Lucifer pov
Napatakbo agad ako sa kwarto ng anak ko.
Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako ng makita ko ang anak ko na may taong nakatutok sa kanya ng baril.
" daddy!" iyak ng anak ko.
Namalayan ko nalang na nasa likod si tito Azeil.
" wag kang lalapit kung hindi babarilin ko ang anak mo"
Tinitigan kong mabuti ang may hawak kay Vana. Nakilala ko ito na si Mara pala.
Bakit Mara? Bakit pati ang anak ko...? Ang anak natin Vanadey?
" Wag nagmamakaawa ako sayo... Wag ang anak ko!"
" Kaya ba ng konsensya mo na patayin ang sarili mong anak Vanadey?" biglang sabi ni tito.
Nagulat naman ito sa sinabi niya.
" Anong anak na pinagsasabi mo?"
" Daddy..."
" Shhh... Vana easy ok, ililigtas ka ni daddy..."
" Ang isang Vanadey ay hindi maatim na patayin ang sarili niyang anak... " Tito Azeil.
Bumaling ako kay Tito..
" Tito not now.! Baka hindi mag sink sa utak niya ang mga sinasabi mo... "
" Mas maganda na sabihin sa kanya Lucifer... dahil baka ikaw na ang isusunod niyang patayin.. "
, ?
" Daddy please help me! "
" Mara... Please wag naman ang anak ko." pagmamakaawa ko.
" Kailangan niyong mawala.... "
Sarado ang isipan niya.
" Sige barilin mo ang anak mo Vanadey..., at kapag nalaman mo kung sino ka, baka magsisisi ka din. Dahil ikaw mismo ang kumitil sa buhay ng anak mo. " napakadaldal talaga ni tito.
". HINDI AKO SI VANADEY! "
" paano ka nakakasiguro? Alam mo ba na ang ginagamit mong mukha ay ang mukha ng babaeng mahal ko?! ... Na siyang binalak patayin ni Zy noon.. para may magamit kang mukha.? Ngayon kung hindi ikaw si Vanadey... Sino ka?"
? Tigas ng ulo ni tito talaga.
" Vanadey.... Pakiramdaman mo naman ang puso mo., alam ko na nararamdaman ko din na importante kami sa buhay mo. Iba man ang mukha mo pero siya pa din yang puso mo. Inilayo ka nila Zy saamin dahil pinalabas nila na patay ka na..., Vanadey, ilang taon kong sinisi ang sarili ko sa pagpapabaya sainyo noon ni Vana.,kaya ayoko ng maulit pa ang nangyari. " sabat ko.
Hawak pa din niya ang baril.
" Mommy.... " tawag ni Vana sa kanya.
Nakikita mo sa galaw niya na parang gusto niyang bitawan ang baril.
Sinulyapan ako ni tito at tumango ito upang sabihing lumapit ako sa kanila.
Dahan dahan akong humahakbang palapit sa kanila.
Inaabot ko ang kamay ni Vana.
Sa isang iglap lang binitawan niya si Vana at tinutok sa akin ang baril.
Iyak ng iyak ang anak ko sa nakikita niya saamin. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang anak ko. Mula pagkabata nito ay mabibilang lang ang iyak niya.
" Sige ako nalang ang patayin mo kung gusto mo, wag lang ang anak natin Vanadey. Ako ang may kasalanan ng lahat,.. Kaya nagmamakaawa ako. Ako nalang!.. ako nalang!" naiiyak kong sabi.
" Manahimik ka!" sigaw niya saakin..
" Hindi ako si Vanadey!"
" Itanggi mo man.., ikaw parin si Vanadey... "
" hindi ako siya... Hindi ako yung babaeng mahal mo... "
Sa pag uusap namin ni Vanadey biglang inagaw ni tito ang baril na hawak niyang baril. Nag agawan silang dalawa kaya nahulog ang baril, pero sa sobrang lakas ni Vanadey naihagis niya si Tito.
Agad ko siyang niyakap ng aakmang dadamputin niya ulit ang baril.
" mahal ko" bulong ko sa kanya.
" patawad!"
Nakaramdam nalang ako na mahapdi ang tiyan ko...
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang tiyan ko.
Dugo ang una kong nakita.
" Vanadey??" napaupo ako sa hapdi.
Bakit parang nasusunog ang katawan ko?
Bang!
Nakita ko na lang din na binaril niya si Vana...
Hindi....
Ang Anak ko...
Isang putok pa ang narinig ko at siya naman ang natamaan.
" Lucifer!" Tawag saakin ni Tito.
Siya pala ang bumaril...
Nilingon ko ang anak ko... Nakahiga ito at walang malay....may dugo ang kanyang damit.
Si Vanadey naman ay sa mismong kanang dibdib ng katawan nito ang natamaan.
... Anak ko...
Zy pov
Habang nagpapahinga si Mara, doon ako tsumempo na palitan ang baril na gagamitin niya sa anak niya.
Hindi ako naaawa lalo na sa mga halimaw na kagaya nila, maliban nalang kay Mara dahil sobra ko siyang mahal. Ginagawa ko ito dahil din sa kanya. Sakim ako sa pagmamahal kahit pumatay ako para makuha lang ulit siya ay gagawin ko. Noon pa man ay tinik na sa lalamunan ko si Lucifer..may pag ka demonyo nga talaga ito.
Ewan ko lang kung makakaya mo pang makuha at mahalin si Vanadey kapag siya mismo ang kikitil sa buhay ng anak niyo.
Ang baril ni Mara ay pinalitan ko ang bala na may halong Kryptonite. Dito man sila nabuhay ay dito din sila mamamatay. Nakagawa kami weapon para matalo sila... Kung sila ay nagawa sa pinaghalong mga kemikal noon sa kanilang dugo.. ngayon ang kryptonite din at ang naimbento namin kemikal ang siyang tatalo sa mala halimaw nilang dugo.
Lumabas ako ng stock room ng makita ako ni Khloe.
" Kuya anong ginawa mo diyan?"
" Wala may hinanap lang ako."
" Kuya about kay Mara.... I think----"
" I said stop it Khloe... isang banggit mo pa diyan sa salitang yan isasama ko ang kinababaliwan mo ngayong lalaki." sigaw ko sa kanya.
" Subukan mo kuya... kahit mahina ako kakalabanin kita. "
" Ano ba nakita mo sa taong yun? "
" May mga bagay na sa akin lang mismo nakakakita... kahit naman kasi sabihin ko sayo basta sa mga kalaban ay walang tama sayo. Galawin mo siya kuya titiwalag ako sa grupo! " tsaka niya ako iniwan.
Kinontak ko si Daddy.. At ipaalam ang plano ni Khloe. Hindi ko hahayaang pati ang kapatid ko ay maulol sa mga halimaw na kagaya nila.
Isa lang ang nasabi niya..
" naega galge"
-I'll be coming
Isa lang ibigsabihin niyan.
Tuloy ang pagpuksa sa mga halimaw.. Dahil gawa na ang weapon na papatay sa kanila.
Ni abo ay wala itong matitira.
Azeil pov
Agad na nagsidatingan sina Aim para saklolohan ako para madala sa hospital ang sina Lucifer.
Kinabahan ako dahil hindi naghilom ang saksak niya. Si Little Vana naman ay nagising na ito bago makarating sa hospital. Samantala si Mara este si Vanadey ay hindi pa ito nagigising kahit humilom na ang tama nito...
Sina Jullian ng nag asikaso kay Lucifer. Dumating sina Mama...
" OMG asan ang apo ko?" bungad ni ate.
" Hawak na siya nila Aira... ate. Pero si Lucifer.... Mukhang malubha ang tama nito."
" Sino ang gumawa nito?" tanong ni Mama.
Nagkatinginan kami ni Aim sa tanong ni Mama. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila.
" Lycus! Ano ba!? Tinatanong ka ni Mama sino ang may kagagawan nito sa Apo at Anak ko!? " galit na sigaw ni Ate.
" Si Mara..... "
" the Nerve!" Ate. Galit na siya... Saktan na lang daw niya lahat wag lang idamay ang nag iisang apo nito.
" Lady Monster....! "suway ni Papa.
" What Pa!? Papagalitan niyo ako? The hell.... sinaktan na nga niya anak ko... Pati ang apo ko sinaktan niya din?... ASAN SIYA? "
" Wala din malay.... Nabaril ko siya kanina. Hindi ko na pigilan... nakita ko kasi kung paano niya binaril si Little Vana.... nagdilim ang pantingin ko. Pati na kasi anak niya ay nasaktan niya. " paliwanag ko.
Tinapik ako ni Kuya Eros...
" It's Okey Azeil..., alam naman natin na magiging ok na si Vana Pearl. "
" I want to see my Pearl..." singit bigla ni Ate.
Mahal na mahal niya talaga ang apo nito.... Mas mahal kesa sa anak niya.
" Call me if anong balita kay Lucifer... Aasikasuhin ko lang ang apo ko. " seryosong sabi ni ate.
Nawala agad ito sa paningin namin ng magsidatingan sina Tito King.
" How is he?" Tito King.
" hindi pa lumabas si Jullian Tito... Pero alam ko na malubha ang tama nito... isang kakaibang bala ang ginamit sa kanya."
" Asan ang bala na iyon.?"
" Aim..." tawag ko sa kanya na nakasilip sa O.R
Lumapit ito...
" Ipakita mo kay Tito King ang bala.. "
Nilabas ni Aim ang bala na nakabalot sa isang panyo.
" Delikado ito... Nakahanap na sila ng papatay sa atin... Hindi ito ordinaryong bala. " tito King.
" Lolo anong klaseng bala yan?"
Nakafocus kami kay tito King.
" Aim... noong hinawakan mo ba ito ay napaso ka?" Papa Bullet.
" Hindi Lolo eh, kasi binalot ko agad ng panyo.... Bakit po ba? " Aim
" Makinig kang mabuti Aim... Kailangan mong ilagay ito sa kahon na kahoy... Ibalot ng ilang beses sa tela...." tito King
" Sandali bakit ba kasi yan? " inis kong tanong
" dahil yan ay Kryptonite na may halong Aconite... yan na ang sinasabi ko na hindi pwedeng magkasama ang dalawang kemikal dahil ni ABO ay walang matitira sa atin.... ang dugong namana natin ay may halong Kryptonite pero Tungsten ang halo nito at hindi poisonous.. "
" Gaya ni Midnight Skull?"
" Parang... pero hindi parehong proceso... Si Renz ay hindi human healing kaya kahit kakaibang lason ay mangyayari sa kanya... Pero tayo... Yan ang kalaban natin. Kailangan nating mag ingat. " Tito King
" Teka paano si Lucifer?? "
" Kailangan niyang labanan ang kamandag ng bala... Dahil kung hindi ay.... mawawala ito.. " Papa
" s**t! Kailangan na natin kumilos.... hindi natin hahayaan na ubusin tayo...I wont let this things happen to my Famliy!"
" Azeil..." Papa
" No! Alam ko maaga para lumusob pero papaano si Lucifer? Hihintayin nalang natin siyang mawala na parang bula? No! " galit kong sabi.
" Anak... Hintayin natin si Head na magdisisyon nito. "Mama
" I AM. HEAD!... AND MY DECISION IS FINAL! "
????????????
My anger burst already... And even I busted my self as Head because this bullshit things happen.
They look at me like they don't believe what am I saying. Literally their faces like a bunch of monkey hanging in a tree.
Im a kind of person conceived in anger.... Short temper and always in trouble..
I have a heart... And I know that.
But when you hurt my family..
..... You mess the bad guy of the clan!