My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 11
_______________________________
"Mukhang nakagawa ka ng paraan para mapasayo si Hakeem Fargas." ngising sabi ni Zubery, matagal na niyang alam na gusto ng kanyang capo si Hakeem. Pinaimbestiga pa nga nito si Hakeem, sa kanya. At simulang malaman nito na lagi itong sumasali sa drag race ay lagi na rin itong nanonood ng karera ni Hakeem. Minsan naman ay pumupunta ito sa Rald's Box Café kung saan lagi nagkakape at kumakain ng cake si Hakeem. Lihim na lang siyang natatawa dahil hindi naman mahilig si Marcus, sa mga matatamis na pagkain tulad ng mga cake. Ngayon ay kumakain na ito dahil kay Hakeem.
"Bigla kong naisip si Hakeem, na kapalit ni Haelynn." ngiting sabi ni Marcus, hindi mawala-wala sa kanya ang ngiti sa kanyang guwapong mukha. Ilang araw na rin niya iniisip kung paano mapapa sa kanya si Hakeem Fargas. At heto nga ang pagkakataon niya para mapa sa kanya ang taong kinababaliwan niya ngayon. Napangisi na lang siya ng maisip niyang hindi siya ang gagawa ng paraan upang makuha niya si Hakeem, kundi ang matalik na kaibigan nitong si Ludwick, ang magbibigay sa kanya kay Hakeem.
"Capo, kaya ba ni Ludwick, na ibenta ang sarili nitong kaibigan? Ayon sa nakalap kong impormasyon ay masyadong malapit sa isa't-isa sila Hakeem at Ludwick." tanong ni Zubery, pauwi na sila at siya na ang nagdrive sa kotse ni Marcus.
"Titignan natin kung anong klaseng tao si Ludwick. Sigurado akong ibibigay niya sa akin si Hakeem, para mailigtas niya ang sariling kapatid nito." ngising sabi ni Marcus, nakarating na siya sa mansion niya at sinalubong agad siya ni Bella, isa sa mga pinagkakatiwalaan at kaibigan niya.
"Capo, kamusta ang lakad ninyo?" magalang na tanong ni Bella,
"Dati pa rin. Malapit ko ng makuha ang gusto kong makuha." makahulugan na sabi ni Marcus, masyado siyang napagod sa pakikipag-usap kay Ludwick. Napangiti na lang siya ng maalala niya kung ano ang nangyari kanina. Iniwan nila si Ludwick, na nakatulala dahil hindi na nito alam ang gagawin nito. Nagpaalam na siya kina Zubery at Bella, dahil
dumeretso na siya umakyat sa hagdanan papunta sa kanyang malaking kuwarto. Naiimagine na niya na ilang araw na lang ay makikita na niya si Hakeem, na naghihintay sa loob ng kanyang kuwarto. Sasalubungin siya nito ng matamis na halik at mainit na yakap. Hindi niya maiwasan na tumigas ang kanyang pinagmamalaking alaga sa loob na suot niyang black slack pants. Nakaharap siya ngayon sa isang malaking salamin kung saan nakikita niya ang kanyang sariling repleksyon. Kitang-kita niya ang sarili niya na nakasuot ng isang mamahaling black suit. Isa-isa niyang hinubad ang suot niya hanggang matira na lang ay ang suot niyang boxer na itim kung saan bakat na bakat at tayong-tayo ang malaking alaga niya. Napahimas siya sa kanyang matipunong dibdib. Sa edad niyang 39 years old ay alagang-alaga niya ang kanyang katawan. Hindi niya pinapabayaan na tumaba siya o hindi siya makapagGym sa isang araw. Binibigyan niya ng oras ang kanyang sarili na magkapagGym para mapanatili niya ang kakisigan ng kanyang katawan. Napangisi siya dahil nakikita niya ang guwapong mukha niya na hindi halata sa edad niyang 39 years old. Napahimas siya sa kanyang malaking alaga na nasa loob ng itim na suot niyang boxer. Iniisip niya na balang araw ay makikita niya sa kanyang harapan si Hakeem, na nakahubad. Hahawakan nito ang malaking alaga niya at 'di magtatagal ay isusubo nito hanggang labasan na siya ng sariling katas niya. Kakantutin niya sa bunganga si Hakeem. Hindi niya namalayan na papaunggol na siya sa paghimas ng kanyang alaga. Ilalabas na sana niya ito ng bigla siyang makarinig ng katok. Napatingin siya sa may pintuan na bumukas. Napakunot noo na lang siya ng makita niyang nakangiting pumasok si Avianna Tiangco, isa sa mga naging kabayaran ng pamilya nito sa kanya. Isa rin ito sa mga babaeng parausan niya.
"Tamang-tama yata ang dating ko Marcus, mukhang kailangan mo ako." mapang-akit na sabi ni Avianna, kanina pa niya hinihintay si Marcus. Hindi niya alam kung saan ito pumunta dahil tinatanong niya kay Bella, kung saan pumunta si Marcus, ay ayaw naman siya nitong sagutin. Naiinis talaga siya sa matandang babae na iyon. Masyado itong kontrabida sa buhay niya. Nasa kuwarto siya nang biglang may kumatok sa kanyang kuwarto. Ang kanyang nakakabatang kapatid na si Aitana, sinabi nito na dumating nga si Marcus, at dumeretso sa kuwarto nito. Agad niyang inayos ang kanyang sarili at agad niyang pinunta ang lalaking kanina pa niya hinihintay at ngayon nga ay tamang-tama ang dating niya. Dahil kitang-kita niya ang kakisigan at ang hinahanap-hanap niyang alaga ni Marcus, na ngayon ay hawak-hawak nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Suot ang kanyang itim na see thru nightgown ay sigurado siyang hindi makakatanggi sa kanya si Marcus, ngayon gabi.
"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Marcus, lalong tumigas ang kanyang alaga sa kanyang nakikita suot ngayon ni Avianna. Kahit ilang beses na niya itong nakatalik ay aaminin niya sa kanyang sarili na hindi pa rin siya nagsasawa sa magandang dilag na papalapit sa kanya. Hindi tulad ng ibang nakatalik niya ay isang beses lang ay ayaw na niyang ulitin na makipagtalik sa mga ito. Masyadong marunong si Avianna, pagdating sa pagpapaligaya nito sa kanya.
"Naramdaman kong kailangan mo ang tulong ko Marcus." malanding sabi ni Avianna, ngayon ay nasa harapan na siya ni Marcus. Sa kanyang tangkad na 5'5 ay hanggang matipunong dibdib lang siya ni Marcus, na 6footer ang tangkad nito. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, agad niyang dinakma ang matigas na alaga na nasa loob ng suot nitong itim na boxer.
"Kailangan ko bang magpasalamat sa'yo Avianna?" seryoso pa rin nakatingin si Marcus, sa sexy at magandang dilag na abala sa paghimas sa kanyang alaga. Hinawakan niya ang mukha nito at walang anu-ano ay sinunggaban na niya ito ng mapusok na halik. Sa ngayon ay si Avianna, na muna ang papawi ng init ng kanyang katawan. Hihintayin niya ang araw na si Hakeem Fargas, naman ang papawi sa init ng kanyan katawan.
_________________________________
"Lualhati Canlas Datu." pilit na ngumingiti si Hakeem, sa harapan ni Marcus, masyado siyang naiilang sa tingin sa kanya ng makisig na lalaking nakaupo sa harapan niya.
"Bat hindi ka umupo sa tabi ko?" ramdam ni Marcus, ang sobrang kaba at takot ni Hakeem, sa kanya. Kaya kailangan niyang baguhin ang kanyang ugali ngayon para maging komportable si Hakeem, sa kanya.
Napalunok na lang si Hakeem, sa sinabi sa kanya ni Marcus, kahit na nanginginig na ang kanyang tuhod sa sobrang kaba at takot ay dahan-dahan siyang pumunta sa tabi ng makisig na lalaki. Nanatili pa rin siyang nakatayo sa tabi mismo ni Marcus. Napatingin siya sa mga kaibigan niya na masayang nag-iinuman na para bang nakalimutan na siya ng mga ito? Napaiglad na lang siya ng maramdaman niya ang isang kamay na humawak sa kanyang kaliwang braso.
"Ano pang hinihintay mo Lualhati, umupo ka na?" ngiting sabi ni Marcus, iniba na niya ang kanyang mood para makuha niya ang loob ni Hakeem. Pinaupo niya ito sa kanyang tabi ramdam pa rin niya na hindi ito komportable sa kanya.
"Lualhati, ano ang naisipan mo ba ka lumapit sa aming table?" ngiting tanong ni Marcus, tumawag siya ng isang waiter at umorder siya ng Blue label at pinakuha na niya ang Classic Blueberry Cheesecake at Red Velvet cake na binili niya kanina sa Rald's Box Café. Pinaghandaan niya ang gabing ito para kay Hakeem. Napansin niyang umalis na sa pagkakaupo si Zubery, dahil alam naman nito na kapag lumapit at nakaupo na sa kanyang tabi si Hakeem, ay dapat na itong umalis at meron pa siyang pinapagawa dito.
"Ah? Hmm… G-gusto ko lang makipagkuwentuhan sa isa sa maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado." bumabalik na ang kumpiyansa sa sarili ni Hakeem, napag-isip-isip niya na bakit hindi na lang niya e enjoy ang huling deal niya bilang isang Lualhati. Kapag natapos na itong gabi na ito ay babalik na siya sa kanyang tunay na pagkatao. Nakita niyang napangiti si Marcus, sa kanyang sinabi.
"Kilala mo pala ako?" gulat na tanong ni Marcus, hindi niya inaasahan na kilala siya ni Hakeem. Napansin niya na hindi na ito masyadong kinakabahan.
"Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa nag-iisang Marcus, na may ari sa pinakamalaking pasugalan sa bayan ng Prado." ngiting sabi ni Hakeem, hindi pa rin niya nakakalimutan siya si Lualhati ngayong gabi. Nagulat siya ng makita niyang dumating ang dalawang waiter na may hawak-hawak na dalawang cake at blue label.
"Tamang-tama na napadaan ako sa Rald's Box Café kanina bumili ako ng dalawa sa paborito kong cake. Pagsaluhan natin kainin ang dalawang cake na ito. Mahilig ka ba sa cake?" ngiting sabi ni Marcus, kumuha siya ng isang slice ng cheesecake at red velvet cake. Inilagay niya ito sa isang plato. Nalaman niya na mahilig sa cake si Hakeem, kaya bumili siya ng cake. Alam din niya na ang paborito nitong cake ay Red Velvet Cake at Cheesecake na lagi nitong inoorder sa Rald's Box Café. Sinabi niya na paborito rin niya ito para mas lalo niyang makuha ang loob ni Hakeem.
Natakam si Hakeem, sa nakita niyang cake. Lalo na paborito nito ang cake na binigay sa kanya ni Marcus. Ngayon lang niya naramdaman ang gutom. Napatingin siya kay Marcus, na nakangiting nakatingin sa kanya. Ibang-iba si Marcus, na nakita niya kanina kumpara ngayon na para bang magaan lang itong kasama.
"Wag kang mahiya Lualhati. Hindi ko naman ito mauubos." hindi pa rin mawala-wala ang malapad na ngiti sa guwapong mukha ni Marcus, ibinigay na niya ang platong naglalaman ng dalawang cake na paborito ni Hakeem. Lalo siyang napangiti ng kunin nito ang binigay niyang slice of cakes.
