My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 13 2.2
_____________________________
"Naiintindihan naman kita dude. Alam kong sobrang hirap ng pinagdadaan mo ngayon." mahinahon na sabi ni Ryker, bumalik na siya sa kanyang upuan katabi si Barett. Matapos nitong sindihan ang yosi ni Ludwick. Umihip ang malakas at malamig na hangin sa kanilang puwesto. Napayakap na lang siya sa kanyang sarili sa sobrang lamig. Bigla niyang naisip kung nasa position siya ngayon ni Ludwick, sigurado siyang mababaliw siya kakaisip kung ano ang gagawin niya?
"Ang hirap talaga. Kung alam niyo lang. Siguro napapansin niyo na hindi ko masyado pinapansin si Hakeem, sa mga nakaraang araw hanggang ngayon. Kapag nakikita ko si Hakeem, ay nakokonsensya ako kahit na hindi ko pa siya nabibigay kay Marcus." gusto lang ni Ludwick, na ilabas lahat-lahat ng kanyang saloobin sa kanyang mga kaibigan.
"Sige dude ilabas mo lang yan. Nakikinig kami." ngiting sabi ni Andreas, alam naman niya na sobrang hirap ngayon ng pinagdadaanan ng kanilang kaibigan na si Ludwick.
"Napapatanong nga ako sa sarili ko kung masama ba akong tao? Dahil gusto kong ibigay si Hakeem, kapalit ng nakakabatang kapatid ko na si Haelynn." napatingala na lang si Ludwick sa kalangitan. Wala siyang nakikita na kahit isang bituin sa langit. Natatakpan ito ng makakapal at maiitim na ulap. Para bang nararamdaman ng kalangitan ang kanyang pinagdadaanan ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Naramdaman na lang niya na may tumatapik sa kanyang kanang balikat. Napatingin siya sa taong tumatapik sa kanang balikat niya.
"Nandito lang kami dude. Tutulungan ka namin." paniniguradong sabi ni Andreas, tumingin siya kay Ryker. Meron siyang naisip na paraan para mapapayag niya ito sa plano nilang ibigay si Hakeem, kay Marcus.
"Dude meron akong naisip. Next week kung saan dalawang araw na lang ang natitirang palugid ni Ludwick, para maibigay niya si Hakeem, kay Marcus. Sa araw na iyon ay magaganap ang isang drag racing kung saan sasali si Hakeem. Pustahan tayo Ryker, kapag nanalo si Hakeem, sa karera ay hindi ka na namin kukulitin na sumama sa plano namin. Ok lang sa amin iyon. Kaming tatlo na lang ang magplaplano. Pero kapag natalo si Hakeem, wala kang magagawa kundi sumali sa amin. Deal?" ngising sabi ni Andreas.
"Ok deal!" malaki ang kumpiyansa ni Ryker, na mananalo si Hakeem, sa drag racing next week. Ni minsan ay hindi pa ito natalo sa pangangarera ng kotse.
"Pustahan tayong apat. Kapag nanalo si Hakeem, sa karera ay hindi niyo siya ibibigay kay Marcus. Hahanap kayo ng iba pang paraan." iyon ang naisip ni Ryker, para hindi maibigay ni Ludwick, si Hakeem, kay Marcus.
"Pero kapag natalo siya ay itutuloy namin ang plano na ibigay siya kay Marcus, at tutulungan mo kami." ngising sabi ni Ludwick, napatingin sa kanya si Andreas, na nagtatanong kung sigurado ba siya sa sinabi niya? Meron na siyang naisip na paraan para matalo sa karera si Hakeem.
_______________________________
"Nagsisisi ka ba na tinulungan mo kami?" tanong ni Ludwick, humingi siya ng isang stick ng yosi kay Ryker. At sinindihan naman nito ang yosi na nasa bibig niya. Napansin niyang wala ang paborito nitong lighter na blue lighter na lagi nitong ginagamit.
Napansin ni Ryker, na nakatingin si Ludwick, sa lighter na gamit niya. Sinabi niya dito na nawala ang blue light niya. Kaya wala siyang choice kundi bumili ng mumurahing lighter. Wala siyang oras para makabili siya ulit ng blue light Hindi niya alam kung saan niya ito naiwan o naiwala.
"Tumutupad lang ako sa pinag-usapan nating apat. Natalo sa karera si Hakeem, kaya kailangan ko tumupad sa pustahan." seryosong sabi ni Ryker, tumingin din siya sa daan kung saan dumaan ang kotse nila Marcus. Alam niyang hindi lang siya ang nabibigla sa nangyari kanina kundi silang lahat. Nagawa nila na ibigay si Hakeem, kay Marcus. Ayaw niyang isipin kung ano ang maaaring gawin nito kay Hakeem. Kanina ay pasimple siyang tumitingin sa table ni Marcus, kung saan kasama nito si Hakeem. Kitang-kita niya kanina si Marcus, na sobrang saya nito. At kakaiba ang kislap ng mga mata nito hanggang nakatingin kay Hakeem.
