My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 13 1.2
_______________________________
"Si Hakeem? Ano? Bakit?" naguguluhan na tanong ni Ryker, napatayo na lang siya sa kanyang pagkakaupo. Dahil na rin sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Ludwick.
"Si Hakeem, ang gusto ni Marcus, na kapalit ng kapatid ko. Kapag 'di ko naibigay sa kanya si Hakeem, kukunin niya ang kapatid kong si Haelynn." seryoso nakatingin si Ludwick, kanyang mga kaibigan. Mas mabuti ng sabihin na niya ang lahat para sa ganun ay makahingi siya ng tulong sa mga ito.
"Ano? Bakit si Hakeem? Paano niya nakilala si Hakeem?" kunot noo tanong ni Andreas, parang sumasakit ang ulo niya sa naririnig niya kay Ludwick.
"Hindi ko alam? 'Yun din ang pinagtataka ko. Bakit si Hakeem?" hindi alam ni Ludwick, kung ano na ang gagawin niya? Masyado na siyang naguguluhan sa sitwasyon niya ngayon. Dalawang linggo ang binigay ni Marcus, sa kanya. Ngayong araw na ito ay eksaktong sampong araw na lang ang meron siya para makapag-isip siya ng maayos kung kaya ba niya ibigay si Hakeem, kay Marcus? Iniisip din niya kung paano niya ibibigay si Hakeem? Masyado impossible na basta na lang papayag si Hakeem, na maging kabayaran sa pagkakautang ng kanyang mga magulang kay Marcus.
"Diba sinabi ko naman sa inyo na kapag natipuhan ni Marcus, ang isang bagay o tao ay gagawa ito ng paraan upang makuha iyon." biglang sabi ni Barett, 'yun din ang sinabi sa kanya ng lalaking nakausap niya sa Tagaytay. Ginagamit ni Marcus, si Ludwick, para makuha niya si Hakeem. Napatingin sa kanya ang tatlong kaibigan niya.
"Sino nagsabi yan sa'yo?" usisa ni Ryker.
"'Yung lalaking nakausap ko sa Tagaytay. Akala ko kasi nangtritrip lang ito pero ngayon na nangyayari ito kay Ludwick, ay hindi talaga siya nagbibiro sa sinabi niya sa akin." seryosong sabi ni Barett, ininom na niya ang natitirang laman sa bote ng beer na hawak niya. At kumuha pa siya sa cooler at nagbukas.
"Ibig bang sabihin na ginagamit ni Marcus, si Ludwick, para makuha nito si Hakeem?" nakita ni Andreas, na napatanggo si Barett. Hindi siya makapaniwala na masyadong tuso pala si Marcus. Gagawin pala nito ang lahat para lang makuha ang gusto nito.
"Kailangan ko ng tulong ninyo." seryosong pakiusap ni Ludwick.
"W-wag mong sabihin na ibibigay mo si Hakeem, kay Marcus?" pag-aalalang tanong ni Barett, tinignan siya ng seryoso ni Ludwick. Agad naman niya nakuha ang sagot sa kanyang tanong. Hindi siya makapaniwala na ibibigay nga ng kanyang kaibigan si Hakeem, kay Marcus. Napapaisip siya na ganun na ba kadesperado si Ludwick, para gawin iyon?
"Hindi ko hahayaan mawala sa akin si Haelynn. Siya na lang ang natitirang kapamilya ko. Kadugo at kapatid ko siya." hindi maiwasan ni Ludwick, na mapayukom ang kanyang dalawang kamao sa sobrang galit na nararamdaman niya ngayon. Desidido na siya na ibigay si Hakeem, kay Marcus. Hindi niya hahayaan na mawala sa kanya ang nag-iisang nakakabatang kapatid niyang babae.
"Baliw ka ba? Ganyan ka na ba kadesperado dude? Ibebenta mo ang sarili mong kaibigan?!" galit na sabi ni Barett, hindi niya maiwasan na magalit kay Ludwick.
