My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 37 Hindi alam ni Hakeem, kung ilan na ba ang naging parausan ni Marcus, bago siya? Napapatanong din siya sa kanyany sarili kung ganiti ba talaga ang life style ng makisig na lalaking nasa harapan niya? Bukod kay Marcus ay hindi pa siya nakakaranas na makipagtalik sa babae. Si Marcus, ang una niya. Napabunting hininga na lang siya at pumunta siya sa ibaba ng kama para humiga. Gusto na lang niya matulog buong maghapon. Aaminin niya excited din siya makapag-aral bukas. Medyo malungkot nga lang dahil hindi na siya sa Malaya University mag-aaral. Alam din naman niya na maganda rin sa West View University sa bayan ng Isidro. "Ikaw na lang ang lumabas. Tinatamad ako." walang ganang sabi ni Hakeem, naramdaman na lang niya na hinila siya sa paa ni Marcus,

