kay Marcus, na nakangiting nakatingin sa kanila.
"Magandang tanghali po Sir Patton. Ako po si PO2 Dave Saplala, dumunog po sa himpilan ng pulis sa bayan ng Prado sila Mr. and Mrs, Fargas. Ayon po sa reklamo nila kinuha raw po ninyo ang anak po nilang si Hakeem Fargas. Nandito po kami para sana ay mapag-usapan ng maayos ang problemang ito." magalang na sabi ni Dave, ayaw niyang ipakita sa kaharap niyang makisig na lalaki na naiilang siya dahil sa lakas ng aura nito. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naiilang. Ilang beses na niyang nakita ito sa personal at alam niyang maimpluwensyang tao ito. Hindi na siya nagulat sa biglang pagpunta ng mag-asawang Fargas. Hindi iba sa kanya ang reklamo ng mag-asawa. Makailang beses na rin may pumunta sa istasyon nila para ireklamo si Marcus Orissis Patton, ngunit lahat iyon ay nauwi sa isang magandang usapan. Ngayon panibagong reklamo na naman ang kailangan niyang solusyunan tungkol kay Marcus.
"PO2 Saplala, magandang tanghali rin sa'yo at pati na rin sa mga kasamahan mong pulis na kasama mo ngayon. Puwede bang pumasok na muna tayo sa loob dahil sobrang tirik na tirik ang araw sa oras na ito." ngiting sabi ni Marcus, tumalikod na siya para makabalik ulit siya sa loob ng mansyon. Pinagpapawisan na siya sa sobrang init ng sikat ng araw. Pinabukas niya sa isa niyang kasamabahay ang malaking itim na gate niya sa mansyon.
"Ang init-init sa labas!" iritang sabi ni Marcus, kinuha niya sa bulsa ang kanyang itim na panyo. At pinunasan niya ang kanyang pawis sa noo. Nakapasok na siya sa loob ng mansyon niya at hinihintay na lang niya ang mga pulis at mga magulang ni Hakeem, na makapasok sa loob. Pumunta siya sa may garden area ng mansyon dahil dito siya lagi tumatanggap ng mga bisita. Dahil maraming mga halaman at puno sa bakuran na nakatanim dito kaya presko ang hangin at hindi maalingsangan.
"Tsk! Sino ba kasi nagsabi na lumabas ka?" ngising sabi ni Zubery, lihim siyang natatawa sa nakikita niyang pagkairita sa mukha ni Marcus. Nakita niyang napabuntong hininga na lang si Marcus.
"Kailangan kong magpakitang tao sa kanila." ngising sabi ni Marcus, para kahit papaano ay hindi naman masyadong masama ang tingin sa kanya ng mga magulang ni Hakeem.
"Zubery, pakisabi sa mga kasambahay ay maghanda sila ng miryenda at tanghalian sigurado akong hindi pa nakakakain ng tanghalian ang mga magulang ni Hakeem." hindi naman masamang tao talaga si Marcus, inaalala pa rin niya ang kalagayan ng mga magulang ni Hakeem, at mga pulis na kasama ng mga ito.
"Masusunod Marcus, nandito na sila." nakita na ni Zubery, na nakapasok na ang mga magulang ni Hakeem, sa loob ng mansyon. Kasama ng mga ito ang mga pulis na inaassist ng isang kasambahay sa mansyon na si Ate Lhay.
"Nasaan? Nasaan si Hakeem?!" tinitignan ni Emily, ang bawat sulok ng malaking bahay ni Marcus. Umaasa siyang makita niya ang anak niyang si Hakeem.
"Honey, makikita rin natin si Hakeem." pinapalakas ni Edmond, ang kalooban ng kanyang asawa na nakayakap sa kanyang braso ang kamay nito sa kanya.
"Mr. and Mrs. Fargas, kailangan niyong huminahon. Kailangan natin kausapin ng masinsinan si Marcus. Kahit na saan pa tayo makapunta ay wala itong karapatan sa anak ninyo na si Hakeem. Pero sinasabi ko na sa inyo na hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na maimpluwensyang tao ang haharapin natin?" seryosong sabi ni PO3 Dave Saplala, gusto niyang diretsuhin ang mga magulang ni Hakeem. Para alam ng mga ito kung sino ba ang haharapin nila. Alam ng taong bayan sa bayan ng Prado na kapag may ginusto ang isang Marcus Orissis Patton, gagawa ito ng paraan basta makuha lang nito ang gusto nito. Mapabagay man yan, ari-arian o kaya ay tao ay makukuha ni Marcus. Tulad na lang ngayon isang kawawang binata ang nabiktima ni Marcus. Napapatanong siya kung bakit nagkainterest sa isang binatang lalaki si Marcus? Ano ang planong gawin nito kay Hakeem? Sinabihan sila ng isang kasambahay ni Marcus, na nagpakilalang si Ate Lhay, na nasa garden area si Marcus.
"Alam namin iyon Sir Dave. Iyon ang kinatatakutan namin. Baka tuluyan ng mawala sa amin ang nag-iisang anak namin na si Hakeem." pag-aalalang sabi ni Edmond, humigpit ang pagkakahawak sa kanya ng kanyang asawa na si Emily. Pumunta sila sa may graden area kung saan naghihintay na si Marcus, roon.
Nakangiting tumayo si Marcus, para salubungin ang kanyang mga bisita. Pinaupo niya ang mga magulang ni Hakeem, pati na rin si PO2 Dave Saplala. Ang ibang mga pulis na kasamahan ni Dave, ay pinapunta na muna niya ito sa dining area para makakain na ang mga ito ng tanghalian.
"Nasaan ang anak ko?! Nasaan si Hakeem, Marcus?!" galit na sabi ni Emily, inawat siya ng kanyang asawa na si Edmond.
"Ano bang kailangan mo kay Hakeem? Gagawin mo ba siya isa sa mga tauhan mo? Bata pa ang anak ko at marami siyang pangarap sa buhay. Graduating na Hakeem, maawa ka naman sa anak namin." nagsusumamo na si Edmond, kay Marcus. Hindi siya mapakali hangga't hindi nila makakasama pauwi si Hakeem.
"Mr. Patton, nandito po ba talaga ang anak nila Mrs. Fargas, na si Hakeem Fargas?" seryosong tanong ni Dave, napa-atras siya ng konti sa kanyang kinauupuan ng biglang tumingin sa kanya si Marcus.
"Nandito nga sa loob ng mansyon ko si Hakeem Fargas. Mahimbing itong natutulog sa kuwarto ko." ngiting sabi ni Marcus, kitang-kita niya ang gulat sa mukha ng mga bisita niya.
"S-sa kuwarto mo? Anong ginawa mo sa anak ko?!" pag-aalalang tanong ni Emily, ayaw niyang isipin ang isang bagay na maaring gawin ni Marcus, kay Hakeem. Nananalangin siya na hindi ginalaw ni Marcus, ang kanyang anak. Alam niyang maraming humahanga sa kanyang anak na si Hakeem, at ni isa ay wala pang sinabi o sinumbong ang anak niya na may nagtangkang masama dito. Napahawak si Emily, sa kamay ng kanyang asawa na si Edmond, sa sobrang kaba, takot at pag-aalala.
"Wag kang mag-alala Emily, hindi ko ginalaw ang anak ninyo." ngiting sabi ni Marcus, agad niyang nabasa ang nasa isip ng ina ni Hakeem. Hindi pa sa ngayon ang tamang oras o araw upang makatalik niya si Hakeem. Dumating na ang miryendang pinahanda niya para sa mga bisita niya. Inalok niya ang mga itong kumain habang nag-uusap silang apat.
"Mr. Patton, alam niyo naman po siguro ang batas. Labag sa batas ang ginawa ninyo sa pagkuha kay Hakeem Fargas. Puwede kayong kasuhan nila Mr. Fargas na kidnapping." sabi ni Dave, napalunok na lang siya ng laway na bumara sa lalamunan niya. Bigla na lang kasi naging seryosong ang mukha ni Marcus, na napatingin sa kanya. Hindi niya alam kung siya lang ang nakakaramdam sa sobrang lakas na aura ni Marcus. Lalo tumindi ang aura nito ng biglang naging seryoso ang mukha nito. Para bang nag-iba bigla ang mood nito dahil sa kanyang sinabi.
"Alam ko ang batas PO2 Dave Saplala. Paano magiging kidnapping ang ginawa kong pagkuha kay Hakeem, kung kusang binigay nila Edmond at Emily, sa akin ang anak nila?" ngising sabi Marcus, sinadya niya na papuntahin si Zubery, sa bahay ng mga Fargas. Para malaman ng mga ito na nasa kanya si Hakeem. Inaasahan na niyang magsasama ang mga ito ng mga pulis at iyon ang gusto niyang mangyari. Kitang-kita niya sa mga mukha ng mga magulang ni Hakeem, ang kalituhan sa kanyang sinabi.
"Ah? Baliw ka ba? Bat naman namin kusang ibibigay ang anak namin na si Hakeem!?" naguguluhan na sabi ni Edmond, wala siyang maalala na kinausap niya si Marcus. Ito ang unang beses na nakita ng personal at nakausap si Marcus.
"Marcus, puwede ba wala kaming panahon para makipaglokohan." inis na sabi ni Emily, tumingin siya kay PO2 Saplala.
"Sir Dave, narinig ninyo naman kung ano ang sinabi ng lalaking ito! Nasa kanya ang anak namin na si Hakeem. Sapat na siguro iyon para ikulong at sampahan namin siya ng kidnapping!" inis na sabi ni Emily, napapailing na lang siyang nakatingin kay Marcus. Masyadong impossible ang sinabi nito na kusa nilang binigay si Hakeem?! At paano nangyari iyon? Wala naman siyang pinirmahan na kasulatan? Mas lalong impossible na kinausap niya si Marcus, na ibibigay niya ang sariling anak niya dito. Hindi pa siya nababaliw oara ipamigay ang anak niya.Dahil ito ang unang beses silang nagkausap ni Marcus. Tatayo na sana siya upang hanapin ang anak niyang si Hakeem, sa malaking bahay ni Marcus. Wala siyang pakialam kung aabutin siya ng ilang oras o isa o dalawang araw upang mahanap niya ang kanyang anak sa malaking bahay na ito.
"Capo Marcus, nandito na po si Atty. Charloth Ballesteros." magalang na sabi ni Lhay, isa sa mga kasambahay sa mansyon ni Marcus.
"Umupo ka na muna Emily. Nandito ang attorney ko upang ipakita sa ninyo ang legal na tranferring custody papers ni Hakeem, na may pirma ninying dalawa." ngising sabi ni Marcus, nakita niya si Atty. Charloth, na nakangiting naglalakad papunta sa kinaroroonan nila.
"Anong pinagsasabi mo na transferring custody?" kunot noo tanong ni Edmond, napatingin siya sa isang magandang babae na nakasuot ng isang foral white dress. Maliit lang itong babae pero ramdam niya ang awtoridad na aura nito.
"Late na ba ako?" ngiting sabi ni Atty. Charloth, tinawag siya ni Marcus, noong nakaraang linggo. Nagtataka siya ng bigla itong nagpagawa ng transferring custody papers sa kanya. Tinatanong niya ito kung para saan iyong hinihiling nito sa kanya. Ngunit kahit anung pilit at kulit niya ay hindi sinasabi sa kanya ni Marcus. Wala naman siyang magawa kundi gawin ang pinapagawa niya sa kanya. Noong isang araw lang ay meron itong binigay na dalawang bond paper na may magka-ibang pirma.
_________________________________
"Oh?! Ano itong binigay mo sa akin?" takang tanong ni Atty. Charloth Ballesteros, nagulat siya ng bigla na lang pumasok sa kanyang opisina si Marcus. Matagal na niyang kakilala si Marcus, kinuha siya nito na personal attorney. Lahat ng mga legal action tungkol sa mga negosyo at hiling sa kanya ni Marcus, ay siya ang gumagawa. Minsan ay hindi niya maiwasan na mainis at makulitan kay Marcus, dahil may mga pinapagawa itong illegal na gusto nitong gawin na legal. Tulad na lang ngayon na biglang pagsulpot ni Marcus, kasama ang kanang kamay nitong si Zubery.
"Yan ang mga pirma ng mga magulang ni Hakeem Fargas. Gusto ko ay maging legal ang pagkuha ko kay Hakeem, ayaw ko ng aberya Charloth, alam mo yan." ngising sabi ni Marcus, kumuha siya ng pirma sa mga magulang ni Hakeem, para magamit niya ito sa illegal na action na gagawin niya. Si Atty. Charloth, lang ang makakatulong sa kanyang plano.
"Ok! Gusto mong gamitin ko itong mga pirma na ito para sa pinapagawa mong transferring custody papers. Para maging legal na naman ang illegal na gusto mo?" walang kabuhay-buhay na sabi ni Charloth, tinignan niya mabuti ang dalawang magkaibang pirma. Madali lang naman sa kanya na ilipat ang orginal signature sa gagawin niyang tranferring custody papers. Hindi na bago sa kanya ang gawaing ito basta mababayaran siya ni Marcus, sa sapat na halaga para magawa niya ang pinapagawa nito. Kahit na kaibigan niya ito, kapag trabaho ay trabaho. Sabi nga ng karamihan "Trabaho lang walang personalan."
"Kailangan ko na yan sa mamayang gabi. Bigyan mo rin ako ng copy na walang pirma ng mga magulang ni Hakeem." ngising sabi ni Marcus, inutusan niya si Zubery, na ibigay ang limang makapal na puting sobre na naglalaman ng tig two hundred thousand pesos bawat sobre kay Charloth.
"Wow! Cash na cash talaga ang binigay mo sa akin ngayon?!" masayang sabi ni Charloth, napatayo na lang siya sa kanyang pagkakaupo para kunin ang limang puting sobre na hawak-hawak ni Zubery. Binuksan niya ang isang puting sobre, para siyang nabuhayan ng dugo ng makita niya ang malulutong na tig isang libo. Hindi siya nakuntento sa pagtingin at paghawak lang sa mga perang binayad sa kanya ni Marcus. Nilanghap niya ang amoy ng bago at maluluting na pera.
"Nakakahiya naman sa'yo kung pupunta ka pa sa bangko para magwithdraw ng pera." ngising sabi Marcus, napatawa na lang siya ng makita niya ang ginagawang pag-amoy ni Charloth, sa perang biniyad niya. Laging nagrereklamo sa kanya si Charloth, dahil hindi cash ang binibigay niyang pambayad dito kundi cheque. Hindi siya mahilig magdala ng cash. Laging cards at cheque book ang lagi niyang dala na pinapadala niya lagi kay Zubery.
"Salamat sa cash na bayad mo sa akin Marcus. Hindi na ako mahihirapan na pumunta sa bangko para magwithdraw. Mamayang gabi ay pupunta ako sa mansyon mo at ibibigay ko na ang pinapagawa mong transferring custody papers. Matanong nga kita sino ba yang si Hakeem Fargas, na yan?" usisa ni Charloth, masyado siyang curious kay Hakeem. Impossible ang naisip niyang isang parausan lang itong si Hakeem Fargas, para kay Marcus. Dahil nagpagawa talaga ito ng papers for transferring custody para magmukhang legal ang pagkuha nito kay Hakeem.
"Wag kang mag-alala makikilala mo rin siya." ngising sagot ni Marcus.
"Hay naku! May pasuspense ka pang nalalaman ah?! Anyway paano mo pala nakuha itong original signature ng mga magulang ni Hakeem?" usisa ni Charloth, seryoso siyang nakatingin kay Marcus, na hindi mawala-wala ang ngisi nito sa guwapong mukha.
"Dating gawi." ngising sagot ni Marcus, tumayo na siya sa pagkakaupo niya at nagpaalam na siya kay Charloth. Marami pa siyang kailangan tapusin na trabaho ngayong araw na ito.
Napangiti na lang si Charloth, ng makita niyang lumabas ng pintuan sila Marcus at Zubery. Napansin niyang kakaiba ang saya ngayon ni Marcus. Parang bumabalik ito sa dati nitong sarili? Naalala niya ang dating Marcus, na laging maaliwas ang guwapong mukha at aura nito. Ilang taon na rin ang nakakaraan ng biglang nagbago si Marcus, dahil sa isang taong minahal niya ngunit sinaktan lang siya nito. Pero alam niyang hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ni Marcus, ang taong iyon.
_________________________________
Ipinakita ni Charloth, ang transferring custody papers kina Emily at Edmond Fargas. Kita niya ang pagtataka sa mga mukha nito.
"P-pa-paano nangyaring may pirma kami ng aking asawa na si Emily, sa papel na yan?" pagtatakang sabi ni Edmond. Wala siyang matandaan na pumirma siya sa isang transferring custody.
"Peke ito! Hindi ako o kami ng asawa ko ang pumirma dyan?" parang natakot bigla si Emily, sa kanyang nakikita ngayon na legal documents. Napatingin siya kay Marcus, na nakangising nakatingin sa kanila.
"I'm so sorry, Mrs. Fargas, legal at hindi fake documents yan. Kahit pa ipasuri pa ninyo sa mga expertong kakilala ninyo. Mas makakabuti siguro ay tumawag o tawagin ninyo ang abugado ninyo." ngiting sabi ni Charloth, malakas ang kumpiyansa niya na hindi mahahalata ang ginawa niyang kalokohan. Hindi ito basta-basta na mahahalata na pinatong lang niya ang pirma mg mga magulang ni Hakeem, sa transferring custody papers na pinagawa sa kanya ni Marcus. Napatingin siya sa guwapong pulis na kasamang nakaupo ang mga magulang ni Hakeem.
"Tama ang sinabi ni Atty. Charloth, dahil kailangan ninyo ng legal council. Para na rin malaman ninyo kung fake o totoo ba talaga ang hawak ninyong papeles ngayon." hindi nga nagkakamali ang nababalitaan ni Dave, na tuso nga si Marcus. Kahit naman na hindi niya tignan ang papeles for transferring custody ay alam niyang fake lang ito dahil na rin sa nakikita niyang mga reaksyon ng mga magulang ni Hakeem.
"Hindi! Hindi totoo yan! Wala akong matandaan na may pinirmahan akong ganyang klaseng papeles." naiiyak na si Emily, sa sobrang pag-aalala sa kanyang anak na si Hakeem.
"Wala akong magagawa kung wala kayong maalala sa ginawa ninyong pagpirma sa papeles na ito. Malinaw na malinaw naman na hindi fake ang hawak mo Emily." ngising sabi ni Marcus, kapag ginusto niya ay makukuha niya. Nakakuha siya ng pirma ni Emily at Edmond, sa bangkong pinagkukuhanan ng mga ito ng pera. Inutusan niya si Zubery, na pumunta sa Bangko Prado kung saan dito kumukuha ng pera ang mag-asawanh Fargas. Kinunsaba nila ang teller sa bangko na kunwari ay kailangan na muna pumirma sa isang blangkong papel. Walang kahirap-hirap na nakakuha si Zubery, ng tig isang pirma nila Emily at Edmond.
"Hindi ito totoo! Hindi! Mga sinunggaling!" galit na sabi ni Emily, pupunitin na sana niya ito ng biglang magsalita si Atty. Charloth.
"Wag mong ituloy ang balak mo Mrs. Emily Fargas, kung ayaw mo sa kulungan ang bagsak mo? Kung itutuloy mo ang pagpunit ay kakasuhan kita at sinisigurado kong hindi ka makakalabas ng kulungan." ngiting sabi ni Charloth, hindi niya pinagbantaan si Emily, kundi sinabi lang niya ang mangyayari dito. Kung itutuloy nito ang pagpunit sa legal documents na hawak nito.
Bigla naman natakot si Emily, sa sinabi sa kanya ni Atty. Charloth. Ayaw niyang makulong lalo na hindi pa niya nakukuha ang anak niya kay Marcus. Napatingin siya sa kanyang asawa na si Edmond, na nakayukom ang mga kamao nito. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Marcus. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at napatingin sa kanya ang asawa niya.
"Hindi nga nagkakamali ang mga kumakalat na balita dito sa bayan ng Prado. Kapag ginusto ng isang Marcus Orissis Patton, ay makukuha nito sa kahit anong paraan." seryosong sabi ni Emily, kay Marcus.
"Pinagplanuhan mo talaga ang pagkuha mo sa amin anak na si Hakeem? Alam naman natin lahat dito na hindi namin pinirmahan yang dokumento na yan. Hindi pa kami nasisiraang ng bait para kusa namin ipamigay ang anak namin na si H-hakeem." napalunok na lang ng laway si Edmond, dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon. Galit at pagkasuklam ang nararamdaman niya kay Marcus. Sobrang pangamba at pag-aalala naman ang kanyang nararamdaman sa kanyang sariling anak na si Hakeem.
"Hahaha! Alam ninyo natatawa ako sa mga sinasabi ninyo. Kahit saan man tayo magpunta ay legal ang transferring custody papers na yan. Siguro ay makakabuti ay umalis na lang kayo dito sa mansyon ko. Marami pa akong trabaho na kailangan kong tapusin sa araw na ito." ngiting sabi ni Marcus, tinatamad na siyang makipag-usap sa mga magulang ni Hakeem. Kailangan na niyang pumunta sa Orissis Casino.
"P-pa-parang awa mo na Marcus, ibalik mo sa amin ang anak namin na si Hakeem. Jusko! Ang anak namin si Hakeem. Mahal na mahal n-na-namin siya." umiiyak na pakiusap ni Emily, bigla siyang pumunta sa kinauupuan ni Marcus, at walang anu-ano ay lumuhod siya sa harapan ng makisig na lalaki. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang kawawa. Wala siyang pakialam kung nakababa ng dignidad ang pagluhod sa harapan ng isang tao at magmakaawa. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak na si Hakeem.
"Emily!" napatayo na lang si Edmond, sa biglang pagluhod ng kanyang asawa sa harapan ni Marcus. Hindi niya maiwasan na maawa sa nakikita niya sa kanyang asawa.
"K-kung ka-kailangan namin magmakaawa at lumuhod sa harapan mo ay gagawin namin." umiiyak na sinamahan ni Edmond, ang kanyang asawa sa pagluhod sa harapan ni Marcus. Para sa kanyang anak ay gagawin niya kahit ano.
Napatayo na lang si PO2 Dave Saplala, sa kanyang nasasaksikan ngayon. Napapalunok na lang siya ng laway para maalis ang nakabarang laway sa kanyang lalamunan. Humahapdi na ang kanyang mga mata sa sobrang pagpipigil na wag tumulo ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Awang-awa siya sa mag-asawang Fargas.