My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 15 Sa loob ng malaking kuwarto ay nakangiting nakatayo na nakatingin si Marcus, sa isang napakaguwapong nilalang na nakikita niya na mahimbing na natutulog sa ibabaaw ng kanyang kama. Isang lalaking kinababaliwan niya ngayon. Isang lalaking matagal na niya inaasam na makuha at mapalapit sa kanya. Isang lalaking hindi niya akalain na makukuha ang atensyon niya. Hindi siya makapaniwala na nakahiga at mahimbing na natutulog ngayon si Hakeem, sa kanyang sariling kama. Simula ngayon ay dito na matutulog at magiging kuwarto na nito ang kuwarto niya. Nakabihis na ito ng pantulog, suot nito ang binili niya mismo sa Chavez Mall, sa bayan ng Prado isang ternong panjama at tshirt na kulay asul na alam niyang paborito ni Hakeem. Habang nakatayo na nakatingin s

