Boyfriend
"What?!" Sigaw naming dalawa. Wow ha sabay talaga.
"Bakit?!" Sigaw ko sa parents ko. Bakit ba kasi nila ako ipagkakasundo sa lalaking yan.
"Anak para sa ikabubuti mo din naman ito" mahinahong paliwanag ni mommy.
"Ikabubuti?! E bakit ipapakasal nyo ko sa hindi ko mahal?!" Dahil sa sinabi ko ay bigla nya akong tinignan na para bang nagtatanong. Inabot ko naman ang kamay nya upang malaman nya na nagpapalabas lang ako kaya naman ay parang nakahinga sya ng maluwag.
"Ah basta! Kung gusto nyo, kayo nalang ang magpakasal" patayo na sana ako ng biglang hawakan ni Daddy ang kamay ko.
"Anak hindi na pwede" saad ni Daddy. Tinignan ko naman sya na para bang nagtatanong. Nakita ko din ang mga bisita namin na naging ganon din ang reaksyon kahit si Mommy.
"Nica. 23 Years na kaming kasal. Pag nag 50 pwede na ulit" sandaling hindi nag sink-in sa akin ang sinabi and it turn into a light chuckle.
"Anak isama mo na si Ethan sa kwarto mo." Mahinahong sabi ni Mommy. Ako naman ay wala sa sariling tumango sa kanya. Na realize ko lang yon ng makarating na kami sa kwarto at basagin ni Ethan ang katahimikan habang yakap ako.
"Natakot ako kanina akala ko di mo talaga ako mahal." Medyo may tampo nyang saad sa akin.
"Shempre pakipot muna tayo no. Di kaya nila alam na may relasyon tayo" Tugon ko naman sa kanya. Habang sya naman ay marahang tumango at isinubsob ang ulo sa leeg ko.
"And by the way. We have to be so fast for the preparations cause im... pregnant" medyo may kaba kong saad. Napansin kong natigilan sya tapos ay biglang nya akong pinaharap sa kanya.
"B-buntis ka?" May kaba akong nakikita sa mga mata nya. Tumango naman ako bilang tugon. Ang kaninang kaba ay napalutan ng saya. Nagulat ako ng biglang lumabas si Ethan habang nagsisisigaw.
So, Im Nica Baltazar. I have a secret boyfriend and my secret boyfriend is my soon-to-be husband.