Nagsisikip ang dibdib, habol ang paghinga, at nagpapawis si Zenandro habang sakay ng sasakyan ni Sebastien. Nang huminto ang kotse sa harapan ng malaking bahay katabi ng lighthouse ay bumaba siya agad. Everything around him were just a shade of black and white. He was suffocating as he ran towards the house. Nakasunod sa kanya sina Sebastien at Atty. La Guarcho. Napaluhod siya nang makitang magulo ang loob ng bahay. Pakiramdam niya ay may kung anong bumundol at dumukot sa dibdib niya. His chest hurt severely that no words can describe it. Ang alam niya lang ay tila siya nauupos na kandila. “Faustina!” pasigaw niyang sambit sa pangalan ng asawa. Pinasok niya ang mga silid pero hindi niya mahanap ang asawa. Sa kusina ay ang nakahandusay na katawan ni Manang Sorena ang bumungad sa kanya. Th

