My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 8
"Dahan-dahan lang sa paglalakad Lualhati. Tignan mo may nakabungguan ka pa." sabi ni Ludwick, bigla siyang kinabahan ng makita niyang nagkabungguan sila Marcus at Hakeem.
"Ayos lang ako." simpleng sagot ni Hakeem, boses babae na siya dahil nandito na siya sa loob ng Altas bar. Hindi niya napansin na nandito pala sa Altas Bar si Marcus Orissis Patton, at malapit lang pala ang table nito sa table nila. Nakangiti siyang umupo sa tabi ni Ryker, na nagulat sa biglang pagsulpot niya.
"Oh?! Bat ngayon ka lang?! T-teka nagpalit at nag-ayos ka ulit?" nabigla si Ryker, sa biglang pagsulpot ni Hakeem, sa tabi niya. At lalo siyang nagandahan sa bagong ayos nito.
"Masyadong matagal mag-ayos si Lualhati, kaya hinintay ko pa siya." sabi ni Ludwick, tumabi siya sa pagkakaupo ni Hakeem. Kumuha siya ng isang rock glass na walang laman at naglagay siya ng dalawang ice cube. Nagsalin siya ng alak sa kanyang baso pinuno niya ito at hinayanan na muna niya ito lumamig kahit papaano. Ininom niya ito hanggang maubos ang laman.
"Ooohhh! Chillax lang dude. Masyado ka yata nagmamadali." sabi ni Andreas, alam niyang kapag ganyan si Ludwick, ay stress ito o may iniisip na problema. Alam niyang masyado ito kinakabahan ang mangyayari mamaya.
"Wag mo naman ubusin ang alak natin. Hindi pa nga kami nagsisimula dahil hinihintay ka namin lalo na si Lualhati." ngising sabi ni Barett, sinabihan niya ang mga kasama niya na wag na muna sila magsimula dahil wala pa ang dalawa nilang kaibigan. Hindi naman siya tanga para hindi malaman na may ginawa ang dalawa ng isang kababalaghan. Kitang-kita niya kay Hakeem, na wala na ang lipstick nito sa labi at napagmasdan din niya na nag-iba na naman ng mood si Ludwick. Napangisi siya lalo ng tumingin ng masama sa kanya ang kanyang kaibigan na si Ludwick. Halatang natamaan na ito sa inistraight nitong alak.
"Puwede ba Barett, umayos ka kung ayaw mong tamaan sa akin." inis na sabi ni Ludwick, nagsalin pa siya ng alak sa kanyang baso para sana inumin niya ito ngunit pinigilan siya ni Hakeem.
"Ludwick, dahan-dahan lang. Kailangan ay sabay-sabay tayo malasing hindi ikaw ang mauunang malasing." ngiting sabi ni Hakeem, inilingkis niya ang kanyang kamay sa matipunong braso ng kanyang kaibigan at inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga nito para bulungan si Ludwick.
"Dude umayos ka naman. Alam ng mga apat na ito na badtrip ka na naman. Baka mag-isip ang mga yan na may nangyari sa 'di maganda habang wala tayo dito." mahinang bulong ni Hakeem, sapat lang para marinig ng kanyang kaibigan. Bumalik sa pagiging boses lalaki ang boses niya. Pagkatapos niyang maibulong ang gusto niyang ibulong kay Ludwick, ay ngumiti siya tumingin dito. Napatingin din siya sa kanilang kaibigan na nakakunot na nakatingin sa kanilang dalawa.
"Ehem! May hindi ba kami alam na nangyari kanina habang wala kayong dalawa?" usisa ni Ryker, ramdam niyang may nangyari kanina kaya badtrip o nag-iba na naman ng mood si Ludwick.
"Bat hindi na lang tayo magpakasaya. At ituloy na natin ang deal natin Lualhati." ngiting sabi ni Andreas, kinuha niya ang baso niya na naglalaman ng alak at ininom niya ito habang nakatingin kay Hakeem, na gulat na gulat.
"Bat ganyan ang reaksyon mo Lualhati? Nakalimutan mo ba na hindi pa tapos ang deal natin?" ngising sabi ni Barett, muntikan na rin niya nakalimutan na hindi pa pala nagsasabi si Andreas, kung ano ang gusto nitong ipagawa kay Hakeem.
"Kala ko tapos na ang deal natin?" takang tanong ni Hakeem, nakatingin siya kay Andreas, na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Masyado ka naman makakalimutin Lualhati, paalala lang hindi pa ako nakakapagbigay ng gusto kong gawin mo ngayonh gabi." sabi ni Andreas, pinalapit niya si Hakeem, sa kanya. Tatayo na sana ito ngunit pinigilan ito ni Ludwick.
"Bakit kailangan pang lumapit sa'yo si Lualhati? Hindi ba puwede na kausapin o sabihin mo na lang ang nais mong pagawa sa kanya?" seryosong sabi ni Ludwick, nakahawak ang kamay niya sa beywang ni Hakeem, hindi niya hahayaan na lumapit ito kay Andreas.
"Masyado mo talagang sinosolo si Lualhati, dude. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi mo siya girlfriend o pagmamay-ari. Kaya wag mo siyang solohin." ngising sabi ni Ryker, nakatingin siya kay Ludwick, na binigyan siya nito ng masamang tingin. Masyado talagang makasarili ang kaibigan nito. Masyado nitong sinarili si Hakeem, na dapat ay silang lahat ay makinabang dahil sumang-ayon silang lahat sa mga plano nito.
"Huh? Hindi ko sinolo si Lualhati. Mas gusto niya sa akin nakadikit kaysa sa inyo." ngising sabi ni Ludwick.
"Ludwick, lalapit na ako kay Andreas, wala naman masama kung nasa tabi niya ako. Tsaka para matapos na itong deal na ito." ayaw mainis ni Hakeem, sa nangyayari ngayon. Ayaw lang niya na magulo ang masaya na dapat nilang pagsama-sama. Hindi na niya hinintay pang sumagot si Ludwick, tumayo na siya sa pagkakaupo para tumabi kay Andreas.
"Sobrang ganda naman ng chicks ko ngayong gabi." ngising sabi ni Andreas, lihim siyang natatawa sa itsura ngayon ng kanyang kaibigan na masama ang tingin sa kanya. Tinutukoy niya ay si Ludwick, kung nakakamatay lang ang titig nito sa kanya ay kanina pa siya namatay.
"Andreas, ano ang ipapagawa mo sa akin?" tanong ni Hakeem, isinandal pa niya ang ulo niya sa balikat ni Andreas. Ayaw niyang tumingin sa kanyang harapan dahil alam at ramdam niyang masama ang tingin ni Ludwick, sa kanilanh dalawa ni Andreas.
"Can i call you babe? Or Can you be mine Lualhati?" ngising sabi ni Andreas, tumingin siya kay Hakeem, na nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. Alam niyang si Hakeem, ang katabi niya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nag-iinit ang kanyang katawan lalo na nakasandal pa ang ulo nito sa balikat niya. Naagaw ang pansin nila dahil parang may nabasag o natumba sa bandang likuran nila. Pagtingin niya sa likuran ay may mga nabasag na mga bote at baso. Sa table pala ni Marcus, ang mga nabasag. At parang nanlamig ang kaninang nag-iinit na katawan niya dahil sobrang masama ang titig sa kanya ni Marcus.
"Hmm… hindi puwede dahil ayoko muna magboyfriend ngayon." ngiting sabi ni Hakeem, hindi niya masyadong pinansin ang pagtitig sa kanya ni Marcus. Hindi lang niya alam kung bakit ganun makatitig sa kanila si Marcus. Mukhang homophobic ito dahil pansin yata nito na lalaki siyang nagpapanggap na babae.
"Andreas, dude masyado ka yata nasindak sa pagtingin sa'yo ni Marcus?" ngising sabi ni Barett, pa rin siya ay natakot kahit na alam niyang hindi siya ang tinitignan ni Marcus. Masyadong malakas ang awra nito na pati siya natakot paano na lang si Andreas, na putlang-putla ngayon na nakatulala.
