Chapter 10

2440 Words
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 10 Napapalunok na lang sa kaba at takot si Hakeem, habang papalapit siya ng papalapit sa table ni Marcus. Napatingin siya sa kanyang likuran kung saan nakatingin ang kanyang apat na kaibigan. Nakita niya na wala na talaga pipigil sa kanya kaya tinuloy na niya ang paglalakad papunta sa table ni Marcus. Iniisip niya na kailangan lang niyang makipagkuwentuhan kay Marcus, tapos ay babalik na siya sa mga kaibigan niya ay matatapos na ang pustahan nilang magkakaibigan Hindi niya namalayan na nandito na siya sa mismong harapan ng table ni Marcus. Biglang seryosong napatingin ito sa kanya na para bang nagtatanong kung ano ba ang ginagawa niya dito sa harapan nito?  "Magandang dilag ano kailangan mo?" tanong ni Zubery, sa magandang dilag na nakatayo sa harapan ng table nila. Lihim siyang natutuwa dahil dumating na ang pinakahinihintay ng kanyang capo. Kitang-kita niya ang pinaghalong-halong kaba, takot at kaguluhan sa magandang mukha ni Hakeem Fargas. Alam niya at ni Marcus, na si Hakeem, ang nakatayong nakabihis na pambabae sa harapan nila.  "A-ah? Gu-gusto ko sana m-ma-makipagkuwen-tuhan sa ninyo. La-lalo na kay Marcus." sobrang nauutal na si Hakeem, sa pagsasalita sa sobrang nerbiyos. Hindi niya nakalimutan na gamitin ang boses babae dahil kung makalimutan niya iyon baka hindi makipag-usap sa kanya si Marcus. Baka magalit pa ito akalain na pinagloloko niya ito.  "Anong pangalan mo?" seryosong at may awtoridad na sabi ni Marcus, ayaw niyang ipahalata na sobra siyang saya ngayon na nandito na sa kanyang harapan ang pinakahinihintay niyang kabayaran ni Ludwick Laurel, sa kanya.  ___________________________________ "Bakit nandito na naman kayo sa pamamahay ko?! Sino nagpapasok sa inyo dito?" takang tanong ni Ludwick, nagtaka siya ng makita siyang puting sport car na 2014 Lexus LS 600h na nakapark mismo harapan ng bahay niya. Akala niya ay kay Hakeem, ito ngunit nagdalawang isip siya dahil itim ang kotse ni Hakeem. Agad siyang pumasok sa loob ng bahay niya at natadnan nga niyang nakaupo sila Marcus at Zubery, sa sala.  "Si Azel, isa sa mga kasambahay mo. At wag mo na siyang pagalitin dahil nagpumilit kami na pumasok. Tsaka ilang araw na lang ay mapapasaakin na itong bahay na ito." ngising sabi ni Marcus, naisip niya na kung hindi niya madaan sa mabuting usapan si Ludwick, ay kailangan na niyang ipakita kung sino talaga si Marcus Orissis Patton.  "Sino nagsabi na ibibigay ko ito sa'yo? Puwede ba umalis na kayo sa bahay ko! Wala akong panahon na makipag-usap sa inyong dalawa!" kararating lang ni Ludwick, galing sa Malaya University. Kakatapos lang ng kanyang klase at hindi maganda ang mood niya ngayon dahil sa kanyang nakita kaninang umaga sa locker area ng gym. Kahit na kinakausap siya ni Hakeem, kanina ay hindi niya ito pinapansin. Galit siya dito dahil sumama ito kay Andres, na alam niya na patay na patay ito kay Hakeem. Hindi na rin natuloy ang usapan nilang pag-alis ni Hakeem, dahil nakalimutan na nito. Hindi na rin niya pinaalala kay Hakeem, na aalis sila kanina. Bago siya umalis sa Malaya University ay nakita niya sa parking area si Hakeem, na sumakay mismo sa kotse ni Andres. Kitang-kita niya na masyado itong excited sa pagpunta sa Rald's Box Café kasama ang kateam niyang si Andres. Napakunot noo na lang siya ng biglang lumabas sa kusina ang kanyang nakakabatang kapatid na babae na si Haelynn, na may dalang pagkain at inumin sa hawak nito tray.  "Kuya nakauwi ka na pala? Ako ang nagpatuloy sa kanila sana ay wag kang magalit sa akin Kuya Ludwick. Ah? Kuya importante raw na makausap ka nila tungkol daw sa negosyo natin." ngiting sabi ni Haelynn, kilala na niya ang dalawang lalaking nakaupo sa sala ng bahay nila. Sila ay si Marcus Orissis Patton, may ari ng Orissis Casino at ang kaibigan nitong si Zubery Arizabal. Nagpakilala ang mga ito sa kanya kanina. Inilapag niya ang hawak niyang tray sa lamesa para makakain na ang mga bisita nila. Buti na lang ay dumating na ang Kuya Ludwick, niya dahil hindi niya alam kung paano niya kakausapin sila Marcus? Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit masyado siyang naapektuhan sa sobrang lakas ng dating ni Marcus. Ito ang pangalawang beses niya makita ang guwapo at makisig na lalaki na si Marcus. Napakunot noo na lang siya dahil kitang-kita niya na hindi maganda ang mood ng kanyang Kuya Ludwick. Naisip niyang may nangyari na naman sa university na hindi nito nagustuhan. Agad niyang naisip ang Kuya Hakeem, niya na matalik na kaibigan ng kanyang kuya. Si Kuya Hakeem, lang niya ang magpapabago ng mood ng kanyang Kuya Ludwick.  "Akyat ka na sa taas Haelynn, pumasok ka sa kuwarto at wag na wag kang lalabas hangga't 'di ko sinasabi na lumabas ka. Ako na bahala dito." seryosong utos ni Ludwick.  "Ah? Masyado ka naman yata mahigpit ngayon kuya?" bigla na lang nagtaka si Haelynn, kung bakit ganun na lang ang utos sa kanya ng Kuya Ludwick, niya.  "Wag ka ng kumontra!" galit na sabi ni Ludwick,  sumunod naman sa kanyang sinabi si Haelynn. Umakyat nga ito sa taas kung saan nandoon ang kuwarto nito.  "Hindi na ako magpaligoy-ligoy Ludwick, sinabi ko naman sa'yo na babalik ako para kunin na ang kabayaran sa malaking utang ng mga magulang mo." sabi ni Marcus, nanatili pa rin siyang nakaupo katabi niya si Zubery, na tahimik na nakikinig.  Hindi alam ni Ludwick, na ngayon na pala kukunin ni Marcus, ang kabayaran sa utang ng kanyang mga magulang. Hindi niya alam kung saan siya ngayon kukuha ng kabayaran para kay Marcus? Hindi niya ibibigay ang kanyang nakakabatang kapatid na babae na si Haelynn, bilang kabayaran ng utang ng mga magulang niya. Hindi pa siya nasisiraan ng bait.  "Nanahimik ka Ludwick, sabihin mo na sa kapatid mo na sasama na siya sa akin ngayon." may awtoridad na utos ni Marcus, seryoso siyang nakatingin kay Ludwick.  "H-hindi mo puwedeng gawin iyon Marcus! Hindi isang bagay ang kapatid ko! Hindi siya ang magiging kabayaran sa utang ng mga magulang namin!" galit na sabi ni Ludwick, nanlilisik na ang kanyang mga mata sa sobrang galit kay Marcus.  "Masyado kang matigas Ludwick." seryosong sabi ni Marcus.  Bigla na lang tumunog ang cellphone ni Ludwick, hindi na sana niya ito papansin pero hindi pa rin tumitigil sa pagtunog ang kanyang cellphone. Kunot noo niyang kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa sa suot niyang pantalon. Lalo siyang napakunot dahil si Anton, ang tumatawag sa kanya. Isa sa mga humahawak sa isa nilang negosyo na naiwan ng kanyang mga magulang. Agad niya itong sinagot at nanlamig ang buong katawan niya dahil sinabi sa kanya ni Anton, na nasusunog ang pagawaan ng furniture na negosyo ng pamilya niya.  "B-bakit nasunog?!" gulat na gulat na tanong ni Ludwick.  "Hindi pa po namin alam sir Ludwick. Ngayon po ay hinihintay pa namin maapuna ang sunog ng mga bumbero." _Anton. "May nasaktan ba?" pag-aalalang tanong ni Ludwick.  "Wala naman po sir Ludwick. Nakalabas naman po kaming lahat." _Anton "Sige! Sige! Pupunta na ako dyan!" napatingin si Ludwick, kay Marcus, na nakangising nakatingin sa kanya.  "Mukhang masamang balita ang natanggap mo ngayon?" ngising sabi ni Marcus.  "Na-nasusunog ang isa sa mga negosyo namin." nanlulumo sabi si Ludwick, ngayon dahil nasusunog ang isa nilang negosyo na isa sa pinakamalaki nilang negosyo. Sigurado siyang malaking kawalan iyon sa kanya at sa pamumuhay nila. Lalo na ang mga nagtratrabaho sa kanila mawawalan ang mga ito ng trabaho.  "Ikinalulungkot ko ang nangyari. Pero mabalik tayo sa usapan natin. Tawagin mo na ang kapatid mo Ludwick, kailangan na namin umalis." seryosong sabi ni Marcus.  "Ilang beses ko ba uulitin sa inyo na hindi ko ibibigay sa inyo ang kapatid ko! May cash ako dito iyon na muna ang ibibigay kong paunang kabayaran sa'yo at puwede na kayo umalis!" sabi ni Ludwick, meron siyang cash sa kanyang kuwarto iyon na muna ang ibibigay niya kay Marcus. Aakyat na sana siya sa hagdaan papunta sa kanyang kuwarto ng biglang magsalita si Marcus, na ikinatigil niya.  "Anong tingin mo sa akin? Pipitsugin na nagpapautang? Hindi ako nakikipagbiruan sa sa'yo Ludwick Laurel. Ilan ba ang negosyo ninyo? Baka mamaya-maya o ngayon din ay may tumawag na naman sa'yo at ibalita na naman na nasusunog ang isang negosyo ninyo?" naiinis na si Marcus, sa hindi pagseryoso ni Ludwick, sa pinaguusapan nila. Nagkamali siya ng akala na maiintindihan nito ang pinagsasabi niya. Akala niya kasi na porke hinahawakan na ni Ludwick, ang mga negosyong naiwan ng mga magulang nito ay mature na itong mag-isip at marunong na ito sa kalakaran sa usapang negosyo. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Ludwick, nagpapasalamat siya dahil nakuna na rin sa wakas nito ang ibig sabihin niya. "W-wag mong sabihin na ikaw ang nagpasunog ng furniture business namin?" takang tanong ni Ludwick.  "Ako ang nagpasunog ng isa ninyong negosyo. Kung magmamatigas ka pa ay baka maubos na ang negosyo ninyo pati na rin itong bahay ninyo." seryosong sabi ni Marcus, hindi siya pumunta dito para makipaglokohan kay Ludwick. May inutusan siyang isa sa mga taong nagtratrabaho sa kanya na sunugin ang furniture business ng mga Laurel. Hindi ito makakakuha ng insurance dahil sinadyang sunugin ang building at hindi ito aksidente. "What the f**k! Nababaliw ka ba? O baliw ka talaga! Paano mo nagawa iyon? Ganyan ka ba kadesperado makakuha ng kabayaran sa mga nagkakautang sa 'yo?" hindi makapaniwala si Ludwick, sa kanyang narinig mula kay Marcus.  "Sigurado akong kilala mo lang ako sa pangalan ko. Pero hindi ko pa ako tunay na kakilala. At ngayon ay gusto kong ipakilala sa'yo ang tunay na Marcus Orissis Patton." ngising sabi ni Marcus, narinig niyang tumunog na naman ang cellphone ni Ludwick. Lalo siyang napangisi ng makitang nanlalaki ang mga mata ni Ludwick, habang nakatingin sa kanya.  Nanginginig na tinignan ni Ludwick, kung sino ang tumatawag sa kanya. Nakita niyang si Amber, ang isa sa humahawak sa isa nilang negosyo. Napalunok siya ng laway bago niya sinagot ang tawag.  "S-sir Ludwick, nasusunog po ang building natin!" _Amber.  Narinig ni Ludwick, ang pag-iyak ni Amber, at ang ingay sa kabilang lingya. Napapalunok na lang siya sa kanyang naririnig. Napatingin siya kay Marcus, na seryosong nakatingin sa kanya. Hindi nga ito nagbibiro sa sinasabi nito. Nasa harapan nga niya ang totoong Marcus Orissis Patton, isa itong demonyo na nagkatawan tao. Sa sobrang galit niya ay susuntukin na sana niya si Marcus, ngunit isang 'di niya inaasahan na isang malakas na suntok sa kaliwang mukha ang natanggap niya muna kay Marcus. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ni Marcus, sa kanya ay napahiga siya at medyo nahilo siya sa sobrang lakas na natanggap niyang suntok.  "Ludwick, masyadong malakas ang loob mo para sugurin mo ko ng ganun-ganun lang." seryosong nakatingin si Marcus, sa guwapong binatang nakaupo sa sahig. Inaasahan na niyang susugurin siya ni Ludwick, dahil napansin agad niya ang pagyukom ng kamao nito. Tinawag niya si Azel, na kasambahay ni Ludwick, inutusan niya ito na pababain si Haelynn, sa sala. Ipapakita niya kay Ludwick, na hindi siya nagbibiro sa mga sinasabi niya.  "Wag! Wag mong tatawagin si Haelynn. Makakaalis ka na Azel. Hayaan mo na ako dito. Ako na bahala sa kanila." nangungusap ang mga mata ni Ludwick, nakatingin kay Azel. Buti na lang ay agad itong umalis kahit na kitang-kita sa ekpresyon ng mukha nito na nag-aalangan itong iwan siya. Dahan-dahan siyang tumayo at pinunasan niya ang dugo sa kanyang kaliwang bahagi ng kanyang labi na pumutok sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Marcus.  "Ako na lang… Ako na lang ang kunin mo wag na ang kapatid ko." determinado si Ludwick, na isakripisyo ang kanyang sarili kapalit ng kanyang nakakabatang kapatid na si Haelynn. Napakunot na lang siya ng makita at marinig niyang tumatawa si Marcus.  "Nagpapatawa ka bata! Aanhin kita? Marami na akong mga tauhan na lalaki. Hindi ko kailangan ng isang katulad mo! Hahaha!" natatawa si Marcus, dahil masyado ng desperado si Ludwick. Hindi niya kailangan ang isang katulad ni Ludwick, masyado itong mayabang na wala naman ipagmamayabang. Puro ito salita wala itong gawa. Akala niya ay matalino ito pagdating sa negosyo pero nabigo siya. Hindi pa ito sanay sa kalakaran ng pagnenegosyo.  "Kunin mo na lang ang lahat ng ari-arian ng aking pamilya. Wag mo lang kunin ang kapatid ko. Parang awa mo na." pagmamakaawang sabi ni Ludwick, napaluhod na lang siya sa harapan ni Marcus. Masyado na siyang nanghihina dahil sa mga nangyayari ngayon. Lalo na dalawa sa pinakamalaking negosyo nila ang nasusunog ngayon. At inaalala niya na baka mawala sa kanya si Haelynn, silang dalawa na lang natitira sa pamilya nila.  Lalong natawa si Marcus, dahil sa nakikita niyang napaluhod na lang si Ludwick. Ang kaninang nagmamatigas ay ngayon ay parang isang nanghihinang hayop na nagmamakaawa. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong eksena. Marami o halos ng nagkakautang sa kanya ay lumuluhod sa kanyang harapan at nagmamakaawa na wag kunin ang mga ari-arian o mahal sa buhay ng mga ito.  "Nasaan na si Ludwick Laurel? Nasaan na ang matigas na si Ludwick? Sige bibigyan pa kita ng isa at huling konsiderasyon." biglang naging seryoso si Marcus, meron siyang naisip na matagal na gumugulo sa kanyang isip. Napatingin sa kanya si Ludwick, halatang naghihintay ito sa kanyang sasabihin. Titignan niya kung anong klaseng tao si Ludwick.  "Hakeem Fargas, isa sa mga matalik mong kaibigan. Siya ang gusto kong kapalit ni Haelynn. Bibigyan kita ng dalawang linggo kung hindi mo maibibigay sa akin si Hakeem, ay kukunin ko sapilitan sa'yo ang nag-iisang kapatid mong babae na si Haelynn Laurel." seryoso at may awtoridad na sabi ni Marcus, ito ang naisip niyang paraan para mapasakanya si Hakeem Fargas. Una pa lang niya itong nakita noong nagkabanggaan sila sa pintuan sa bahay ni Ludwick, ay hindi na nawala sa kanyang isip ang sobrang guwapong mukha ni Hakeem. Aaminin niya sa kanyang sarili na marami na siyang nakatalik na babae pati na rin mga lalaki. Wala sa kanya kung lalaki o babae ang makakatalik niya ang mahalaga sa kanya ay masarap at maligayaha  siya. Ilang araw na siyang hindi masyado makapagtrabaho dahil gusto niyang makasama sa kanyang tabi si Hakeem. Para siyang nababaliw kaya ang ginagawa niya ay gumagaw siya ng paraan para makita kahit saglit si Hakeem. Pinaimbestiga niya kay Zubery, si Hakeem Fargas. Nalaman niya na mahilig pala ito sumali sa drag racing at ang ginagamit nito ay ang sport car itim na 2014 Lexus LS 600h. Kaya kagabi ay lihim siyang nanood sa karerang sinali ni Hakeem. Masaya siya dahil nanalo ito. Nalaman din niya na lagi itong nasa Rald's Box Café at inoorder nito lagi ay classic blueberry cheesecake. Pumupunta siya sa Rald's Box Café para lang makita si Hakee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD