My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 55 "Kamusta pakiramdam mo?" pag-aalalang sabi ni Marcus, hindi siya masyadong makatulog dahil hindi pa rin nawawala ang epekto ng s*x drugs na inilagay ni Avianna, sa kanyang inumin kagabi. Ito ang unang beses na ginawa sa kanya ni Avianna, ang ganito. Ok lang sana kung siya pero pati si Hakeem, ay dinamay nito sa kabaliwan nito. Inutusan niya si Zubery, na tignan si Avianna. Alam niyang malakas ang pagkakasampal niya sa sexy dilag. Alam din niyang nawalan ito ng malay ayon kay Bella. At wala siyang pakialam kung ano mang mangyari kay Avianna. Ang mahalaga ay ang kalagayan ngayon ni Hakeem. "Hmmm…M-marcus, o-ok na ako. Hindi na masyadong mahapdi ang tiyan ko." sabi ni Hakeem, hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa binigay na gamot sa kany

