My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 58 "Nasarapan ka ba sa pagkain na pinahanda ko para sa'yo?" ngiting sabi ni Marcus, kakatapos lang nila kumain ng main course at susunod naman ang dessert. "Oo busog na busog nga ako eh. Hmm… Marcus, i-ito ba ang unang beses na ginawa mo ito sa isang tao?" tanong ni Hakeem, nag-aalangan pa siyang itanong iyon kay Marcus, dahil nahihiya siyang sabihin iyon sa makisig na lalaki. Naglakas loob lang siya. "Ngayon lang at hindi ito ang huling beses na gagawin ko ito sa'yo. Tandaan mo Hakeem, mahalaga ka sa akin." ngiting sabi ni Marcus, nakita niyang dumating si Juan, na may dala-dalang isang cake na pina order niya kay Bella, sa Rald's Box Café. Biglang namula ang buong mukha ni Hakeem, sa sinabi sa kanya ng makisig na lalaki. Napahawak siya sa k

