Naggising si Faustina hindi pa man sumisikat ang araw. Tinignan niya ang oras sa relo ni Zen na nakapatong sa lamesa. Alas tres ng madaling araw. Napakaaga pa pero nagpapawis na siya. Hindi dahil mainit kundi dahil masama ang pakiramdam niya. She felt nauseous. Nasusuka siya na hindi niya maintindihan. Maingat siyang bumaba ng kama at naupo sa silya. Malalim ang ginawa niyang paghugot ng hangin. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Magkakasakit ba siya? Wala sa loob na nahaplos niya ang tiyan. Pagkatapos ay namilog ang kanyang mga mata. “B-buntis ba ako?” Hindi malayong mangyari iyon. Mag-iisang buwan na rin silang magkasama ni Zenandro sa lugar na iyon. Kinapa niya ang dibdib. Akala niya ay magagalit siya kay Zen kapag nabuntis siya nito. Iyon ang pinakaangkop na emosyon. Tinangay siya nit