"Salamat Marcus, sa totoo lang ay mahilig ako sa matatamis lalo na ang mga cake sa Rald's Box Café." ngiting sabi ni Hakeem, sinimulan na niya kainin ang cake na nasa plato niya. Napaunggol na lang siya sa sobrang sarap ng kinakain niya ngayon. Gustong-gusto niyang pinagsasama ang cheesecake at ang red velvet cake.
Lalong tumigas ang alaga ni Marcus, sa kanyang suot na black slacks pants. Sa kanyang narinig na pag-unggol ni Hakeem, habang kinakain nito ang cake na binigay niya. Nakatitig lang siya sa magandang dilag na katabi niya ngayon. Kailangan lang niya pigilan ang kanyang sarili dahil kung hindi niya ito magagawa ay baka mawala sa kanya si Hakeem.
Habang kinakain ni Hakeem, ang cake ay napatingin siya kay Marcus, na titig na titig sa kanya. Masyado siyang nag-enjoy sa kinakain niyang cake nakalimutan niyang alukin o sabihan si Marcus, na kumain din ito ng cake.
"Pasensya na Marcus, masyado akong nag-enjoy sa kinakain ko. Bat hindi ka pa kumakain ng cake?" tanong ni Hakeem, nakangiti siyang nakatingin kay Marcus, nakita niyang napalunok itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam bat parang natamaan siya sa kanyang nakita. Bigla na lang uminit ang kanyang katawan na hindi niya maintindihan.
Hindi alam ni Marcus, kung sinasadya ba ni Hakeem, na sabihin iyon sa kanya? Masyado raw itong nag-enjoy sa kinakain nito. Sa sobrang dumi ng kanyang utak ngayon ay iba ang interpretasyon sa kanya ang sinabi ni Hakeem. Naisip niyang nag-eenjoy ito sa pagsubo ng kanyang alaga. Sobrang naiipit na ang kanyang alaga sa kanyang suot na black slacks pants.
"Ehem! Nanuyo yata ang lalamunan ko pasensya na Lualhati." binuksan ni Marcus, ang isang boteng ng blue label at nagsalin siya ng alak sa kanyang baso at nilagyan din niya ang isang pang baso na para kay Hakeem. Naglagay siya ng isang ice cube para lumamig ang inumin alak na nasa rock glass. Ang isa ay binigay niya kay Hakeem, na malugod naman nitong tinanggap.
Ibinababa na muna ni Hakeem, ang hawak-hawak niyang plato sa lamesa at kinuha niya ang basong may laman ng alak na binigay sa kanya ni Marcus.
"Cheers!" ngiting sabi ni Hakeem, dahil sa sobrang uhaw niya ay naubos niya ang laman ng baso. Medyo nabitin pa siya dahil konti lang ang inilagay ni Marcus, na alak sa kanyang baso.
Nakita ni Marcus, na nabitin sa paginom ng alak si Hakeem. Kaya naman kinuha niya ang bote ng blue label at nagsalin siya sa basong hawak ni Hakeem, agad din nitong ininom.
"Marcus, bat hindi ka kumakain sa binili mong cake? Baka maubos ko yan! Hahaha!" birong sabi ni Hakeem, kaninang umaga pa siyang walang maayos na kain. Kaya niyang maubos ang isang cake sa isang araw. Dahil masyado siyang mahilig sa cake.
"Ok lang naman kung maubos mo ito." ngiting sabi ni Marcus, kumuha siya ng isang slice ng red velvet cake. Kahit na hindi siya mahilig sa matatamis lalo na ang cake ay kumain pa rin siya para lang kay Hakeem.
"Hindi ako nagbibiro nauubos ko ang isang cake sa isang araw. Hahaha!" natatawang sabi ni Hakeem, hindi niya namamalayan na masyado siyang nawili sa pakikipagkuwentuhan kay Marcus. Naging komportable na siya sa makisig na lalaking nasa tabi niya. Ibang-iba ang pagkakakilala niya kay Marcus, na ngayong kasama niya.
