63

1839 Words
Lucifer pov " Buhay ka pa pala..." Zy " balakin mo mang patayin ako ng ilang beses... Hindi mo ako mapapatumba." matapang kong sagot. " Bakit ba ayaw mo nalang ibigay saakin si Vanadey!? Bakit kailangan mo pang I sakripisyo ang buhay niyo para sa kanya.?" " Dahil siya ang ina ng anak ko. Kung totoong mahal mo siya bakit hindi mo siya pakawalanan?" " Naging asawa ko na siya bakit ko pa pakakawalan? Ano ako sira ulo? " " Siraulo ka naman talaga.... " pag iinis ko sa kanya. May bigla siyang ipinakita sa kanyang kaliwang kamay. ? Ang espada ni Vanadey hawak niya sa kanya. " Nakikita mo ba ito? Eto ang totoong espada niya, pinagpalit ko sa clone swords na gawa sa Aconite at Kryptonite. Gagamitin niya yun sa mga kasama mo at lalo na sayo. Booom mawawala na kayo sa mundong ito." Delikado sina Aira.... Tumakbo ako sa kinaroroonan nila Aira at Vanadey upang sabihin sa kanila ang tungkol sa hawak niyang espada. Sinundan naman ako ni Zy... Nakita ko na kinakalagan na ni Khloe ang anak ko ng bigla akong nakarinig ng tatlong putok ng baril. Napalingon ako sa likod ko. Ang ama ni Zy at Khloe. Si Zicon Sy.. ang Leader ng grupong TaengCo group. Siya ang isa sa mga mataas na leader ng mga casino at mga illegal na pagbebenta ng mga baril sa buong mundo. " abeoji......" sambit ni Zy.. Nakita namin kung paano natumba si Khloe sa pagbaril sa kanya ng sarili niyang ama. " baesinja" ama ni Zy -traitor! " abeoji..wae geunyeoege geulaess-eo?" -father.. Why did you do that to her? "geu namja ttaemun-e geunyeoneun geudeul-ui pyeon-i doel geos-ibnida ..." -she will be their side because of that man.. Tukoy niya kay tito Azeil. Nilapitan ni Vanadey si Khloe para tulungan. Hinarap ko sila , si Aira naman ay Ama ni Zy... Ang mga tauhan naman ay kay tito...nakita kong pinagilid niya si Mara para hindi ito masaktan. Pero bago pa ako susugod ng biglang nagsalita si Zy. " Vanadey.... ang inuutos ko sayo..." Napalingon naman ako. " Hindi ko na gagawin ang inuutos mo... " sagot naman niya. Isang remote naman ulit ang pinakita niya. " Hawak ko ang remote ng bomba sa katawan ng mga bata... Nakakabit sa kanila sa parte ng kanilanh katawan na hindi ko sasabihin kung saan. Ngayon Hon... papatayin mo ba si Lucifer o ako ang papatay sa anak mo!?" " hayop ka talaga Zy... ikaw ang dapat tawaging Halimaw at hindi kami" " kkeutnaesibsio. uli salm-eseo beos-eonagileul wonhabnida" Zicon -Finish them, I want them out of our life. Inabot ni Zy ang remote sa kanyang ama. At umalis ito. " Vanadey.... gawin mo.." utos ko " neo jejeongsin-iya?" Vanadey -are you insane? " Kailangan ka ng anak natin... buong buhay niya ikaw ang gusto niyang makasama." " Omma..." tawag ng anak ko sa kanya. " Aira... Ako na haharap kay Zy... Ako ng bahala dito... sundan mo ang matandang yun kunin mo ang remote.. " Tumakbo palayo si Aira... Kaya ako at si Tito Azeil nalang ang humarap kina Vanadey at Zy. " Lucifer... hindi ko kaya." " Gawin nalang natin ito para sa anak natin... kung isa man sa atin ang mawala... may makakasama naman si Vana.. " Sambit ko. Wala akong sandata... Hindi na ito nagsalita pa kaya sumugod ako sa kanya. Suntok at tadyak ang pag atake ko pero nakakaiwas naman ito. Hanga ako sa galing ng babaeng mahal ko., hindi man ako ang nagturo... Ang dugo naman namin ang dahilan kung bakit siya ganito katapang at kagaling. " Lucifer... isa isahin natin tanggaling ang mga tali ng mga bata." Umaakting nalang kami para maisagawa