Halos hindi matignan ni Zen ang pigurang ibinalot sa puting kumot. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nagpupuyos ang kalooban niya. Pero wala na itong buhay. And the man died a horrible death. Lumabas na siya ng morge at naupo sa mga upuang nakahilera sa gilid ng mahabang pasilyo ng ospital. Naaamoy niya ang gamot at nadarama ang malamig na baldosang tila nanunuot pa sa kanyang kalamnan. Gusto na niyang tumakbo palayo sa lugar na iyon. Gusto niyang sumigaw. Parang puputok ang dibdib niya. Gusto niyang malusaw na lang. Hindi siya makatulog nang maayos. Hindi siya makapag-isip nang maayos. Ang mga araw ay tila ilang daang taon na ang katumbas sa kanya. Umagos ang luha sa kanyang mga mata. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao. Ano ba ang alam ng m

