My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 57 "Kailan mo nakilala si Charles?" usisa ni Isabel, sobrang gulat na gulat siya dahil magkakilala sila Charles at Hakeem. Kilala naman niya si Charles, bilang isang nerdy na mayaman at matalino. Nakasuot ito ng makapal na salamin at mapayat ito. "Nagkakilala kami noong pumunta ako sa library. Tinulungan niya ako sa hinahanap kong libro." ngiting sabi ni Hakeem, nagtataka lang siya kung bakit gulat na gulat sila Nolan, Jules at Isabel, na magkakilala kami ni Charles. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit gulat ang mga ito. Nagkamustahan lang sila ni Charles, kinukuha niya ang cellphone number niya kaso wala naman siyang cellphone. Sinabi na lang niya na ibibigay na lang niya ang cellphone number niya kapag nakabili na siya ng bagon