"Hey! Dude! Bat ka nagkaganyan?" tanong ni Hakeem, nagbalik ang dati niyang boses na napatingin tuloy sa kanya ang mga kaibigan niya.
"Hoy! Hakeem! Consistent naman dyan! Nakakaturn off ka talaga kapag nagboboses lalaki ka habang nakaganya na ayos ka." natatawang sabi ni Barett.
Napangisi na lang si Hakeem, sa sinabi ng kanyang kaibigan. Napatingin siya kay Andreas, na nananahimik pa rin hanggang ngayon. May naisip siyang kalokohan para bumalik sa dati ang kanyang kaibigan. Isang beses lang naman siyang magiging Lualhati, kaya sasamantalahin na niya ito. Tumayo siya sa pagkakaupo at umupo siya paharap sa harapan mismo ni Andreas, na ikinabigla nito.
"Andreas, maayado ka yata naapektuhan kay Marcus? May ginawa ka bang masama sa kanya kung bakit ganun na lang ang tingin sa'yo ni Marcus?" pinakalambing-lambing niya ang boses ni Hakeem, para lalong maging babae ang kanyang boses. Titit na titig siya kay Andreas, ngayon dahil sa mestisuhin ito ay kitang-kita niya sa guwapong mukha nito ang pamumula ng buong mukha nito. Narinig pa niya naghiyawan sila Barett at Ryker, sa bandang likuran niya. Pero mas naagaw ang pansin niya ng maramdaman niya na may nakatingin sa kanyang harapan wala iba kundi si Marcus. Napakunot noo siyang nakatingin kay Marcus, hindi lang niya maintindihan kung bakit masama ang tingin nito sa kanya. Pero iniwas na lang niya ang tingin niya at nagfocus na lang siya kay Andreas.
"Kapag hindi ka pa umaalis sa pagkakaupo mo sa harapan ko ay baka hindi ko mapigilan ang aking sarili na sunggaban ka Lualhati." seryosong sabi ni Andreas, nararamdaman na niya sumisikip na ang kanyang suot na pantalon dahil sa sobrang tigas na ng kanyang alaga sa loob ng kanyang suot na boxer brief.
Napangisi na lang si Hakeem, ng maramdaman niya sa bandang puwetan niya na parang may matigas na bagay siya nauupuan. Kaya lalo niyang pinabigat ang kanyang sarili para lalong mabaliw si Andreas, sa kanya. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ng kanyang kaibigan.
"Mukhang natuturn on ka na sa akin?" bulong na sabi ni Hakeem, napangisi siya ng marinig niya ang unggol ni Andreas. Ipinasok niya ang kanang kamay niya sa nakabukas na polo na suot nito at hinawakan niya ang matipunong dibdib nito na ikinaunggol nito lalo.
"s**t! Hakeem! Ano ginagawa mo." tanong ni Andreas, inalis niya ang kamay ni Hakeem, sa dibdib niya at pinalis niya ito sa pagkakaupo nito sa harapan niya. Pasimple niyang pinunasan ang pawis niya sa noo niya.
"Lualhati, ang pangalan ko Andreas." ngiting sabi ni Hakeem. Inayos niya ang kanyang sarili at pagkakaupo. Napatingin siya sa direksyon ni Ludwick, na sobrang sama ng pagmumukha nito at napansin din niya na marami na itong nainom na alak.
"Andreas, sabihin mo na ang ipapagawa mo kay Lualhati, para matapos na itong kalokohan na ito." inis na sabi ni Ludwick, hindi na niya makontrol ang kanyang emosyon. Sobra na siyang naiinis sa pinapakitang kalandian ni Hakeem. Lalo na sa harapan niya ito lumalandi.
_______________________________
"Hinding-hindi ko ibibigay ang kapatid ko! Siguro ay tapos na itong walang kuwentang pag-uusap na ito." tumayo si Ludwick, sa pagkakaupo niya at galit siyang humarap kina Marcus at Zubery, nakaupo lang ang mga ito na para bang wala lang ang sinabi ng mga ito sa kanya.
"Paanong walang kuwenta ang usapan natin?" kunot noo tanong ni Marcus, nakatingin siya ngayon kay Ludwick, na galit na galit na nakatingin sa kanila ni Zubery.
"Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko? Baka gusto niyo pa ulitin ko sa inyo ang sinabi ko?" sabi ni Ludwick, galit na galit na siya sa dalawa niyang bisita.
"Baka gusto mo rin na ulitin ko sa'yo na may malaking utang sa akin ang mga magulang mo. At ang gusto kong kabayaran ay ang nakakabatang kapatid na babae mo." seryosong sabi ni Marcus, tumayo na siya sa kanyang pagkakaupo para harapin si Ludwick. Nauubos na ang kanyang pasensya sa guwapong binatang kaharap niya. Mas matangkad siya ng ilang pulgada at mas malaki ang katawan niya kaysa kay Ludwick. Kung makikipagsuntukan ito sa kanya ay hindi ito uubra dahil black belter siya.
"Umalis na kayo sa pamamahay ko! Alis! Baka gusto niyo tumawag pa ako ng security para lang makaladkad ko kayo palabas ng bahay ko!" sigaw na sabi ni Ludwick, hindi siya nasisindak sa tingin sa kanya ni Marcus. Gagawa siya ng ibang paraan para mabayaran niya ito. At hindi-hindi niya talaga ibibigay ang kanyang nakakabatang kapatid na si Haelynn.
"Kuya Ludwick, anong nangyayari dito?" takang tanong ni Haelynn, kinabahan siya dahil pagkabukas niya ng pintuan ay may naririnig na siyang sumisigaw at 'di siya maaring magkamali dahil boses iyon ng kanyang Kuya Ludwick. Napatingin sa kanya ang kuya niya at ang dalawang lalaking mukhang kausap ng Kuya Ludwick, niya.
"Haelynn Laurel, napakagandang dilag pala ng kapatid mo Ludwick. Hi! I'm Marcus Orissis Patton, nandito ako para kausapin ang kuya mo tungkol sa… " hindi na natuloy ni Marcus, ang kanyang sasabihin dahil biglang sumabat usapan si Ludwick.
"Haelynn, akyat ka muna sa taas. Kailangan ko lang kausapin itong dalawang lalaki na ito." seryosong sabi ni Ludwick, ayaw niyang ipaalam sa kanyang nakakabatang kapatid na may malaki silang utang.
"Pero Kuya Ludwick…"
"Akyat na sa taas!" galit na sigaw ni Ludwick, nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang umakyat na sa taas si Haelynn. Tinignan niya ng masama sila Marcus at Zubery, na nakangising nakatingin sa kanya.
"Ludwick, hindi ako nagbibiro na si Haelynn, ang gusto kong bayaran sa utang ng mga magulang mo." seryosong sabi ni Marcus, inaya na niya si Zubery, na umalis na sa bahay ng mga Laurel. Nawalan na siya ng ganang makipag-usap kay Ludwick, masyado itong matigas parang hindi ito natatakot sa sinabi niya.
"T-teka lang! Gagawa ako ng paraan wag niyo wag lang ang kapatid ko ang magiging kabayaran." sabi ni Ludwick, nakita niyang huminto sa paglalakad sila Marcus at Zubery.
Napangisi lalo si Marcus, sa kanyang narinig. Dahan-dahan siyang tumingin sa likod kung saan kitang-kita niya kung paano nanlumo ang guwapong mukha ni Ludwick.
"Bibigyan kita ng isang linggo. Sa isang linggo ay dapat makagawa ka ng ibang paraan para mabayaran ako. Kung hindi mo magagawa iyon ay mawawala ang lahat sa'yo." seryosong sabi ni Marcus, tumalikod na siya para lumabas na siya sa bahay ng mga Laurel.
Naiwan na nakatulala at gulong-gulo ang isip ni Ludwick. Halo-halo na ang kanyang iniisip. Kung paano siya makakabayad kay Marcus, hindi niya hahayaan na makuha nito ang nag-iisang nakakabatang kapatid na babae na si Haelyn. Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil masyadong maaga ang kanyang klase ngayong araw na ito. Agad siyang nagdrive papunta sa Malaya University. Sa totoo lang ay inaantok pa siya dahil hindi siya nakatulog kagabi kakaisip kung paano niya mababayaran si Marcus? 'Di nagtagal ay nakarating na siya sa Malaya University. Agad siyang umakyat papunta sa 3rd floor ng main building kung saan nandoon ang kanyang classroom. Naisipan niyang pumunta na muna sa comfort room dahil kanina pa siya naiihi. Sa pagpasok niya ay nabigla siya sa kanyang nakita. Nakita niya si Hakeem at Ryker, na sobrang malapit na malapit ang mga mukha ng dalawa na para bang maghahalikan na ang mga ito. Kung hindi lang siya pumasok ay sigurado siyang matutuloy ang halikan ng dalawa. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mukha nito at nakita rin niyang tinulak papalayo ni Hakeem, si Ryker.
"L-ludwick, dude!" sobrang kaba ang nararamdaman ni Hakeem, dahil muntikan na niyang mahalikan si Ryker.
"Anong ginagawa ninyong dalawa dito?!" seryosong tanong ni Ludwick, hindi niya alam bat nakaramdam siya ng selos at inis sa kanyang nakita. Masyado siyang naapektuhan sa nakita niyang muntikang maghalikan sila Hakeem at Ryker.
"Dude wala iyon. Niloloko ko lang itong si Hakeem. Paano una na ako kita na lang tayo sa classroom." paalam na sabi ni Ryker, tinignan niya ng makahulugan si Hakeem, bago siya lumabas ng comfort room. Inaasar niya talaga si Hakeem, na hahalikan dahil sa play nila sa sleeping beauty ay kailangan ni Prince Phillip, na halikan si Princess Aurora, para magising ito. Kahit na asaran lang iyon ay para bang gusto rin niya sa kanyang sarili na halikan niya si Hakeem. Naghihinayang nga lang siya dahil hindi natuloy ang halikan nilang dalawa sa biglang pagpasok ng isa nilang kaibigan na si Ludwick.
"Hakeem, sabihin mo nga sa akin kung may relasyon ba kayo ni Ryker?" seryosong tanong ni Ludwick.
"Relasyon? Bakit naman kami magkakaroon ng relasyon?" kunot noo tanong ni Hakeem, alam niyang nag-uusisa lang ang kanyang kaibigan na si Ludwick. Hindi niya maiwasan na matawa dahil sa kanyang narinig na tanong mula kay Ludwick.
"Meron o wala?" inis na sa tanong ni Ludwick,
"Wala!" agad na sagot ni Hakeem.
Lumipas ang ilang araw ay nakikita ni Ludwick, na masyadong malapit sa isa't-isa sila Ryker ay Hakeem. Alam niyang may play ang mga ito sa foundation day ng Malaya University. Ngunit masyado na close ang dalawa. Hindi nga nagsasama-sama si Hakeem, sa kanya. Lagi niyang nababalitaan na laging nasa condo ni Ryker, si Hakeem. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng inis dahil sa kanyang nababalitaan.
_______________________________
"Teka lang dude! Bago mo sabihin ang nais mong iutos kay Hakeem, este Lualhati. Dapat ay magshot na muna ito." masayang sabi ni Barett, agad na nagsalin siya ng alak sa isang baso na may laman na dalawang ice cube. Pinuno niya ito ng alak at binigay niya ito kay Hakeem.
"Masyado yata puno ito Barett? Hahaha!" natatawang sabi ni Hakeem, wala naman problema sa kanya kung punong-puno ang baso na binigay ng kanyang kaibigan. Walang pagdadalawang isip na straight niyang ininom ang basong punong-puno ng alak.
"Bottoms Up!" masayang sabi ni Barett, hindi na siya nagulat na naubos nito ang alak na binigay niya. Alam naman nilang lahat ng magkakaibigan na malakas uminom si Hakeem.
"Tangina! Parang lalo akong na turn on." ngising sabi ni Andreas, nanghihinayang siya na hindi pa niya sinunggaban si Hakeem, kanina habang nakaupo ito sa kanyang harapan.