"S-salamat sa inyong tatlo sa pagtulong sa akin." pilit na ngiti ang pinakita ni Ludwick, sa kanyang mga kaibigan. Parang may nakabara sa kanyang lalamunan nang sabihin niya iyon sa mga kaibigan niya.
"Walang anuman dude!" ngiting sabi ni Andreas.
"Tara na uwi na tayo. Inaantok na ako. Masyadong nakakapagod ang araw na ito sa ating lahat." sabi ni Ryker, tumalikod na siya sa kanyang tatlong kaibigan at pumunta na siya sa kanyang kotse at sumakay na siya dito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya pinaandar ang makina ng kanyang kotse at nagsimula na siyang magdrive.
"Sige alis na rin ako. Tapos na rin naman." nagsisimula ng kainin ng konsensya si Barett, nagsisisi siya kung bakit siya pumayag sa plano nila Ludwick. Wala na siyang magagawa. Nangyari na ang dapat na mangyari. Wala lang talaga siyang pagpipilian nasa gipit na sitwasyon siya kaya pumayag na lang siya. Kailangan niya ng pera. Sumakay na rin siya sa kanyang kotse. Gusto na talaga niyang umuwi para makapagpahinga.
"Andreas, mauna ka na. Iwan mo na ako dito. Hindi ko pa nauubos itong yosi ko. Uubusin ko lang ito tapos ay uuwi na ako." naramdaman na lang ni Ludwick, ang pagtapik sa kanyang balikat ni Andreas. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa daang dinadaanan ng kotse nila Marcus. Wala na si Hakeem. Wala na ang kanyang kaibigan. Wala na 'yung taong laging nagpapaiba ng kanyang mood kapag wala siya sa mood. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya hinithit ang huling hithit sa yosi niya. Napatingala na lang siya sa kalangitan kung saan makulimlim ang langit. Natatakpan ito ng makakapal na itim na ulap. Wala siyang makita kahit isang bituin. Nakikisama na naman ang kalangitan sa kanyang pinagdadaanan ngayon. Pumunta na siya sa kanyang kotse at uuwi na siya. Buti na lang ay wala silang pasok bukas. Hindi niya alam kung makakatulog siya ngayong gabi o sa susunod na gabi o tuwing gabi? Kailangan niyang sanayin ang kanyang sarili na wala na si Hakeem.
Samantala sa mansyon ni Marcus, maingat at dahan-dahan niyang inihiga sa malambot na kama niya si Hakeem. Hindi siya makapaniwala na nandito na ang taong matagal na niyang hinihintay. Ang taong nagpapagulo ng kanyang isip.
"Bella, pakilinisan si Hakeem. Alisin niyo lahat ng make up sa guwapong mukha niya. Palitan niyo rin siya ng damit. Gusto kong makita ang natural na kaguwapohan niya. Puntahan mo na lang ako sa opisina ko kapag tapos na kayo paliguan si Hakeem." may awtoridad na utos ni Macus, kahit na paliguan si Hakeem, ni Bella, at tatlong kasambahay niya ay hindi magigising si Hakeem. Meron siyang nilagay na gamot na pampatulog sa inumin alak ni Hakeem, kanina. Alam niyang malakas ang alcohol tolerance nito. Lumabas na muna siya sa kanyang kuwarto at pumunta na muna siya sa kanyang opisina. Meron siyang kailangan gawin na papeles para sa mga magulang ni Hakeem.
"Ngayon na nakuha mo na si Hakeem, capo. Ano na ang plano mo sa mga magulang nito? Sigurado akong hahanapin ng mga yan ang nag-iisang anak nila." sabi ni Zubery, kitang-kita niya ang kasiyahan ni Marcus. Kanina habang nagdridrive siya ay sobrang titig na titig si Marcus, kay Hakeem. Lagi nitong hinahaplos ang mukha ni Hakeem. Nakasunod lang siya kay Marcus, papunta sa opisina nito.
"Pinghandaan ko na yan Zubery." ngising sabi ni Marcus, nakarating na sila sa opisina niya at agad siyang umupo sa upuan niya. Binuksan niya ang drawer kung saan nasa loob nito ang papeles na ginawa niya para sa mga magulang ni Hakeem. Ibinigay niya ang isang brown envelop kay Zubery.
"Ano ito?" kunot noo tanong ni Zubery, hawak-hawak niya ngayon ang isang brown envelop na binigay sa kanya ni Marcus.
"Bukas na bukas din ay ibigay mo sa mga magulang ni Hakeem, yan. Sa loob yan ang mga papers for transferring custody." seryosong sabi ni Marcus. Pinaghandaan niya talaga niya ang pagkuha sa niya kay Hakeem. Gusto niyang maging legal ang pagkuha niya kay Hakeem.