My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 54 "May gusto ka bang sabihin sa akin Hakeem?" seryosong tanong ni Marcus, kanina pa niya napapansin ang guwapong binata na kanina pa ito ng tingin ng tingin sa kanya. Alam at ramdam niyang may gusto itong sabihin sa kanya. Malapit na sila sa Patton mansyon. Muli ay sinundo niya ito sa West View University kanina. Hindi alam ni Hakeem, kung sasabihin ba niya kay Marcus, ang nangyari kanina sa parking lot ng West View. Iniisip niya na kapag nalaman nitong nakipag-usap siya sa mga magulang niya ay baka magalit ito sa kanya? Kaya nagdadalawang isip siya ngayon kung sasabihin ba niya o hindi. Naalala niya ang nangyari kanina sa rest room ng West Building. Hindi niya inaasahan na makikita niya roon si Ludwick. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