"Hindi ko kayang mawala sa akin ang kapatid ko! Sige palit tayo ng sitwasyon ngayon. Ewan ko na lang kung makakaya mo pang gumising araw-araw?! Bawat araw ay nauubos sa akin dahil sampong araw na lang ang natitirang palugid sa akin ni Marcus. Kapag 'di ko naibigay si Hakeem, sa kanya ay si Haelynn, ang kukunin niya sa akin!" napataas na ng boses si Ludwick, dahil na rin sa masyado siyang emosyunal ngayon. Hindi na niya napigilan na mapaluha sa halo-halo emosyon niya. Kahit kailan ay hindi siya nagpapakita ng kahinahan sa kanya mga kaibigan. Ayaw niyang kaawaan siya ng mga.
"Sige tutulunganbkita dude. Hindi na iba sa akin si Haelynn, pati na rin ikaw. Hindi lang kaibigan ang turing ko sa inyo ni Haelynn, kundi kapatid na." simulang pagkabata ni Andreas, ay kaibigan na niya si Ludwick, malapit sa isa't-isa ang pamilya nila. Masasaktan siya kapag mawawala sa kanila si Haelynn. Kaya tutulungan niya si Ludwick, kahit na ano man ang plano nito.
Napatingin si Ludwick, sa isa pa niyang kaibigan na si Ryker, na ngayon ay hindi nito alam ang gagawin. Para itong nag-aalangan na tulungan siya. Alam naman niya na simula't sapol ay may gusto ito kay Hakeem. Titignan niya kung hanggang saan ang tigas ng puso nito?
"H-hindi ko alam ang sasabihin ko dude. Ayoko magdesisyon ng basta-basta. Hindi lang tao ang pinag-uusapan natin. Kundi si Hakeem, dude. Si Hakeem, na kaibigan natin." mahinahon na sabi ni Ryker, pero sa loob-loob niya ay nagsusumigaw at nagmumura dahil sa sitwasyon niya ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Ikaw dude? Hindi mo ba tutulungan si Ludwick?" seryosong tanong ni Andreas, kay Barett.
"Huh? Tinatanong pa ba yan? Hindi sa ayaw kong tulungan ka dude. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Tama ang sinabi ni Ryker, tao ang pinag-uusapan dito. Si Hakeem, na kaibigan ko, kaibigan natin lahat." naiinis si Barett, kay Ludwick at Andreas, parang wala lang sa mga ito na ibigay si Hakeem, kay Marcus.
"Hindi ko naman kayo pinipilit. Salamat na lanh." tumayo si Ludwick, sa pagkakaupo niya at inalis niya ang kanyang balabal sa kanyang beywang. Naglakad na siya papunta sa pool at lumusong na siya sa malamig na tubig ng pool. Nagpapasalamat siya kay Andreas, na walang ito pagdadalawang isip na tulungan siya. Iniisip niya ngayon kung ano ang gagawin niyang plano para maibigay si Hakeem, kay Marcus. Sa sobrang lalim ng pag-iisip niya ay hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Andreas.
"Wag kang mag-alala dude. Ako bahala kina Ryker at Barett." ngising sabi ni Andreas, alam na alam niya ang gagawin niya sa dalawa para pumayag ang mga ito na makipagtulungan sa planong iniisip ni Ludwick. Nagsimula na siyang magswimming. Gusto niya muna i-enjoy ang araw na ito bago siya kumilos.
Tinawag ni Ludwick, ang dalawa nilang kaibigan na sila Ryker at Barett, na nasa cottage. Hindi porke hindi siya tinulungan ng dalawa ay hindi na niya ito papansinin, kaibigan pa rin niya ang dalawa. At naiintindihan naman niya ang dalawang kaibigan niya.
"Hoy! Mga sira ulo kayo! Maghubad na kayo! Tara na magswimming na tayo habang maganda ang panahon." sigaw na sabi ni Ludwick, sa kanyang dalawang kaibigan. Aasahan niya si Andreas, sa sinabi nito. Alam niyang gagawa talaga ito ng paraan para mapapayag nito sila Ryker at Barett. Napangiti siya ng makita ang dalawang tumatakbo papunta sa pool na agad naman lumusong. Kahit ano naman mangyari ay magkakaibigan pa rin silang lahat. Natapos ang araw na puno ng halakhakan at asaran. Kinalimutan na muna niya ang problema niya kay Marcus. Pagkauwi niya sa bahay ay may hindi siya inaasahan na isang bisita.
