“Kumusta na ang pinaiimbestigahan ko?” seryosong tanong ni Zen sa kausap niya sa telepono. “We’ve gathered footages from CCTVs in some areas of the province. Sa plaza, nakita namin na bandang alas seis palang ay nakaparada na ang kotse pero walang tao ang bumababa. Nang nakatayo na si Ms. Montemayor sa gilid ng kalsada ay saka binuhay ng nagmamaneho niyon ang makina ng sasakyan. From the footages, we can say that there really was an intention to harm Ms. Montemayor.” “Sh*t, I knew it! Hindi nagkataon lang iyon. Please, find more people to join the investigating team. Wala akong pakialam kung gaano kalaking pera pa ang kailangan kong ilabas. Money won’t be a problem. I just want the person responsible for this to be put behind bars.” Nag-iigting ang mga panga niya sa galit. Kuyom na kuyom

