My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 53 "Ayos ka lang ba Hakeem?" pag-aalalang tanong ni Isabel, kanina pa kasi niya nakikitang tahimik at walang kibo si Hakeem. Naglakas loob na siyang itanong sa guwapong binata kung ayos lang ba ito? Napatingin sa kanya si Hakeem. Nandito sila sa huling klase nila sa main building ng West View. "Ah? O-oo naman." pilit ngiti ang naipakita niya kay Isabel. "Masyado kang tahimik Hakeem. Buong araw kang tahimik at walang kibo. Kanina nga niyayaya ka namin kumain sa canteen hindi ka sumama sa amin dahil sabi mo ay busog ka. Hindi ka pa kumakain ngayong araw na ito." sabi ni Isabel, nag-aalala lang siya kay Hakeem. Kaibigan na ang turing niya sa guwapong binata. Kinuha niya ang isang biscuit sa kanyang bag at ibinigay niya ito kay Hakeem. Nakita niyan

