Shawn Kakadating ko lang galing munisipyo. Nandito ako ngayon sa restaurant na tinext sa akin ng security ni Mama. Napangiti ako nung matanaw ko si Denise mula dito sa may entrance ng restaurant. Lalapit na sana ako sa kaniya pero napansin ko na kausap niya si Roman, isa sa mga security ni Mama. Kitang kita ko sa mukha ni Denise ang pagkainis at tingin ko ay hindi siya kumportable sa kung anuman ang pinag uusapan nila ni Roman. “Uulitin ko, leave.” Rinig kong mariin at nanginginig na parang tensyunado siya. “Denise..” Sabay silang napalingon ni Roman nung marinig nila ang boses ko. Tahimik lang si Roman at wala akong makitang emosyon sa kaniya habang si Denise ay parang napako sa kinatatayuan niya nung makita niya ako. Para siyang lalo siyang natensyon. “May problema ba?” Seryoso

