62

1726 Words
Mara Pov ( ang totoong Mara) Nagising ako na nakaupo at nakatali ang mga kamay sa upuan. " Hello my dear..." Sino ba ito! " anong kailangan niyo saakin?" " A Bait for the monsters..... Wag kang mag alala. Meron naman Knight in shining armour na darating para iligtas ka.. Hahaha" Hindi kaya ang boses na naririnig ko habang na comatose ako? Si Lycus kaya ang tinutukoy niya? Pero bakit? " Boss si Mara andito...." singit bigla ng isa sa mga tauhan ko. Blag! Padabog na binuksan niya ang pinto. Paanong kamukha ko ang babaeng ito? Sino siya? Bakit kamukha ko siya? " MyGosh Zy.... Totoo nga... Totoo nga na pinagamit mo saakin ang mukhang ito. " tukoy sa kanyang sarili. Ginaya nila ang mukha ko!?? Pati pangalan ko ay ginamit nila? " Hon.... nagawa ko lang---" sagot ng lalaki kanina. " dahil ano Zy? Anong ginawa mo sa kanya para magamit ko ang identity niya? Plinano mo ang lahat? " Nanonood lang ako sa kanilang dalawa. " Dahil sobra kitang mahal Vanadey!" Vanadey?? " Oo ako si Vanadey.... at naalala ko na ang lahat lahat!" " anong ibig mong sabihin....!? " " naglolokohan pa ba tayo dito Zy?? Ilabas mo ang mga bata! Ilabas mo ang anak ko!!!" Pero hindi natinag ang lalaking kausap niya. " Hindi ko gagawin yan Hon... " " geuleoje buleuji ma!" -stop calling me that! Korean siya?? Hindi ko man naiintindihan ay alam kong salita ng korea ang lingguwaheng ginamit niya. " ani! naneun gyeolko geuleohgehaji anh-eul geos-ibnida" -No! I will never do that We're married "naneun dangsin-ui anaega anibnida ...." -I'm not your wife.... Bang! Isang putok ang umalingawngaw sa paligid.. Kaya natigilan ang dalawa " anong nangyayari..?" " Boss... sumusugod na sila... At ang dami nila." Si Lycus na kaya? " Vanadey.... Kung gusto mong makita ang anak mo... Patayin mo si Lucifer!... kapag hindi... Ako mismo ang papatay sa anak mo sa harapan mo mismo." Nanggigil ako sa narinig ko. Nilabas bigla ni Vanadey ang kanyang armas. ? Espada?? Uso pa ba ang espada?? " Hindi ka magtatagumpay na makuha ako Zy...! " tsaka ito lumabas. Alam ko nasa tabing dagat kami. Ramdam ko ang hangin na nagmula sa dagat. Isang lalaki ang nakabantay sa akin. " Please pakawalan niyo na po ako." " Manahimik ka diyan... pakakawalan ka lang din namin kapag naubos na ang mga halimaw." Halimaw?? For real?? Nakakarinig ako sa ingay sa labas. Maya maya ay nagulat nalang ako na natumba ang lalaking nagbabantay sa akin. " Mara! " Nilingon ko ito... Siya?? " Si Lycus ito... Kilala mo ba ako? " Habang kinakalagan ako ay napangiwi ang mukha ko para tignan siya. Pamilyar ng mukha niya saakin.... ang boses lang tumatak sa tenga ko. Dahil halos boses lang niya ang naririnig ko noong nakaratay ako. " Ikaw!? " sambit ko. " Mamaya ko na lang ako pagmasdan Mahal ko... Nasa kalagitnaan na tayo sa gera." Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami palabas. Nagulat ako sa nakikita ko. Ang daming naglalaban laban sa harapan namin., ang iba ay mga babae... ang iba ay pare pareho ang damit. " Wag kang lalayo sa akin Mara... " " O-Oo..." Halos madurog ang buto ng sumasalubong sa amin na kalaban. Sa isang waksi lang ni Lycus ng kanyang swords ay nagiging abo na ito. Anong klaaeng nilalang sila? Nasa pelikula ba ako? Bakit parang hindi totoo ang nakikita ko? Sino ba sila sa buhay ko??? Vanadey pov Galit ang namumuo sa akin dahil, hindi ko nakita ang anak ko. Sabik na sabik na ako sa anak ko., mula ng maisilang ko siya hindi ko pa man ito nahawakan ng matagal.... naniwala ako sa kasinungalingan at mapagpanggap na katauhan. Ang mukhang ito ay hindi nga nababagay saakin.... Naalala ko pa noon... " MASYADO KANG KAMPANTE SA PUSO MO.... GAYONG HINDI NAMAN ITO NABABAGAY SAYO..." Kung noon ay Puso ang tinutukoy niya... Ngayo ang mukhang ito hindi nababagay sa akin...ang mukhang ito ay hiram lamang.. Hinabol ako ni Zy... Hawak ko espada ko ng biglang may bumaril patalsik sa espada ko.... Halos lumipad ito sa di kalayuan... Hindi ko nakita kung sino ang gumawa nun... kaya hinanap ko ito kung saan ito lumipad... Hahakbang na sana ako ng may nag abot saakin.. Si Zy... " Kunin mo Vanadey.... para malaman mo na patas akong makipaglaban..." Kinuha ko ito tsaka siya tinutukan.. " niloko mo lang ako Zy..." " Kung yan ang tawag mo... Ay tatanggapin ko Vanadey. Pero wag mong isumbat saakin na mali ako sa ginawa ko. Dahil minahal kita ng totoo " " Hanggang kailan mo ba matatanggap na hindi ako para sayo.." " ika'y para saakin Vanadey.. Paulit ulit kong sinasabi sayo na saakin ka... Kung hindi lang umepal ang Lucifer na yun sana... Anak natin ang sinilang mo noon.. Sana magkakasama tayong pamilya. At sana gindi na umabot ng ganito. " " Hindi ako na niniwala sayo... Dahil involve ang Ama mo dito kahit hindi tayo. Hindi ako tanga sa inaakala mo Zy... Minsan ko ng narinig sa usapan niyo ng ama mo na, noon pa man ay may balak na kayo sa pamilya nila Lucifer. " " Oo... Dahil sa kanila nalulugi ang negosyo namin. Dahil sa pagtira nila sa mga illegal naming negosyo.... Ang pagpatigil sa mga transaction ng mga armas sa iba't ibang bansa....dobleng malas pa ng Agawin ka niya saakin... Doon na ako naging i teresadong patayin silang lahat... Kahit ang halimaw mong anak! " Papatayin niya ang anak ko? " Hayop ka Zy wag ang anak ko! " lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa espada ko. " Pwes gawin mo ang inuutos ko sayo... Patayin mo si Lucifer... Para makita mo ang anak mo! " Magsasalita pa sana ako ng dumatingsi Lucifer na naka topless... " Speaking of the devil.... ngayon Vanadey.. Ipakita ko sa akin ang pagkahalimaw mo.." " Vanadey... " tawag sa akin ni Lucifer. Lucifer.... Mahal ko.. Patawin mo ako! Humarap ako sa kanya para hamunin siya sa isang laban. " Magaling Vanadey! Ipagpatuloy mo lang..." nakakalokong sabi ni Zy. " Vanadey.... Ako ito si Lucifer... " Aakmang susugod ako ng biglang may nagtumbling sa harapan ni Lucifer. Aira... " Ako ang kalabanin mo Vanadey!" " Aira wag... Ako ang kakalaban sa kanya. " " Ako....! " Aira. Isang tawa ang narinig ko mula kay Zy. " Isa laban sa dalawa.... Nakakatuwa naman.... pasayahin niyo ako sa inyong labanan!" Sinugod ko si Aira... at si Lucifer. Pagpasensyahan tato dahil ang anak ko ang gustong makita. Walang sandata si Lucifer, hindi gaya kay Aira., magkasing lakas lang kami sa oag atake. Walang emosyon si Aira na umaatake., hindi na ako nagtaka dahil mula noon ay ganyan na siya kabagsik. " Vanadey makinig kang mabuti saakin... Wag mong ipapahalata kay Zy na nag uusap tayo" pabulong ni Aira. " Mianhe... Kailangan ko ang anak ko.." " Pero ginagamit ka lang niya para mapatay niya kaming lahat Vanadey.. Kahit ang mga bata ay papatayin din niya. Maawa ka sa mga anak namin Vanadey." Nakita ko kung paano magmakaawa nag mga tingin niya saakin. Salitan silang umaatake saakin.. " Vanadey..., si Aira muna ang harapin mo ako na kay Zy... " Agad na tumakbo sa dereksyon ni Zy at tsaka siya umatake. Halos magkakadikit lang kami sa pag aatake.. Nagpapanggap nalang kami ni Aira na naglalaban para maisagawa ang planong sinasabi ni Aira. Nawala sa paningin namin nila Aira sina Lucifer at Zy. " Aira... hanapin antin ang mga bata!" Tumango ito at may kinausap sa earmic nito. " Rain... ROAR!" "..... Trace Jaira's mini wallet...CODE 65239... alam ko na parati niyang dala yun... Oo.. Kasama ko na siya... Contact Fairy ASAP!" " Aira... Anong usapan yun? " " pinapatrace ko ang mini wallet ni Jaira..." Ngunit nakatinginlang siya sa Espada ko. " bakit Aira? " " Kakaiba ang vibes ko diyan sa espada mo... " " dati ko na itong gamit... Kahit noong naglaban tayo." Maya maya ay kausao na naman niya ang earmic nito. " Ok copy! Roar! " " halika na Vanadey... Alam ko na nasaan ang mga anak natin. " Tumungo kami sa pinakadulo ng isla. At doon namin nakita sina Mara at ang tito ni Lucifer. Sina Vana Pearl, Ivo, Jaira... ang mga bata ay naka tali ang katawan sa puno ng mangga... Si Khloe ang siyang nagbabantay sa kanila. " Khloe! " tawag ko. " Vanadey...." " Nakakaalala ka na?" tanong niya saakin. " Oo... Kaya please pakawalan mo na ang mga anak namin." " Hindi... kapag pinakawalan ko sila. magagalit ang kuya ko. Papatayin nila si Azeil." " Sa tingin mo mapapasayo ako kapag ginawa mo yan? " sagot ng tito ni Lucifer na si Azeil. " buhay ang babaeng yan? " turo kay Mara. " Oo... Dahil papakasalan ko pa ito kaya ginawa ko ang lahat para mabuhay dahil siya ang mahal ko" Nainis agad si Khloe sa sinabi niya " tsk... ginagalit pa kasi niya eh" smabit ni Aira. " Please Khloe.... wag mong gawin ang mga bagay na hindi bukal sa puso mo. Hindi magandang ipilit ang pusong mahalin ang taong may mahal ng iba." " Pero sa kanya ko naramdaman ang totoong pagmamahal." " Sandali nga... ni hindi nga kita nakasama ng matagal eh. " singit na naman nito. " Makinig ka Khloe... gusto mo ba na magaya sa kuya mo!? Pinilit niya kong mahalin siya, pumatay pa ito ng tao para may magamit akong mukha... para hindi ako mahanap ng taong mahal ko... Pero hindi mo ba nakikita?... Khloe hindi mata , kundi puso ang nakakahanap ng katotohanan. Ibahin man nila ang mukha ko, mawala man ang alala ko.... Sa iisang tao pa din tumitibok ang puso ko para magmahal...hindi mo kailangan ipagtanggol ang taong hindi ka naman kayang ipagtanggol at mahalin. " Umiiyak na ito... " Khloe... nakikiusap ako..., wag naman ang mga bata. " " I'm sorry Vanadey... nagmahal lang ako.. Totoo ang pagmamahal ko noon kay Jullian.., pero gaya ng sabi mo. Mahalin ko man siya...gawin ko man ang lahat para sakanya... kay Aira pa din siya masaya... Sakanya pa din ang puso niya. " " May taong kaya kang mahalin na higit pa sa binibigay mong pagmamahal Khloe.... hindi pa huli ang lahat" Aakmang tatanggaln na niya ang mga taling nakakonekta sa mga bata. Isang di inaasahan ang nangyari... Bang! BANG! bang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD