Walang pagdadalawang isip na tumakbo patungong hardin si Zen. Walang bukas na elevator kaya pinili niyang mag-hagdan. Habang malalaki ang hakbang ay dama niya ang pagsakit ng tiyan niya na tila nilalapirot iyon. He stopped halfway to vomit. Staring at his own hands, he realized that he was shaking. Gayunman ay pinili niya pa ring puntahan sina Seb at Faustina. Nang marating niya ang hardin ay nakita niyang magkayakap na ang dalawa. Pakiramdam niya ay tila natahimik ang mundo at ang tanging naririnig niya ay ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Fausta, the woman who was tirelessly chasing him for years, just accepted Seb’s marriage proposal! Ikakasal na ito! Nasa akto na si Seb na isusuot sa daliri ni Faustina ang engagement ring. Nagdilim ang paningin niya at hinablot niya ang si