"Ang lakas mo pa lang uminom? Hindi ko akalain na isang katulad mong napakagandang dilag ay malakas uminom." sabi ni Marcus, napapansin na niya na masyadong nawiwili na si Hakeem, na kasama siya. Lumalalim na ang gabi kailangan na niyang gawin ang dapat niyang gawin dahil baka hindi niya makuha si Hakeem.
Muntikan na masamid si Hakeem, sa iniinom niyang alak dahil sa kanyang narinig na sinabi ni Marcus, sa kanya. Kung alam lang nito na hindi siya tunay na babae ay baka masuntok siya nito. Malakas talaga siyang uminom. Malakas ang tolerance niya sa alak hindi siya agad na nalalasing. Pero ngayon ay nararamdaman na niyang medyo nahihilo siya. Napatingin siya sa bote ng blue label, konti na lang pala ang laman nito. Nagawi ang tingin niya sa dalawang cake na ngayon ay parehong bawas na ang mga ito. Napatingin din siya sa kanyang makisig na lalaking katabi niya. Nakangiting nakatingin pala ito sa kanya.
"Hindi ka ba nagsasawang nakangiting nakatingin sa akin?" kunot noo tanong ni Hakeem, ininom na niya ang natitirang alak sa baso niya. Kahit medyo may tama na siya ay hindi pa rin niya nakakalimutan na siya si Lualhati.
"Bakit naman ako magsasawa kung isang napakagandang dilag ang tinitignan ko ngayon." ngiting sabi ni Marcus, hinawakan niya ang kamay ni Hakeem, napaiglad pa ito sa paghawak niya.
"Bukod sa negosyante ka, varsity player ka rin pala ng basketball Marcus?" kunot noo tanong ni Hakeem.
Napakunot noo si Marcus, sa sinabi sa kanya ni Hakeem. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. Bakit nito nasabi sa kanya na varsity player siya?
"Lualhati, hindi ako naging varsity player." sagot ni Marcus, noong nag-aaral siya ay wala siyang panahon para sumali sa basketball teamp at maging varsity. Kahit na palagi siyang inaalok noon na maging varsity player ay lagi rin siyang tumatanggi. Dahil minsan na siyang nakapaglaro ng basketball at nakita ng mga tao ang galing niyang maglaro. Gustuhin man niyang sumali ay hindi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na umampon sa kanya. Ang gusto ng mga ito ay magfocus siya sa pag-aaral lalo na nang tumungtong na siya asa kolehiyo. Subsob siya sa pag-aaral at hindi siya masyado nakakapaglaro ng basketball ng kanyang mga naging kaibigan sa kolehiyo.
"Ang ibig kong sabihin Marcus, ay masyado kang bolero. Kaya ba maraming nahuhumaling sa'yo dahil magaling kang mambola?" ngising sabi ni Hakeem, alam naman ng taong bayan sa bayan ng Prado na babaero ang isang Marcus Orissis Patton.
"Yan ba ang tingin mo sa akin?" hindi pa rin binibitawan ni Marcus, ang kamay ni Hakeem. Natutuwa siya dahil hindi tumututol ito sa paghawak niya sa kamay nito.
"Hmm… Ewan ko? Hindi ko kilala kung sino ba si Marcus Orissis Patton." sagot ni Hakeem, inalis niya ang pagkakahawak ni Marcus, sa kanyang kamay. Kinuha niya ang bote ng blue label na konti na lang ang laman. Nagsalin siya ng alak sa kanyang baso pati na rin sa baso ni Marcus.
"Gusto mo bang makilala ang tunay na Marcus Orissis Patton?" naging seryoso ang guwapong mukha ni Marcus.
"Hmm… Puwede naman." simpleng sagot ni Hakeem, bigla niyang naisip ang kanyang mga kaibigan. Tumingin siya sa table nila at laking gulat niya na wala na ang mga ito. Bigla siyang napatayo na ikinahilo niya. Matutumba na sana siya ng maramdaman niya ang mga matitipunong brasong sumalo sa kanya.
"Lasing ka na Hakeem… "