Hawak si Zen nang mahigpit sa kamay ni Faustina. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng dalaga. Ni ayaw nitong bitiwan ang kamay niya. Tipid siyang napangiti. Pinisil niya ang kamay ng asawa na nakahawak sa kanya at tinitigan ito sa mga mata. “I’ll be back right away, don’t worry. I just need to tell the officers what exactly happened.” Ayaw naman sana niyang sumama sa mga ito, pero gusto ni Sebastien na pormal silang magharap sa istasyon at makapag-usap nang maayos. Naisip niyang maigi na ring makapag-usap sila ni Sebastien. He should at least give him that—a proper explanation. Totoo namang minahal nito si Faustina. Minahal at inalagaan. At nagpapasalamat siya nang husto rito. “Sasama ako,” apila ni Faustina. Hinalikan niya sa noo ang asawa. “No, you stay here. Buntis ka. Ayokong malagay ka

