CLOWN

285 Words
Clown Patrick's POV "Tulong!! May nakakarinig ba sakin?! Tulungan nyo ko! Please!" Isa sa mga sigaw na naririnig ko sa video galing sa CCTV footage na galing sa isang crime scene. Bakit parang clown. "Madami nang mga taong pumunta sa carnaval na yan at lahat sila namamatay." May halong pagtatakang saad ng kasamahan ko. Bakit nga ba? Wala namang nakikitang suspect dahil magaling sya. Ang tanging nakikita sa crime scene ay isang weg at ilong na pang clown. Ano kaya ang nangyayari sa carnaval na yon? "Patrick diba mga gamit na pang clown ang nakikita sa mga crime scene? Baka clown ang pumapatay" pagbibiro nya. Tama bang ngayon sya magbiro ng ganyan? Hindi sya nakakatawa. Tatlong araw na ang nakalipas ng mangyari ang insidente pero bakit hanggang ngayon wala paring nahahanap na ibidensya? Ganon ba talaga kagaling ang suspect na yon? Lumipas ng isang buwan ngunit wala paring nangyayari. Parami pa ng parami ang mga napapatay ng killer na yon. Jacob's POV Nagtataka talaga ako pag may namamatay. Kasi laging wala si Patrick. May kutob talaga ako na si Patrick ang pumapatay sa carnaval. And Yes, na kita na mismo ng dalawa kong mga mata. Sya nga ang killer. Patrick's POV Ngayon na ang huling araw na mangungulila ako sa mag-ina ko. Ito na ang huling gabi na papatay ako. At isa nalang ang kailangan kong patayin dahil bukas na ang kabilogan ng buwan. Oo. Ako nga ang pumapatay sa mga taong pumupunta sa carnaval na yon. Kailangan ko yon dahil kailangan ko ng isang daang kaluluwang iaalay kapalit ng walang hanggang buhay at ang buhay ng mag-ina ko. At magaganap yon bukas ng kabilogan ng buwan. -The End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD