Denise Kanina pa ako nakatulala habang pinagmamasdan ko ang labas ng munisipyo. Nandito ako ngayon sa balcony at hinihintay ko si Shawn na matapos sa meeting niya with his staff. Palingon lingon ako sa harap ng conference room dito sa city hall pero wala pa din si Shawn kaya muli akong napalingon sa labas nung makita kong may mga taong nagkukumpulan sa baba. Bumalik lang ako sa ulirat at napasinghap ako nung mapansin kong bumukas ang pintuan at nakita ko si Shawn kaya napangiti ako at tumakbo ako papalapit sa kaniya. “You look bothered. What’s bothering you? Is it about mom?” Nakangiting tanong na salubong niya tapos ay hinalikan niya ako sa noo. “Wala, hinihintay kasi kita eh. Tapos na ba meeting niyo?” Kunot noong tanong ko sa kaniya kaya maman umiling siya. Bumuntong hininga siy

