My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 36 "Marami akong kondisyon. Hindi ako nakakasigurado kung gagawa ka ng isang bagay na ikakagalit ko. Ayaw mo naman siguro na makita ulit ang demonyong Marcus?" ngising sabi ni Marcus, nandito pa rin sila sa may garden area. Tapos na silang mag-almusal gusto niyang kausapin si Hakeem, tungkol sa mga kondisyon niya bago ito magbalik sa pag-aaral nito sa West View University. "Kondisyon? Bakit meron ganun? Para saan ang kondisyon na yan?" pagtatakang tanong ni Hakeem. Gusto niyang kumbinsihin si Marcus, na sa Malaya University siya ulit pumasok. Ramdam niya na kahit na anong klaseng pagkukumbinsing gagawin niya ay desidido na ang makisig na lakaki na sa West View University siya mag-aaral. "University at mansyon ka lang. Kung kailangan mong umalis

