My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 9
"Simple lang ang ipapagawa ko sa'yo. Nasa likuran lang natin si Marcus Orissis Patton. Kailangan mo lang makipagkuwentuhan sa kanya." ngising sabi ni Andreas, kitang-kita niya ang pagkagulat ni Hakeem, sa sinabi niya. Tatapusin na nga niya ang deal nila ngayong gabi. Alam niya na lahat sila ay kinakabahan sa mangyayari ngayong oras na ito. Hindi nila alam kung ano ang kakalabasan ng gagawin nilang ito. Matagal na nila itong pinag-usapan at pinagplanuhan silang apat na magkakaibigan na sila Ryker, Barett, Ludwick at siya. Walang alam si Hakeem, sa mangyayari ngayong gabi.
"Seryoso ka ba dude?" gulat na tanong ni Hakeem, parang bigla yata siyang nawalan ng lakas ng marinig niya ang sinabi ni Andreas, sa kanya. Sa dami-dami ba naman na puwedeng ipagawa sa kanya ay 'yun pa ang naisip ng kanyang kaibigan. Hindi naman siya natatakot kay Marcus, naiilang lang siya dahil sa sobrang lakad ng awra nito. Ilang beses na niya ito nakita at nakasalubong sa mga lugar na pinupuntahan niya tulad na lang sa Rald's Box Café. Simpleng tango at ngiti lang ang komunikasyon nilang dalawa. Napatingin siya sa table nila Marcus, abala ito sa pakikipag-usap nito sa kasama nito na lagi niyang napapansin kapag nakikita niya ito ay kasama ni Marcus, ang isang lalaking kasing tangkad at katawan nito. Wala yata ni sino man ang hindi nakakakilala kay Marcus, dahil isa siya sa mga maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado. At nagmamay-ari ng sikat at pinakamalaking pasugalan sa bayan ng Prado.
"Seryoso ako Hakeem, simple lang naman ang gagawin mo. Makikipagkuwentuhan ka lang kay Marcus, tapos na ang deal." ngising sabi ni Andreas, napatingin siya kay Ludwick, na abala sa pag-inom ng alak. Samantalang sila Barett at Ryker, ay seryosong nakatingin sa kanila ni Hakeem.
"Puwede iba na lang ang ipagawa mo sa akin? Puwede akong maging girlfriend mo ngayon gabi." pabirong sabi ni Hakeem, parang nagiging desperado na siya dahil ayaw niya talagang lumapit kay Marcus. Iba ang pakiramdam niya dito at para bang homophobic ito lalo na nakasuot at nakapambabae siyang damit at itsura. Kapag nalaman nito na lalaki siya ay baka mabugbog pa siya. Nakalimutan na niyang magboses babae sa sobrang kaba at pag-aalala.
"Hindi puwede ang gusto mo Hakeem. Last deal na lang 'yan. Ngayon ka pa ba aatras?" seryosong tanong ni Ludwick, gusto na niya matapos ang gabing ito. Pagkatapos ng gabing ito ay kakalimutan niya lahat ang nangyari sa gabing ito. Napatingin sa kanya si Hakeem, na para bang nakikiusap na payagan niya sa gusto nito. Ngunit umiling siya at ininom na niya ang natitirang alak sa baso niya. Naalala na naman niya ang muntikan ng maghalikan sila Hakeem, at Ryker. Ang pakikipaglandian nito sa isa kateam niya sa basketball na si Anders. Doon na nagsimula ang pagkainis nito kay Hakeem.
______________________________
"Nakita mo ba si Hakeem?" tanong ni Ludwick, sa mga kaibigan niya. Kanina pa niya hinahanap si Hakeem, dahil may usapan silang aalis ngayong pagkatapos ng klase nila.
"Hindi namin siya nakita. Baka absent siya ngayong araw na ito. Alam mo naman iyon nakipagkarera na naman ito kagabi." sabi ni Ryker, inaaya nga siya ni Hakeem, na sumama kagabi ngunit may family dinner sila kaya tumanggi siya sa alok nito. Gusto nga niya ito kausapin ngayong araw na ito baka kasi nagtampo ito sa kanya. Pasimple rin niya hinahanap si Hakeem, ngayon ayaw lang niya ipahalata dahil baka uminit na naman ang mata ni Ludwick, sa kanya. Ilang araw na ang nakakalipas at ilang araw din siyang hindi kinikibo ng kanyang kaibigan na si Ludwick. At ilang beses na rin silang muntikan na magsuntukan sa walang kakuwentang-kuwentang bagay. Napag-isip-isip niya na nagseselos si Ludwick, sa nakita nitong muntikan na paghahalikan nilang dalawa ni Hakeem. Bukod kay Andreas, ay alam naman nilang magkakaibigan na masyadong malapit sa isa't-isa sila Hakeem at Ludwick. Simula't sapol ay pansin nila ang kakaibang pagsasama ng dalawa nilang kaibigan.
"Saan na naman kaya lupalop nagpupunta iyon? Teka nga lang pupunta pala ako sa gym may kailangan lang akong kunin locker ko." sabi ni Ludwick, nandoon kasi ang isa niyang notebook para sa susunod nilang klase Naiwan niya ito noong may practice game sila. Sa pagpunta niya sa gym ay maraming bumabati at nagpapapansin sa kanya. Simpleng ngiti lang ang tugon niya sa mga taong tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi na iba sa kanya ang maraming bumabati o nagpapapansin sa kanya. Team captain siya ng basketball team ng Malaya University. Nakarating na siya sa gym at wala siyang nakita ni isang tao sa gym dahil na rin nakasara ito at ang mga varsity lang ang puwedeng pumasok sa loob ng gym kapag ganitong araw. Dumeretso na siya sa locker area ng gym papasok na sana siya ng makarinig siya ng nag-uusap na dalawang tao sa loob ng locker area. Hindi na muna siya pumasok at pinakinggan niya ang usapan ng dalawang taong nag-uusap sa loob ng locker area.
"Gago mo! 'Yung promise mo sa akin na ililibre mo ako sa Rald's Box Café na blue berry cheese cake at red velvet cake asan na?"
Familiar ang boses na iyon para kay Ludwick, pinakinggan niya maigi ang usapan ng dalawa.
"Hindi ako bumabali sa promise ko. Tsaka congrats pala sa pagkapanalo mo kagabi."
"Sanay naman ako manalo sa drag racing."
"Yabang naman nito. Alam ko naman na mananalo ka kagabi. Dahil ako ang naging lucky charm mo kagabi."
"Sorry pero hindi ako naniniwala sa mga ganyan na lucky charm. Naniniwala ako lang ako sa sarili kong kakayahan."
"Oo alam ko naman iyon. Ah… Hakeem, salamat pala sa pagsama mo sa akin dito sa locker."
"Para ka naman sira dyan Andres, nagpapasalamat ka talaga sa pagsama ko sa'yo dito sa locker. Sumama ako para hindi ka makatakas sa sinabi mo kagabi sa akin. Hahaha!"
Napamura na lang si Ludwick, sa kanyang sarili ng marinig niya ang usapan ng dalawang lalaki na agad niyang nakumpirma na sila Hakeem at Andres, na isa sa mga kasamahan niya sa team niya sa basketball. Napayukom ang kanyang dalawang kamao dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya sa kanyang naririnig na usapan nila Hakeem at Andres.
"Ganun ba iyon? Kala ko naman gusto mo talaga ako samahan dito? Teka lang magpapalit lang akong damit para diretso na tayo sa Rald's Box Café." sabi ni Andres, hindi na siya nag-abala pang pumunta sa cubicle para maghubad ng damit. Sa mismong harapan na ni Hakeem, siya naghubad. Tinitignan lang niya kung titignan ba siya nito. Matagal na niyang gusto si Hakeem. Alam niyang pareho silang lalaki pero tumibok ang kanyang puso sa kapwa niya lalaki na si Hakeem. Hindi lang siya makabuwelo dahil nakabakod lagi ang kanilang team captain na si Ludwick Laurel. Alam niya na hindi lanh siya ang may patingin kay Hakeem, sa mga kateam niya kundi halos lahat yata sila ay gustong makasama si Hakeem. Lagi nilang napag-uusapan si Hakeem, kapag wala si Ludwick, dahil minsan na nilang napagusapan ng kateam niya si Hakeem. Narinig mga sila ng team captain nila at agad silang pinagbawalan na pagusapan ang matalik nitong kaibigan na si Hakeem. Sobrang galit na galit nun si Ludwick, dahil medyo bastos ang pinaguusapan nila tungkol kay Hakeem. Ngayon ay napakasuwerte niya dahil na solo niya ang guwapong binata na si Hakeem. Napanood siya ng karera nito kahapon kasama ang iba pa niyang mga kateam sa basketball. Napansin nila kagabi na hindi kasama ni Hakeem, ang mga kaibigan nito lalo na si Ludwick. Kaya naglakas loob siyang lumapit at kausapin si Hakeem. Nakipagbirua at nakipagpustahan pa siya. Sinabi niya kay Hakeem, na kung mananalo ito ay ililibre niya ito sa Rald's Box Café. Alam naman niyang mananalo ito wala sa kanya kung ilibre niya ito dahil ang importante ay magkaroon siya ng dahilan para makasama niya si Hakeem.