"Babe, kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo pero hindi mo sinasagot. Kaya nagpunta na ako sa bahay mo." sabi ni Janella Salva, tumayo siya sa pagkakaupo niya sa sofa sa may sala at nakangiti siyang naglakad papalapit sa kanyang guwapo at makisig na boyfriend. Tatlong taon na silang magkarelasyon ni Ludwick. Sa tatlong taon nilang magkarelasyon ay hindi maiiwasan ang away at tampuhan. Lagi nilang pinag-aawayan ay ang lagi nitong pagyayaya na magtalik silang dalawa. Hindi naman sa ayaw niya masyado kasi malaki ang alaga ng kanyang boyfriend. Noong una ay akala niya ay mahihimatay siya sa sobrang laki ng alaga nito sa pagpasok sa pekpek niya. Wala naman siyang masasabi sa sobrang galing ni Ludwick, sa kama. Kaya nga lang gusto niya ay wag masyadong madalas baka malaspag siya. Lalo na umuusbong ang career niya ngayon bilang modelo. Pangarap niya maging sikat na modelo sa buong bansa, syempre pati sa international.
"Pasensya na nakasilent ang cellphone ko. Ano ginagawa mo dito?" kunot noo tanong ni Ludwick, sinadya talaga niyang nakasilent ang cellphone niya dahil gusto niya mag-enjoy siya sa swimming nilang magbabarkada.
"Eh… Ano pa ba ang pinunta ko dito kundi ikaw. Tara na akyat na tayo sa kuwarto mo. Halatang stress at pagod ka. Ako na bahala sa'yo." mapang-akit na sabi ni Janella, alam naman niyang nagtatampo na naman ito sa kanya dahil hindi niya ito pinagbigyan noong isang araw. Inilingkis niya ang kamay niya sa matipunong braso ng kanyang boyfriend. Sabay na silang umakyat sa hagdanan papunta sa kuwarto nito. Ilang beses na siyang labas pasok sa mamamahay ng mga Laurel, kaya kabisado na niya kung saan ang kuwarto ni Ludwick.
Napangisi na lang si Ludwick, siguro ay kailangan niya si Janella, ngayong gabi para kahit papaano ay mapawi ang kanyang pagod lalo na ang kanyang stress. Ilang araw din siyang hindi nakapagpalabas dahil sa kanyang iniisip na utang ng kanyang mga magulang.
"Babe, hinanda mo na ba ang sarili mo lalo na ang pekpek at bunganga mo?" ngising sabi ni Ludwick, isang matamis na halik ang binigay niya kay Janella.
"Hindi naman ako pupunta dito kung hindi ako handa babe? Tsaka miss na kita. Miss ko na kung paano mo ko halikan. Miss ko na ang init ng yakap mo. Syempre sobrang miss ko ang malaki mong alaga." dinakma ni Janella, ang malaking at matigas na alaga ng kanyang guwapo at makisig na boyfriend sa suot nitong basketball short.
"Halatang miss mo nga ako babe." ngising sabi ni Ludwick, sana ay maalis ni Janella, ang kanyang stress ngayon.
_________________________________
"Dude ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Andreas, sa kanyang kaibigan. Kitang-kita niya na nakayukom ang dalawang kamao nito na tanda na galit ito. Hindi nga lang siya sigurado kung kanino to galit?
"Ah? Anong sabi mo?" sa sobrang lalim ng iniisip ni Ludwick, ay hindi niya narinig ang sinabi ng kanyang kaibigan na si Andreas, kasama nito si Ryker, n nasa likuran nito. Samantalang si Barett, naman ay nasa kotse nito at nagyoyosi. Nandito pa rin sila sa parking lot ng Altas Bar.
"Ludwick, ang tanong ni Andreas, sa'yo ay kailan ka tatanga dyan? Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Ryker, ilang oras na sila nandito sa parking lot. Hindi pa sila makaalis-alis dahil hinihintay nila ang kanyang kaibigan na nakatulalang nakatingin pa rin ito sa dinaan ng kotse ni Marcus, kung saan nasa loob din nito si Hakeem. Hindi na siya lumapit kanina dahil hindi niya kayang makita si Hakeem, na walang kamalay-malay sa nangyayari. Hindi nga siya makapaniwala na pumayag siya sa plano ni Ludwick.
_________________________________
"Dude sino pang hinihintay mo dyan?" tanong ni Andreas, kay Ryker, na nakatingin pa rin ito kay Hakeem, na masayang nakikipagkuwentuhan kay Andres. Aalis sila ngayon papunta sa Tagaytay kasama pa nila sila Ludwick at Barett. Hindi makakasama ngayon si Hakeem, dahil may pupuntahan pa raw ito kasama si Andres.
"Sige! Tara na! Sayang hindi makakasama si Hakeem." nanghihinayang si Ryker, sa 'di pagsama ni Hakeem, sa kanila. Napapansin na niya na masyado na itong sumama kay Andres. Kahit na hindi niya aminin sa kanyang sarili ay nakakaramdam siya ng selos. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit nakakaramdam siya ng selos.
Lihim na napangisi si Andreas, dahil kitang-kita niya sa mga mata ni Ryker, na nagseselos ito kay Andres, dahil kasama nito si Hakeem. Noon pa man ay may hinala na siya na may gusto ito kay Hakeem.
"Nakakatampo talaga yang si Hakeem. Hindi na ito madalas na sumasama sa lakad ng barkada. Kung sasama ito ay dahil hindi nito kasama si Andres. May relasyon ba silang dalawa?" tanong ni Andreas, nagsimula na siyang magdrive. Nakisakay si Ryker, sa kanya dahil pinapagawa ang kotse nito. Napatingin siya sa kanyang kaibigan na tahimik lang sa passenger seat.
"Siguro… Hindi ko alam… Ngayon lang niya nakilala si Andres, parang nakalimutan na tayo ni Hakeem." may himig na tampo sa boses ni Ryker, naisip niya hindi selos ang nararamdaman niya kay Hakeem, kundi pagtatampo.
"Aminin mo nga sa akin dude. May gusto ka ba kay Hakeem?" biglang tanong ni Andreas, kahit nakatingin siya sa daan ay nakita naman niya sa kanyang gilid ng mata niya na napatingin sa kanya si Ryker.
"Dude?! B-bat naman ako magkakagusto kay Hakeem?" gulat na tanong ni Ryker.
"Aaminin ko na humahanga ako sa kaguwapuhan at galing ni Hakeem, sa pangangarera ng kotse. Tsaka alam naman natin na marami talagang nagkakagusto o humahanga kay Hakeem. Isa na ako roon." pag-amin ni Andreas, wala naman sa kanya kung sinabi niya kay Ryker, na humahanga siya sa kapwa lalaki. Hindi naman ito kabawasan sa p*********i niya.
Hindi alam ni Ryker, na ganun pala ang nararamdaman ni Andreas, kay Hakeem. Alam naman niya talaga na marami nga nagkakagusto kay Hakeem, isa na sigurado si Andres. Nag-aalangan siya kung magtatapat ito sa kanyang kaibigan tungkol sa humahanga rin siya kay Hakeem. Nag-aalala lang siya na baka mag-iba ang tingin nito sa kanya. Baka isipin ni Andreas, na bakla siya.
"Alam mo bang nakausap ko si Andres, after the practice game yesterday. Sinabi niya sa akin na may balak siyang ligawan si Hakeem." ngising sabi ni Andreas, muntikan na niya makalimutan na nakausap nga niya si Andres. Tungkol kay Hakeem, natatawa nga siya dahil nagpaalam talaga ito sa kanya na manliligaw daw ito sa kanyang kaibigan na si Hakeem. Nagbiro nga siya kay Andres, na malalagot ito kay Ludwick.
Hindi alam ni Ryker, kung ano ang kanyang mararamdaman sa sinabi ni Andreas. Mukhang mauunahan pa siya ni Andres. Napabuntong hininga na lang siya. Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa Tagaytay sa rest house ng pamilya ni Andreas.
"Ang ganda talaga dito sa rest house ninyo. Sayang talaga walang makuhanh property ang mga magulang ko dito." sabi ni Ryker, pinagmamasdan niya ang magandang tanawin sa rest house. Kumain sila ng hapunan at kinagabihan ay nag-inuman sila sa may garden area ng rest house ni Andreas. Sa sobrang lamig ay nakajacket silang apat.
"Cheers!" masayang sabi ni Ludwick. Ilang araw na lang ang natitira sa binigay na palugid ni Marcus, sa kanya.
"Dude, anong plano ninyo?" biglang tanong ni Ryker, uminom siya ng alak sa kanyang hawak na boteng beer.
"Plano? Bakit gusto mo malaman?" ngising sabi ni Andreas, siya na ang sumagot dahil wala pa silang napag-uusapan ni Ludwick. Kung paano nila maibibigay si Hakeem, kay Marcus.
"Wala naman curious lang ako." simpleng sagot ni Ryker, kumuha siya ng isang stick ng yosi sa lamesa at sinindihan niya iyon. Sa unang buga ng usok na nagmula sa kanyang bibig ay naramdaman niya ang lamig ng hinihithit niyang yosi ngayon. Black mentol ang kanyang sigarilyong ginagamit niya lagi at wala ng iba.
"Ikaw Barett, nagbago na ba ang isip mo?" tanong ni Ludwick, alam niyang kinausap ni Andreas, ang kanilang kaibigan na si Barett, nalaman nila na kailangan ng pera ng pamilya nito. At walang siyang pagdadalawang isip na pahiramin ng pera si Barett, kapalit ng pagtulong nito sa plano nilang ibigay si Hakeem, bilang kabayaran kay Marcus.
"G-game ako kung ano man ang plano ninyo." seryosong sabi ni Barett, kailangan niya ng pera para sa kanyang pamilya. Kinausap siya ni Ludwick, na pahihiramin siya nito kapalit sa pagtulong niya sa plano nitong ibigay si Hakeem, kay Marcus. Napatingin sa kanya si Ryker, na gulat na gulat.
"Pu-pumapayag ka sa plano nilang ibigay si Hakeem, bilang kabayaran kay Marcus? Nababaliw ka na ba?" kunot noo tanong ni Ryker, nagulat siya biglang pagpayag nito sa plano nila Ludwick at Andreas. Tumingin ng seryoso si Barett, at napatango ito sa kanya.
"Talaga desidido ka dude na ibigay si Hakeem, kay Marcus?" tanong ni Ryker, kay Ludwick, na nakangising nakatingin sa kanya.
"Secret…" inilagay pa ni Ludwick, ang hintuturo niya sa kanyang labi na nagsasabing "tahimik".
"Hindi ka naman namin pinipilit na sumama sa plano namin." ngiting sabi ni Andreas, siguradong mamaya-maya lang ay mag-iiba ang ihip ng hangin.
"Sayang hindi natin nakasama ngayon si Hakeem, ito sana ang huling pagpunta natin sa rest house ni Andreas, na kasama siya." ngising sabi ni Ludwick.
"Kasama na naman niya si Andres, kinausap nga niya ako nung isang araw. Nagpapaalam itong manliligaw kay Hakeem. Sinabi ko nga sa kanya na wala naman ako pakialam kung manligaw siya." sabi ni Barett, humingi siya ng isang stick ng yosi sa kanyang kaibigan na si Ryker. Napakunot noo na lang siya ng makita niyang parang naiinis ito sa sinabi niya tungkol kay Hakeem.
"Dude bat ganyan ang mukha mo? Naiinis ka ba na dalawa na kami kinausap ni Andres?" tuksong sabi ni Andreas, nakipagcheer pa siya kay Barett, na natatawa sa nakikita nilang pagkainis ni Ryker.
"May gusto ka ba kay Hakeem?" seryosong sabi ni Ludwick, ayaw niyang ipakita sa kanyang mga kaibigan na naiinis siya sa narinig niya. Kinausap na niya si Andres, na layuan nito si Hakeem. Ngunit imbes na layuan nito ay manliligaw pa pala ito sa kanyang kaibigan.
"Oo, gusto ko siya. May problema ba?" matapang na sabi ni Ryker, hindi naman lingid sa kaalaman nito na gusto rin ni Ludwick, si Hakeem. Kahit na itago nito ay halata naman kung paano nito tignan si Hakeem. Masyado ito over protective kay Hakeem. Alam niyang higit pa sa kaibigan ang tingin ni Ludwick, kay Hakeem.
"Oh?! Bat ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako." ngising sabi ni Ludwick, natutuwa siya sa kanyang nakikitang pagkainis sa pagmumukha ni Ryker.
"Paano ba yan dude naunahan ka na ni Andres." alam ni Andreas, na kapag tuloy-tuloy ang pang-aasar nila kay Ryker, ay sasabog ito. 'Yun ang hinihintay niyang pagkakataon para mapapayag niya ito.
"Paano mo naman nasabi na naunahan ako? Baka naunahan na si Ludwick, ni Andres?" ngising sabi ni Ryker.
Bigla na lang sinugod ni Ludwick, si Ryker, na akma nitong susuntukin ng mahawakan siya ni Andreas, sa kanang kamay niya. Hawak-hawak na niya ang damit ni Ryker, na nakangising nakatingin sa kanya.
"Ituloy mo dude! Ipakita mo sa akin na hindi importante sa'yo si Hakeem! Sige suntukin mo ako!" sigaw ni Ryker, hindi siya nasisindak sa pag-akmang pagsuntok sa kanya ni Ludwick. Ilang beses na ito nangyari sa kanilang dalawa dahil din kay Hakeem.
"f**k you! Sino sa atin ang nagsasamantala kay Hakeem? Diba ikaw? Para-paraan ka dude! Akala mo hindi ko alam na minamanyak mo si Hakeem, habang nagrerehearsal kayo! Gago mo! Nagtitimpi lang ako sa'yo!" galit na galit si Ludwick, kay Ryker, nalaman niya iyon dahil minsan na niyang nahuli itong pasimpleng niyayakap nito si Hakeem.
"Manyak? Manyak na ba na niyayakap ko siya?! Manyak na ba na hinahawakan ko lang ang kamay niya? Inggit ka lang kasi! Kasi hindi mo magawa iyon sa maraming tao! Hindi mo kasi kayang mabahiran ng dumi ang pangalan mo! Masyado kang nagmamalinis!" marahas na inalis ni Ryker, ang pagkakahawak ni Ludwick, sa damit niya. Tumayo siya at hinarap niya ang kanyang kaibigan.
"Puwede ba tama na yan! Para kayong bata!" sabi ni Andreas, pinipigilan pa rin niya si Ludwick, sa pagsugod at suntok sana nito kay Ryker.
"Bitawan mo Andreas! Bibigyan ko lang ito ng isang malakas na suntok para matauhan ito na hindi kailanman magiging sa kanya si Hakeem!" ngising sabi ni Ludwick, nagpupumiglas siya sa pagkakahawak sa kanya ni Andreas.
"Ulol mo! Masyado ka talaga makasarili dude! Ultimong sarili mong kaibigan ay ibebenta mo?! Tao ka pa ba?!" napapailing si Ryker, sa sitwasyon nila ngayon.
"Puwede ba Ryker, tama na! Nandito tayo para mag-enjoy at marelax hindi para mag-away o magsuntukan!" nagagalit na si Andreas, dahil lagi na lang nagtatalo ang dalawa niyang kaibigan. Ilang sandali lang ay naramdaman niyang huminahon na si Ludwick, sinabihan niya itong bitawan na niya ito.
"Pasensya na! Masyado lang ako stress. Hindi ko akalain na malalagay ako sa isang sitwasyon na kahit sa panaginip ay hindi ko akailan na mangyayari. Ang hirap mga dude." bumalik si Ludwick, sa pagkakaupo niya. Meron siyang nakitang isang stick ng yosi sa lamesa. Inilagay niya ito sa kanyang bibig. Sisindihan na sana niya ito ngunit wala pala siyang lighter. Medyo nagulat siya ng sindihan ni Ryker, ang kanyang yosi gamit ang paborito nitong lighter.