ang plano. Kada atake ko sa kanya ay napapalapit siya sa mga bata... una naming natanggalam ng tali si Vana., sumunod naman si Ivo... At ang huli na muntik na din namin natamaan ay si Jaira. Nagkatinginan kami ni Vanadey at sabay na humarap kay Zy na hirap na hirap na ito sa pag atake kay Tito. Aakmang tatakbo ito ng mahagip niya ng tingin si Mara na nasa gilid lang ito.. Agad niyang dinakma ito at hinawakan sa leeg. " Sige subukan niyong lumapit... papatayin ko ulit ang babaeng ito.!" " Tangna!" Tito Azeil " Wag kayong susunod... Dahil isang turok ko lang sa kanya itong lason ay titigil na tumibok ang puso niya sige... Lumapit pa kayo! Sige!" " L-Lycus!" tawag niya kay tito. Pinanood lang namin itong lumalayo hawak si Mara. " Lucifer....pasensyahan tayo...!" Naguluhan ako sa sinambit ni tito... Agad din niyang sinakal si Vanadey para gawing bihag gaya kay Mara. " Tito... " " wag kang lalapit Lucifer... kinuha niya ang babaeng mahal ko... Kukunin ko din ang babaeng mahal niya.. " " Loloski... " tawag ni Vana " later..." Pagkatapos kong itago ang mga bata. Sinundan ko lang sila hanggang makaabot sa yate. Dahil sa kahayupan ng ama nito hinubaran niya si Mara hanggang panloob na pang itaas nalang ang nakikita. Kaya ganoon nalang ang galit ni tito kaya nasaktan din niya si Vanadey " Tama na please !" sambit ni Mara. " hahaha This is fun!" Zicon Napalingon si Zy ng makitang hawak ni tito si Vanadey. " Anong ginagawa mo?" " KUNG ANO GAGAWIN MO KAY MARA, SIYA DIN IPAPARANAS KO KAY VANADEY!" Nagulat ako sa sinabi ni tito., " Wag tito..." " Manahimik ka diyan Lucifer...." Hinubaran din ni tito si Vanadey...habang nakatututok sa kanya ang patalim sa leeg nito. Nakaramdam ako ng galit.... Galit kay Tito... Galit kay Zy... At galit kay Zicon.. " Sige.. Ano pang isusunod mo? Baka gusto mong itong sandatang ito ang gamitin ko sa kanya..." tukoy niya sa sandata ni Vanadey na hawak niya kanina Ang sandatang may Aconite... " Wag!" pagpigil namin ni Zy. Napangisi lang si Tito. " Wait... before that.... I need a fireworks for the show. " sabay taas ang remote para sa bomba ni Vana. Pipindutin na sana niya ito. Biglang may patalim na tumama sa kanyang leeg ang ama ni Zy. Kaya nabitawan niya ang remote sa dagat Pumuswak ang dugo mula sa kanyang leeg.. " abeoji!" Napalingon kami sa taong gumawa sa kanya. Si lolo Bullet. " Tsk madali ka palang mapatumba,... " " oh ano Zy... kaya pa ba?" pag iinis ni tito. Dahil sa galit ni Zy sa sinapit ng kanyang ama. Hindi nagdalawang isip saksakin sana si Mara ng biglang inagaw ni Mara ang nakatutok sa kanya at agad niyang binalibag si Zy. Isa pala itong Agent sa Australia kaya kahit wala itong maalala ay hindi nawawala sakanya ang bagsik.. Agad kong niyakap si Vanadey at agad din lumapit si Tito kay Mara para yakapin kaya nabitawan niya ang sandata ni Vanadey. " Guys... baba nalang kayo pagkatapos... Patapos na ang lahat." Sasagot pa sana ako ng makita kong hawak na ni Zy ang espada at agad na sumugod kay tito.. Tinulak ko sina tito at Mara para hindi sila matamaan... Pero sadyang tuso si Zy kaya iniba niya ang dereksyon ng kanyang pag atake. Saakin sana ito itatama ng biglang hinarang ni Vanadey ang kanyang katawan paharap sa akin. " urgh!..." " Hon??" Zy Hindi niya inaasahan na ihaharang nito ang sarili para iligtas ako. Dahil sa pagyakap saakin ni Vanadey.. Lalo pang diniin ni Zy ang espada para umabot saakin ang talim nito. Nagwagi naman siya sa kanyang balak... Tumagos saakin ang talim mula sa katawan ni Vanadey. " Mahal ko..." Vanadey Nagsuka na ito ng dugo.. " Mahal ko..." sambit ko din. Wala sa aming isipan na pinatay na ni tito si Zy gamit ang kanyang sandata. " Lucifer!" " Vanadey!" Mga huling pagtawag saamin bago namin naipikit ang aming mga mata. Jullian pov Dinala namin ang mga nasugatan sa dito sa hospital.. Lalo na sina Khloe, Vanadey at si Casfear. Naging maayos naman ang sitwasyon ni Khloe, agad kong natanggal sa kanya nga tatlong bala ng baril sa kanyang katawan. Dinalaw namin siya ni Aira. Noong una ayaw pa sana ni Aira dahil tingin pa rin niya sa kanya ay kalaban " Salamat Jullian sa pagliligtas ng buhay ko." hahawakan na sana niya kamay ko ng inilayo ni Aira. " Aira... Sorry sa lahat sana mapatawad mo ako sa ginawa ko sainyo" " Manahimik ka ng lang diyan at magpagaling.. Para makauwi ka na sa korea... Masyadong nasusuffocate ang lugar namin sainyo." Aira. " wife... Wag!" Umirap lang ito... Mabait naman siya, nasa itsura lang talaga niya ang pagiging matapang at masungit at same time. " kamusta sina Lucifer at Vanadey.? " " hindi pa sila stable gaya mo... masyadong malakas ang espada na sumaksak sa katawan nila..." " Jullian.... hindi na sila magtatagal. Kahit ano pang gawin niyo." sabi nito na pinagtaka namin. " bakit?" Aira " Dahil ang gawa nila kuya.... 48 hours lang ang itatagal ng buhay nila oras na masaksak sila ng espadang may halong aconite... Jullian... magiging abo na sila pagpatak ng pagtatapos ng araw na yun. " Napayakap kami ni Aira sa nalaman namin. " Patawarin niyo ako... hindi pala tama na magmahal ng pilit sa taong ayaw naman saamin. Si Kuya...sobra lang niyang mahal si Vanadey...kaya nagawa niya yun. " " sakim ang tawag diyan Khloe,,, Makasarili.. hindi alam ang salitang bitiw. Hinayaan niyong lamunin kayo ng inggit at kasakiman... lalo niyo lang nasasaktan ang taong mahal niyo " sumbat naman ni Aira. " alam ko... Kaya humihingi ako ng kapatawaran sainyo... Sana nga ay isa na lang ako sa nasawi... " " mamamatay tao kami, Pero may puso kaming mabuti lalo na sa taong alam niya ang pagkakamali... Khloe may mga taong kayang manakit kapag ang mahal niya ang nasasaktan... Ganyan kami....One for all.. All for one kami. Kalaban ng isa kalaban ng buong angkan. " " Humahanga ako sa angkan meron kayo.... " " Aalis na kami para masabi namin sa iba ang nalaman namin. " " Jullian... Aira.... I'm sorry... " Pagkalabas namin sina Tita Aeal ang unang sumalubong sa amin. " Tita... May masama kaming balita sainyo..." " stop! Alam na namin Jullian... " nag hand gesture na ito na stop. " Na ano tita? " " Ilang oras nalang ang buhay ng anak ko... " malungkot nitong sabi. " Paano yan tita?" " wala akong alam..." Sumbat nito. Sumulpot sina Fairy at Liza kasama ang mga bata. Agad na nagpakarga ang anak namin na si Jaira. " May isang hiling si kuya Lucifer... " Liza " Ano? " " Ang makitang ikakasal ang anak nila at ihatid sa altar.. " Agad nag iiyak si Tita Aeal sa narinig niya. Inakay naman ni tito Eros si tita para umupo. Agad akong kinausap ni Lolo King at Tito Azeil " Kailangan natin ibalik ang mukha ni Vanadey ASAP! " lolo King " How lolo? " " Parating na ang nakausap kong magbabalik sa mukha niya." " Si Mara?" tanong ko " Siya ang nagbabantay kay Vanadey..." " Tito Azeil.... ito na ba ang katapusan?" Hindi ito sumagot... Isang bagsak na balikat lang ang ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD