Nagsusukat ng traje de boda si Fausta sa bridal shop. Minasdan niya ang kabuuang repleksyon sa salamin at matiwasay na napangiti. The wedding gown looked good on her. Umikot siya upang masilip ang likurang disenyo niyon nang biglang may malaking kamay ang humawak sa palapulsuhan niya. Napasinghap siya at tumama ang kanyang noo sa dibdib ng pangahas. Perpekto at balisaksakan ang katawan nito. His chest was wide and well-defined that it kind of hurt her forehead. Tumingala siya para lang mapasimangot. “What the hell, Zen? Bitiwan mo ang kamay ko.” “Hubarin mo ang traje de boda na iyan.” “Bakit ko gagawin iyan? Sino ka ba?” “I am your future spouse. We were arranged to become husband and wife. Kaya wala kang ibang puwedeng pakasalan maliban sa akin.” Nagulat si Fausta sa tono ng pananal