"Bilisan mo para mabalik agad tayo dahil may klase pa tayo mamaya." sabi ni Hakeem, natutuwa siya dahil nakasama niya si Andres. Kagabi nga ay hindi niya inaasahan na lalapit at kakausapin siya nito. Akala niya kasi na suplado itong tao ngunit nagkamali siya. Palakuwento at masayahin tao si Andres. Matagal na niya kilala ito dahil na rin kateam nito si Ludwick. Hindi nga lang sila nagkakaroon ng panahon o oras para magkausap dahil napapansin niya na masyado siyang binabakuran ni Ludwick. Para bang ayaw siya nitong makipag-usap o lumapit man lang sa mga kateam nito. Naitanong na niya ito minsan sa kanyang matalik na kaibigan na si Ludwick, kung bakit masyado siya nito binabakuran pagdating sa mga kateam nito sa basketball. Sinabi na lang sa kanya ni Ludwick, na masyadong mga loko-loko ang mga kasamahan nito sa team.
"Hindi ba puwede na wag na tayong pumasok. Para mas lalong humaba ang kuwentuhan natin?" ngiting sabi ni Andres, ngayon qay nakahubad na siyang nakatayo sa harapan ni Hakeem. Suot ang lang ang isang hapit na hapit na white boxer brief. Gusto niyang ipakita sa guwapong binata na may ipagmamalaki siya bukod sa kisig ng katawan at guwapong mukha.
"Ano pang tinatayo mo dyan Andres?" kunot noo tanong ni Hakeem, ayaw niyang ipahalata na medyo naiilang siya dahil sa kanyang nakikitang hubad na katawan ni Andres. Lalo na ang masyadong halatang pag-aari nito na nakatago sa boxer brief na suot nito. Nagtaka siya ng biglang tumabi sa kanya si Andres.
"Hakeem, sa tagal na kita kilala ni minsan wala pa kitang nakita o nabalitaan na may girlfriend ka. Bakit wala ka pang girlfriend? Hindi naman lingid sa kaalaman mo na maraming nagkakagusto o humagmhanga sa'yo dito sa Malaya University. Hindi lang babae kundi pati lalaki." sabi ni Andres, sinadya niyang tumabi kay Hakeem, para malaman kung kakagat ba ito sa plano niyang akitin ito. Sobrang ganda ng pagkakataon na ito dahil silang dalawa lang ang nandito sa gym. Nagpasama siya dito para magpalit ng damit dahil sinadya niya kanina na mabasa ni Hakeem, ang damit niya para samahan siya nito sa locker area ng gym. At heto nga silang dalawa lang sa locker area. Ayaw niyang puwersahin si Hakeem, ang gusto niya ay mauunang kumilos si Hakeem.
"Huh? Nag-eenjoy ako sa drug racing at wala akong panahon para sa mga ganyang bagay. Tsaka tama ka naman na alam ko na marami nakakapansin sa akin." sabi ni Hakeem, iniiwasan lang talaga niya makakuha ng atensyon sa mga tao dito sa Malaya University ngunit hindi umaayon sa kanya ang tadhana. Gaganap siya bilang Princess Aurora, sa nalalapit na foundation day ng unibersidad.
Dahan-dahang sumilip si Ludwick, mula sa pintuan ng locker at hindi niya nagustuhan ang kanyang nakikita ngayon. Nakahubad si Andres, habang tabi nitong nakaupo si Hakeem. Nanlilisik ang kanyang mata habang nakasilip kinq Andres at Hakeem.
"Sa sobrang guwapong mo Hakeem, nagmumukha ka na babae. Hahaha!" dinaan na lang ni Andres, sa pagbibiro ang gusto niyang sabihin. Napalunok na lang siya ng biglang humarap sa kanya si Hakeem. Napapalunok na lang siya habang titig na titig sa kanya si Hakeem. Ito yata ang unang besea niyang makita sa malapitan ang guwapong mukha ni Hakeem, lalong tumigas ang kanyang alaga sa loob ng suot niyang boxer brief. Pasimple niyang kinambiyo ang kanyang alaga dahil masyado na itong nasasakal sa loob ng boxer bried niya.
"Alam mo hindi lang ikaw ang nagsabi ng ganyan sa akin." napabuntong hininga na lang si Hakeem, tatayo na sana siya ng bigla siyang hawakan ni Andres, sa kanang kamay niya. Napatingin siya sa makisig na binata na para bang may nais itong gustong sabihin sa kanya.
"Hakeem…" hindi alam ni Andres, kung sasabihin ba niya kay Hakeem, na may gusto siya at gusto niya itong ligawan. Sobra siyang kinakabahan ngayon alam niyang nararamdaman ni Hakeem, ang lamig ng kanyang kamay na nakahawak sa kamay nito.
"Andres, ayos ka lang ba? Bat ang lamig ng kamay mo? Alam mo magbihis ka na lang baka nilalamig ka na." sabi ni Hakeem, hinayaan lang niyang nakahawak ang kamay ni Andres, sa kanyang kamay.
Tumayo sa pagkakaupo si Andres, at humarap siya kay Hakeem, na kitang-kita niya ang kunot noo nitong nakatingin sa kanya. Napapalunok na lang siya ng laway nagdadalawang isip talaga siya kung sasabihin na ba talaga niya kay Hakeem, ang nararamdaman niya. Nagtaka na lang siya ng biglang natatawa si Hakeem, habang nakatingin ito sa kanya.
Hindi maiwasan na matawa si Hakeem, dahil bakat na bakat na ang alaga ni Andres, sa suot nitong boxer brief.
"Anong nakakatawa?" takang tanong ni Andres, hinihintay niya ang sagot ni Hakeem, sa kanyang katanungan.
"Bakat na bakat na ang alaga mo Andres! Libog ka yata ngayon? Hahaha!" natatawang sabi ni Hakeem.
"Ah? Pasensya na tigang kasi ako. Hahaha!" birong sabi ni Andres, bigla na lang siyang nahiya sa nakita ni Hakeem, sa kanya. Hinayaan lang niya ang kanyang bakat na alaga sa kanyang boxer short.
"Hindi nga masyado halata eh?!" sinakyan na lang ni Hakeem, si Andres, sa biro nito. Ayaw niyang ipahalata na naiilang siya baka kung ano isipin pa nito sa kanya.
"Malaki ba?" ngising tanong ni Andres, dinakma niya sa kanan kamay niya ang alaga niya para lalong ipakita kay Hakeem, kung gaano kalaki ang alaga niya.
"Ah? Wala sa laki yan sa performance yan!" ngisi din sabi ni Hakeem, naniniwala talaga siya na nasa performance hindi sa laki ng alaga ng isang lalaki kung masisiyahan ang isang babaeng katalik nito. Sa katunayan yan ay wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik sa babae. Gusto niya kasi na especial ang magiging unang s*x niya. Sabihin na nilang hopeless romantic siyang lalaki pero wala siyang pakialam. Para sa kanya ang pakikipagtalik ay sagrado sa dalawang taong nagmamahalan sa isa't-isa. Lagi nga siya tinutukso ng kanyang mga kaibigan lalo na si Barett, na masyado raw siyang makalumang tao dahil gusto kasi niya na ikasal na muna siya bago siya makipagtalik sa babaeng mamahalin niya.
Hindi na makayanan ni Ludwick, ang nakikita at naririnig niya kina Hakeem at Andres, kaya nagpakita na siya sa dalawa na ikinagulat naman ng mga ito.
"Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo dito?" seryosong sabi ni Ludwick, kitang-kita niya na sobrang gulat na gulat ang dalawa. Lalo na si Andres, na agad na tinakpan nito ang pinagmamalaki nitong alaga.
"C-ca-captain! " hindi inaasahan ni Andres, ma pupunta ngayon sa locker area ang team captain nila sa basketball na si Ludwick Laurel. Para siyang nakakita ng multo dahil sobrang nanlamig ang kanina pa niyang nag-iinit na katawan. Mabilis din na lumambot ang kanyang malaking alaga na nasa loob ng kanyang boxer short. Habang nakatingin siya sa kanyang captain ay napalunok na lang siya ng laway sa sobrang kaba at takot. Sigurado siyang masersermon siya nito.
"Oh?!" nagulat si Hakeem, sa biglang pagsulpot ng kanyang kaibigan na si Ludwick. Kita niya sa mga mata nito na parang galit ito nakatingin sa kanila ni Andres.
"Tinatanong ko kayo! Ano ang ginagawa ninyo dito? Bat ka nakahubad Andres?!" may awtoridad na tanong ni Ludwick, kahit na alam niyang walang ginagawa ang mga ito ay hindi niya maiwasan na magalit at makaramdam siya ng selos.
"Na-nagbibihis lang ako captain." sabi ni Andres, agad na kinuha niya ang kanyang mga damit na school uniform sa locker niya at mabilis niya itong sinuot.
"Sinamahan ko lang si Andres, dito sa locker dahil may aalis kami mamaya after class." sabi ni Hakeem, hindi naman siya nasisindak sa galit na boses ni Ludwick. Sanay na ito sa pabago-bago nitong mood. Pero napansin niya na nakayukom ang dalawang kamao nito habang nakatingin sa kanila ni Andres. Ngumiti siyang lumapit sa kanyang kaibigan at tinapik niya ito sa balikat.
"Mukhang bad mood ka yata dude?" ngiting tanong ni Hakeem, tinapik-tapik niya ang kanang balikat ni Ludwick. Tumingin ng masama sa kanya ang kanyang kaibigan na ikinakunot noo niya.
"Hakeem, diba sinabi ko na sa'yo na wag na wag kang lumalapit sa mga kateam ko?!" galit na sabi ni Ludwick, napatingin siya kay Andres, na nakabihis ito at nayukong nakatayo.
"Teka dude wala naman siguro na masama na sumama ako sa kanila lalo na si Andres." pagpapaliwanag na sabi ni Hakeem, tumingin siya sa kanyang likuran upang tignan si Andres, kung nakabihis na ba ito? Napakunot noo siya dahil nakayukong nakatayo ito na para bang takot na takot ito kay Ludwick.
"Kung hindi pa ako dumating dito ay baka kung ano na ang ginawa sa'yo ni Andres? Wag kang masyadong magtiwala sa ibang taong kakakilala mo lang." hindi pa rin humuhupa ang galit ni Ludwick, nagagalit siya kay Andres, lalo na kay Hakeem. Dahil masyado itong mabilis na magtiwala sa mga taong kakakilala ng nito.
"Ludwick, chillax ka lang. Masyado kang hot." asar na sabi ni Hakeem.
_________________________________
"Oh?! Ano pang hinihintay mo? Lapitan mo na si Marcus." seryosong sabi ni Ludwick, napatingin sa kanya si Hakeem, na para bang nagtatanong ito kung seryoso ba siya sa sinabi niya.
"Hakeem, bilisan mo na! Para matapos na tayo." sabi ni Ryker, ayaw niyang ipahalata na natatakot siya sa mangyayari kapag lumapit na si Hakeem, kay Marcus.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hakeem, wala man lang kumontra sa sinabi ni Andreas, sa kanya. Lahat ng apat niyang kaibigan ay pabor sa gusto ni Andreas. Hindi niya maiwasan na maisip na pinagkakaisahan siya ng kanyang mga kaibigan. Pero alam naman niya na deal is deal. Natalo siya sa pustahan kaya kailangan niyang gawin ang lahat ng pinapagawa sa kanya. Para hindi mawala sa kanya ang pinakamamahal niyang Lexus. Nilakasan niya ang kanyang loob para humakbang papunta sa table ni Marcus, na abala pa rin sa pakikipagkuwentuhan sa kasama nitong lalaki.