Chapter 12

3465 Words
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 12 "Ingatan mo siya." seryosong sabi ni Ludwick, habang nakatingin siya kay Hakeem, na mahimbing na natutulog sa back seat ng kotse ni Marcus. Heto ang plano niya at ng mga kaibigan niyang sila Ryker, Barett at Andreas. Si Hakeem, ang kabayaran sa mga utang ng kanyang mga magulang. Kapalit sa 'di pagkuha ni Marcus, sa kanyang nakakabatang kapatid. Wala siyang pakialam kung sabihin ng mga ibang tao na makasarili siya. Hindi niya hahayaan na mapunta si Haelynn, kay Marcus. Mahirap din sa kanya na ibigay si Hakeem, kay Marcus, bilang kabayaran. Alam niya na magagalit at kasusuklaman siya ng kanyang kaibigan. Ngayon pa lang ay ihinahanda niya ang kanyang sarili sa muling pagkikita nilang dalawa ng kanyang matalik na kaibigan na si Hakeem.  "Wala ka na pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa kanya." seryosong sabi ni Marcus, nandito sila sa parking lot ng Altas Bar. Akala niya ay nakaalis na sila Ludwick, at ang mga kaibigan nito ''yun pala ay naghihintay pala ang mga ito sa parking lot. Kanina nang mawalan ng malay si Hakeem, ay agad niya itong binuhat at dumaan sa VIP exit ng Altas Bar. Kung saan nag-aabang si Zubery. Binuhat niya si Hakeem, hanggang sa parking lot at maingat niyang ihiniga sa back seat ng kanyang kotse. Hindi niya napansin ang paglapit sa kanya ni Ludwick. Napangisi na lang siya sa sinabi ng guwapong binatang kaharap niya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala para sa kaibigan nitong si Hakeem. Ngunit wala siyang pakialam kung ano man ang nararamdaman ngayon ni Ludwick. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nasa kanya ba si Hakeem Fargas. Sumakay na siya sa back seat para samahan niya roon si Hakeem, na mahimbing na natutulog. Si Zubery, na ang pinagdrive niya sa kanyang kotse pauwi sa mansion niya.  Pinagmasdan lang ni Ludwick, na umalis ang kotseng sinasakyan ni Marcus, na nasa loob din nito si Hakeem. Wala lang pumapasok sa kanyang isipan kundi ang kalagayan ni Hakeem, sa kamay ni Marcus. Masyado siyang nagtaka noon kung bakit bigla na lang si Hakeem, ang gusto nitong kapalit na kabayaran sa kanyang nakakabatang kapatid na si Haelynn. Ito ang pinakamasamang ginawa niya sa kanyang buhay. Hinintay talaga niya ang paglabas ni Marcus, kasama si Hakeem, kanina sa Altas Bar. Tinatanong niya sa kanyang sarili kung anong diskarte ni Marcus, para makuha nito si Hakeem? Kanina ay pasimple niyang tinitignan ang kanyang kaibigan na masayang nakikipagkiwentuhan kay Marcus. Masyado talaga marunong si Hakerm, na makipag-usap at madaling magtiwala sa mga taong hindi nito lubusan na kakilala. Ultimong isang Marcus Orissis Patton, na isa sa maimpluwensyang tao at nagmamay-ari sa pinakamalakaing pasugalan sa bayan ng Prado ay madali nitong nakuha ang loob.  "H-hindi ba puwede na bawiin ang pinag-usapan natin dude?" nag-aalingnganan si Barett, sa pinagkasunduan nila ni Ludwick. Alam niya sa kanyang sarili na masyadong masama ang ginawa nila kay Hakeem. Kaibigan nila ito ngunit ano ginawa nila? Naging kabayaran ito sa malaking pagkakautang ng pamilya ni Ludwick. Napatingin sa kanya ang kanyang kaibigan.  "Ngayon ka pa talaga nakonsensya kung kailan tapos na ang usapan natin?  Nakuha na ni Marcus, si Hakeem, ikaw na rin ang nagsabi sa akin na kapag ginusto ni Marcus, ang isang bagay o tao ay kaya nitong makuha sa anong paraan. Ginamit niya ako para makuha at mapa sa kanya si Hakeem. Wag kang mag-alala makukuha mo ang perang ipinangako ko." ngising sabi ni Ludwick, alam naman niyang hindi niya kaya mag-isa ang planong ibigay si Hakeem, bilang kabayaran kay Marcus. Kaya naman nagpatulong siya sa kanyang tatlong kaibigan. _____________________________ "Dude ang tahimik mo ngayon ah? Teka hindi lang ngayon kundi ilang araw ka na tahimik na parang ang bigat-bigat ng pinagdadaanan mo?" ngising tanong ni Andreas, nandito sila sa kanilang tambayan sa isang resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Naisipan nilang magswimming ngayong araw na ito dahil wala naman silang pasok ngayon. Kaya agad niyang tinawagan ang kanyang apat na kaibigan. Si Hakeem, lang ang hindi makakapunta dahil puyat na naman ito sa pagsali nito sa drag race kagabi sa likod ng Malaya University. Hindi na sila nagulat sa nabalitaan nilang nanalo na naman ang kanilang kaibigan.  "Wala ayos lang ako." sabi ni Ludwick, hinubad na niya ng suot niyang damit at ni isa ay wala siyang tinira. Nagstretching na muna siya bago siya pumunta sa gilid ng swimming pool at nagdive siya sa malamig na tubig ng  pool. Wala naman siyang pakialam na wala siyang suot ngayon habang nagswiswimming siya. Silang apat na magkakaibigan lang naman ang tao ngayon sa resort. Pero kapag kasama nila si Hakeem, ay hindi siya o sila naghuhubad. Hindi sa naiilang sila kay Hakeem, iba kasi mood kapag nandito ito. Alam naman niya na hindi lang siya ang nakakapansin sa kakaibang kaguwapohan ng kanilang kaibigan. Sa sobrang guwapo nito ay parang nagmumukha na itong babae. Napag-usapan nila noon si Hakeem, habang nandito sila sa resort noon. Iba raw ang pakiramdam nila kapag kasama si Hakeem, sa resort lalo na kapag suot lang nito ay brief. Nagkabiruan silang tinitigasan sila kapag nakikita nilang nakabrief lang ang kanilang kaibigan. Lagi silang pumupunta dito kapag wala silang magawa o wala silang ibang lakad. Matagal na silang magkakaibigan sila Ryker, Barett at Andreas. Huli na dumating sa barkada si Hakeem. Nang magsawa na siya sa kakaswimming ay umahon na siya at pinuntahan niya ang kanyang tatlong kaibigan na masayang nakukuwentuhan sa isang cottage. Kinuha niya ang isang puting towel at pinunasan niya ang kanyang buhok at katawan. Ibinalabal niya ang puting towel sa kanyang beywang at umupo na siya.  "Ludwick, dude ayaw mo bang tawagan si Hakeem, para papuntahin dito?" tanong ni Ryker, kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo sa lamesa at sinindihan niya ito gamit ang kanyang paborito niyang blue light.  "Tinawagan nga ni Andreas, kanina diba? Puyat na naman iyon dahil kagabi ay sumali na naman ito sa drag racing sa likod ng Malaya University." ilang araw na hindi masyado kinakausap ni Ludwick, ang kanyang kaibigan. Dahil kapag nakikita niya ito ay para bang nakokonsensya siya kahit na hindi pa niya ginagawa ang gusto ni Marcus, na maging kapalit si Hakeem, ni Haelynn, na kabayaran sa utang ng pamilya niya. Ilang araw na rin niyang iniisip kung kaya ba niyang ibenta ang sarili niyang kaibigan. Aaminin niya sa kanyang sarili na hindi lang kaibigan ang tingin niya kay Hakeem, kundi isang napakaespecial na kaibigan. Ngunit hindi naman niya kayang ibigay bilang bayaran kay Marcus, ang kanyang sariling kadugo at kapatid na si Haelynn.  "Si Hakeem, kahapon ay nakita ko silang magkasama ni Andres. Umalis ang dalawa hindi nga niya ako napansin sa parking lot eh." sabi ni Barett, tinatawag niya ang kanyang kaibigan kahapon sa parking lot ngunit sa sobrang busy nito sa pakikipag-usap sa kasama nito na si Andres, ay hindi na siya napansin nito. Agad itong pumasok sa kotse ni Andres, at umalis.  "Napapansin ko nga na hindi na ito madalas na sumama sa atin. Lagi itong kasama si Andres, may relasyon ba silang dalawa?" usisa ni Ryker, kakatapos lang ng play nilang Sleeping beauty. At nagulat nga siya sa bilang pagsulpot ni Andres, sa backstage noon. May dala pa itong red rosses na binigay nito kay Hakeem.  "Lalaki sa lalaking relasyon?" kunot noo tanong ni Barett, hindi niya maimagine na makipagrelasyon siya sa kapwa lalaki. Parang nandiri yata siya sa kanyang naisip.  "Masyado sarado ang utak mo dude! Alam naman natin lahat na kakaiba ang kaibigan natin si Hakeem, nagmumukha na itong babae sa sobrang kaguwapuhan nito. Pati na rin kilos at pananalita ay masyadong mahinhin kumpara sa atin. Kaya maraming nagkakagusto at humahanga sa kanya." sabi ni Andreas, ininom na niya ang isang bote ng beer na binili nila sa isang convenient store. Pati siya ay humahanga kay Hakeem, lalo na sa sobrang galing nito sa pangangarera ng kotse.  "Lalo na ngayon na kakatapos lang ng play namin. Halos lahat yata ng mga kababaihan lalo na mga kalalakihan sa Malaya University ay nagkaroon ng crush kay Hakeem. Dahil nakita nila ang kagandahan nito kapag naging babae ito." napapailing na lang si Ryker, dahil muntikan na niyang mahalikan si Hakeem, sa play nilang sleeping beauty. Naalala niya kung gaano kaganda ang kanilang kaibigan. "Tangina naalala ko na naman ang itsura ni Hakeem, na nakamake up at nakawig. Ang malala ay nakashort lang ito noong nagpunta kami sa backstage. Sobrang ganda niya para itong tunay na babae." sabi ni Andreas, hindi niya maiwasan na tigasan na naman siya. Aaminin niya na pinagjackulan niya ang kanyang kaibigan na si Hakeem, sa mismong araw na iyon. Nakipagselfie pa siyang nakaakap sa kanyang kaibigan. Napatawa na lang nga siya pagkatapos siyang labasan. Naitanong niya sa kanyang sarili bat niya nagawa ang isang bagay na hindi niya akalain na magagawa niya?  "Mga sira ulo kayo! Pinagpapantasyahan yata ninyo si Hakeem?!" asar na sabi ni Barett, kahit na ayaw niyang aminin sa kanyang sarili ay humahanga rin siya sa kanilang kaibigan na si Hakeem. Bukod sa taglay nitong kakaibang kaguwapuhan ay sobra siyang humahanga kay Hakeem, galing nito sa drag racing. Minsan na nga siyang sumakay sa kotse ni Hakeem, habang  "Wow naman dude! Parang hindi ko alam na pinagjajackulan mo si Hakeem! Hahaha!" birong sabi ni Ryker, naubos na niya ang isang stick ng yosi. Nagulat na lang siya ng makatanggap siya ng mahinang suntok mula sa kanyang kaibigan na si Barett.  "Sira ulo! Bat ko naman pagjajackulan si Hakeem! Hindi ako bakla!" depensa ni Barett, masama ang tingin niya kay Ryker, na ikinatawa lang nito.  "Dude wag kang pikon! Kapag kami ang inaasar mo ay wala lang sa amin. Hahaha!" natatawang sabi ni Ryker, sanay na sila kay Barett, malakas itong mang-asar pero kapag sila naman ang nang-asar dito ay pikon ito. Asar talo ito.  "Sino nagsabing pikon ako?! Sira ulo kayo ah?!" ngising sabi ni Barett, nainis siya sa sinabi ni Ryker, sa kanya. Ni minsan ay hindi niya naisipan na pagjackulan si Hakeem, pero inaamin niya na tinitigasan siya kapag nakikita niya itong nakabrief kapag kasama nila ito sa swimming. Sayang nga lang dahil hindi ito makakapunta ngayon.  Napatingin si Andreas, sa kanyang kaibigan na si Ludwick, na malayo ang tingin na para bang may iniisip ito. Alam at ramdam niyang may problema ito. Hindi nga lang niya sigurado kung ano ang pinagdadaan nito o problema. Naisip niya na baka iniisip pa rin nito ang dalawang nasunog na negosyon ng pamilya nito.  "Ludwick, dude ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Andreas, tinapik pa niya sa balikat ang kanyang kaibigan para makuha niya ang atensyon nito.  "Ah?" medyo nagulat si Ludwick, sa biglang pagtapik sa kanya ng kanyang kaibigan sa balikat. Hindi niya namalayan na nakatulala na siya sa sobrang kakaisip kung ano ang gagawin niya. Napatingin siya sa tatlong kaibigan niya na seryosong nakatingin sa kanya.  "Dude, hindi ka ba pinagbigyan ni Janella?" birong tanong ni Barett, kinuha niya ang isang boteng beer sa cooler at binuksan niya ito. Binigay niya ito kay Ludwick, noon pa nila napapansin na tahimik masyado ang kanilang kaibigan na si Ludwick. Kilala naman nila ito kung ano ang mood nito. Alam nilang may pinagdadaan o may problema ito. Naisip niya si Janella, ang girlfriend nito ang problema nito. Lagi kasi nagrereklamo si Ludwick, na hindi ito laging pinagbibigyan ng girlfriend nito. Bigla niya rin naisip ang dalawang nasunog na negosyo ng pamilya nito.  "Puwede ba dude! Wala ako mood sa pang-aasar mo!" inis na sabi ni Ludwick, inistraight niyang ininom ang binigay sa kanya ni Barett, na isang boteng beer.  "Masyado pang maaga para malasing dude. Bat hindi mo sabihin sa amin ang problema mo? Parang hindi naman tayo magkakaibigan dito?" sabi ni Ryker, nakita niyang napabuntong hininga ng malalim si Ludwick. Nagkatinginan sila Andreas at Barett. Kumpirmado nga na may malaking problema ito. Sigurado siya hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Ludwick, ang dalawang negosyo ng pamilya niya na nasunog. Sa isang gabi ay sabay na nawala ang dalawang malaking negosyo ng pamilya ng kanyang kaibigan. Bottoms up ang isang boteng beer na iniinom ni Ludwick. Inilapag niya ito sa lamesa at tumingin sa kanyang mga kaibigan. Siguro ay kailangan na niyang sabihin sa mga kaibigan niya ang kanyang malaking problema. Kailangan niya siguro ng tulong, hindi niya kayang lutasin ang malaking problema niya.  "May malaking pagkakautang ang mga magulang ko kay Marcus." seryosong sabi ni Ludwick, naikinakunot noo ng kanyang tatlong kaibigan.  "Sino Marcus?" tanong ni Barett.  "Marcus Orissis Patton." sagot agad ni Ludwick, nakita niya ang pagkagulat sa mga mukha ng kanyang mga kaibigan sa kanyang sinabing pangalan. Kumuha siya ng dalawa boteng beer sa cooler at binuksan niya ang mga ito. Agad niyang ininom ang isang bote ng beer.  "What the f**k! Si Marcus, isa sa mga maimpluwensyang tao at nagmamay-ari ng pinakamalaking pasugalan sa bayan ng Prado ang Orissis Casino." sobra nagulat si Andreas, sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Ludwick.  "P-paano nagkautang sila tita at tito kay Marcus?" nagtatakang tanong ni Ryker. "Sa pagsusugal sa casino ni Marcus." simpleng sagot ni Ludwick. "Ah? Nagsusugal pala ang mga magulang mo dude?" gulat na tanong ni Barett, agad siyang nakatanggap ng masamang tingin muna kay Ludwick. Nakatanggap din siya ng mahinang suntok galing kay Ryker.  "Puwede ba dude? Tignan mo naman ang bunganga mo masyaso itong matabil." ngising sabi ni Ryker, kahit na sanay na sila sa ugali ni Barett, minsan ay masyadong matabil talaga ang dila nito.  "Sorry dude. Ah? Ludwick, tuloy mo lang kuwento." ngiting sabi ni Barett.  "Nagtataka ako ng biglang may pumuntang isang lalaking sa bahay. Nagpakilala itong si Zubery Arizabal, nagtratrabaho ito kay Marcus. Sinabi nga nito na may utang aking mga magulang. Hindi lang basta utang kundi isang napakalaking utang. Dahil iyon sa pagsusugal ng aking mga magulang sa Orissis Casino." mahabang salaysay ni Ludwick, napatingin siya kay Barett, dahil may iniabot itong isang stick ng sigarilyo. Kinuha niya ito at nilagay niya ito sa kanyang bibig. Sinindihan ni Barett, ang lighter na hiniram niya kay Ryker. Binigyan niya ng yosi si Ludwick, dahil alam niyang nagyoyosi ito kapag may problema.  "Dude, tuloy mo lang ang kuwento mo." ngiting sabi ni Barett, kumuha siya ng mga beer sa cooler para buksan ang mga ito at ibigay sa mga kanyang kaibigan. Masyado siyang interesado sa sasabihin ni Ludwick, sa kanila. Hindi niya akalain na nagsusugal ang mga magulang ng kanyang kaibigan. "Magkano ba ang utang ng mga magulang mo dude?" usisa ni Ryker.  "Hindi pa sapat ang mga ari-arian ng pamilya ko upang mabayaran ang utang ng mga magulang ko kay Marcus." ngising sabi ni Ludwick, nakatingin siya sa kanyang mga kaibigan na gulat na gulat sa kanyang sinabi.  "What the f**k dude! Ang laki naman ng utang ng mga magulang mo dude?!" gulat na sabi ni Andreas, napainom siya bigla sa kanyang naririnig na sinabi ng kanyang kaibigan.  "Paano nangyari iyon dude?" hindi makapaniwala si Ryker, na masyadong malaki ang utang ng mga magulang ni Marcus. Kilala niya si Marcus, at bali-balita na marami nga nagkakautang dahil sa pagsusugal sa Orissis Casino. At hindi nga siya makapaniwala na isa ang mga magulang ni Ludwick, ang nagkautang kay Marcus.  "Malaki ang utang ng aking mga magulang. Lalong lumaki iyon dahil sa interest." sa huling buga ni Ludwick, ay naubos na niya ang isang stick ng yosi. Sobrang bihira lang siyang magyosi. Nagyoyosi lang siya kapag stress siya.  "Kilala naman natin si Marcus, tuso raw ito pagdating sa pera. Dude saan mo kukunin ang pambayad sa utang mo kay Marcus." tanong ni Barett, habang nakikinig siya sa usapan ng kanyang mga kaibigan ay napapakain siya ng mga chichirya na nabili nila sa convenient store. Nabalitaan niya na tuso raw si Marcus, pagdating sa pera. Nabalitaan din niya na maraming nakakautang na mayayaman na tao kay Marcus.  "Hindi pera o ari-arian ang gustong kabayaran ni Marcus, kundi ang nag-iisang nakakabatang kapatid na babae ko na si Haelynn. Ang gusto nitong ipambayad ko sa kanya." napapailing na lang si Ludwick, habang sinasabi niya iyon.  "What?! Nasisiraan ba siya ng ulo? Bat gusto ni Marcus, na si Haelynn, ang ibabayad mo sa kanya? Anong gagawin niya kay Haelynn?" takang tanong ni Ryker.  "Ano pa bang gagawin ni Marcus, kundi gawin ito sa mga isa sa kanyang mga babae. Nabalitaan ko na kung hindi pera o ari-ariaan ay tao ang kinukuha ni Marcus, na kabayaran ang gusto nito. Ang ginagawa raw ni Marcus, sa mga taong nakukuha niya ay nagiging tauhan niya o kaya ay nagiging parausan nito. Mapalalaki o babae ka man kapag natipuhan ka ng isang Marcus Orissis Patton, ay wala ka na kawala." seryosong sabi ni Barett, totoo ang kanyang sinabi. Meron siyang nakakuwentuhan sa isang bulaluhan minsang nagroad trip siya mag-isa papunta sa Tagaytay. Isang lalaki na nagkaroon ng pagkakautang kay Marcus. Ang gusto raw na kabayaran ni Marcus, ay ang dalawang anak nitong mga babae. Wala siyang nagawa kundi ibigay ang dalawang anak na babae dahil wala naman siyang makita o malapitan para humiram ng pera pambayad kay Marcus. Akala niya ay niloloko siya ng lalaki lasing kasi ito noong nagkausap silang dalawa. Mukha nga itong taong grasa dahil sa dumi ng suot nitong damit. At para bang ilang araw itong hindi naliligo dahil may amoy ito. Ngunit ngayon naniniwala na siya sa sinasabi ng lalaki. Kapareho ng sitwasyon nito ang kanyang kaibigan na si Ludwick. Naalala niya pa niya ang sinabi sa kanyan ng lalaki. "Masyadong tuso si Marcus Orissis Patton!"  "Hindi ko naman ibibigay sa kanya ang kapatid ko! Hindi pa ako nasisiraan ng bait!" galit na sabi ni Ludwick, naubos na niya ang binigay na bote ng alak ni Barett, sa kanya. Kumuha ulit siya isang bote ng beer sa may lamesa. Agad niya itong ininom.  "Paano yan dude? Paano mo babayaran si Marcus? Puwede naman kitang pahiramin ng pera." alok ni Andreas, hindi sa pagmamayabang ay kaya niyang pahiramin ang kanyang kaibigan ng pera. Hindi na rin naman iba sa kanya si Ludwick. Matagal na silang magkaibigan simulang bata pa lang silang dalawa. Nakita niyang napapailing si Ludwick, habang hawak-hawak nito ang bote ng beer.  "Ayaw niya ng pera! Noong isang araw ay bumalil ulit si Zubery, at kasama na niya si Marcus. Siguro naman nabalitaan niyo na nasunog ang dalawang negosyo namin. Ang demomyong si Marcus, ang nagpasunog ng mga iyon!" sigaw ni Ludwick, naikinagulat ng kanyang mga kaibigan. Hanggang ngayon ay iniisip niya kung saan siya kukuha ng pera para sa mga sweldo ng mga nagtratrabaho sa kanilang negosyo na nawalan ng trabaho. Dahil na rin sa dalawang nasunog nilang negosyo.  "Pilit niyang kinukuha si Haelynn, noong gabi na iyon. Ngunit nagmatigas ako. Hindi ko binigay ang kapatid ko. Dahil na rin sa galit ay sinugod ko siya pero isang malakas na sapak ang natanggap ko muna kay Marcus. H-hindi ako duwag mga dude pero sobra akong natakot ng makita ko ang totoong Marcus." naalala na naman ni Ludwick, kung ano ang nangyari noong gabi na iyon. Hindi niya maiwasan na makaramdam ulit siya ng takot kay Marcus. Noong gabi na iyon ay iniwan siya nito nakatulala nakaupo sa sahig. Sobrang siyang gulat na gulat nang banggitin nito ang pangalan ni Hakeem. Tinanong niya si Marcus, kung paano nito nakilala ang kanyang kaibigan? Natatandaan pa niya ang sinagot nito sa kanya.  "Nakakalimutan mo yata na ako si Marcus Orissis Patton."  Napapailing na lang talaga si Ludwick, kapag naalala niya ang gabing iyon. Para siyang binangungot sa pagpunta ni Marcus, sa bahay niya.  Ramdam ni Andreas, ang sinabi sa kanila ng kanilang kaibigan na si Ludwick. Parang nakikita niya kung ano ang itsura ni Ludwick, habang nakikipag-usap ito kay Marcus. Hindi niya alam bat nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa kanyang buong katawan.  "Dude may nakausap akong nagkautang din kay Marcus, noong pumunta ako mag-isa sa Tagaytay. Kinuha raw ni Marcus, ang dalawang babaeng anak nito kabayaran sa malaking pagkakautang nito kay Marcus. Ludwick, dude ano na ang gagawin mo?" pag-aalalang tanong ni Barett, nabigla siya ng maramdaman niyang may mahinang sumuntok sa kanyang kanan na braso.  "Sira ulo ka naman dude! Nakakagulat ka! Muntikan na ako mapasigaw!" inis na sabi ni Barett, masyado kasi silang tahimik na nakikinig sa sinasabi ni Ludwick, sa kanila. Bigla-bigla na lang nanununtok si Ryker, kaya 'di niya maiwasan na magulat. Nakita niya ang kanyang kaibigan kung makatawa ito ay wala ng bukas.  "f**k! Dude kung nakita mo lang ang sarili mo ay mapapatawa ka sa sarili mo! Hahaha!" natatawang sabi ni Ryker.  "Ikaw ah?! Nagsasarili kang pumupunta sa Tagaytay! Hindi ka nagsasama!" tuksong sabi ni Andreas.  "Bat napunta ang usapan sa akin?! Balik tayo kay Ludwick, mga sira ulo talaga kayo!" inis na sabi ni Barett, sinabihan niya si Ludwick, na ipagpatuloy nito ang sasabihin nito.  "Si Hakeem, ang kapalit ni Healynn." seryosong sabi ni Ludwick. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD