58

2129 Words
Lucifer pov Alas diyes na ng gabi ng makauwi kami sa kanya kanyang bahay., buhat buhat ko ngayon ang anak para i akyat na ito sa kanyang kwarto. Inayos ko ang pagkakahiga niya tsaka siya kinumotan. " sorry baby... dahil mapapalayo ka na naman sa mommy mo., alam ko sabik ka na sakanya... Kahit ako'y sabik na sabik na bumalik siya saatin.." Hinalikan ko ang noo ng anak ko at bumaba na din. Nagulat ako ng makita si tito Azeil sa kusina. " ano ba naman yan tito... ginulat mo ako! " " Tsk..dito muna ako sa bahay mo, hinahagisan ako ni Ate ng heels niya. Ayoko naman sa bahay dahil naririndi akong pinagtutulakan mag asawa." " Eh bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa kanya na nahanap mo naman na ang para sayo? " Tinimplahan nuya ako ng kape at inabutan ng tinapay... Si tito ang paborito niyang meryenda ay tinapay na sinasawsaw ang tinapay sa kape. Masaya na siya sa ganun pagkain.... " Alam na ni Papa si Mama lang wala pang idea... kilala mo naman si Mama, kapag nalaman niya ay susugod yun para kilalanin ang babae." " Yah parang si Mama din..." "kung bakit naman kasi tayong mga lalaki pa nakapagmana ng ka torpehan ng angkan..." " Tito mas maganda na yun kesa PAIBA IBA ang mga babae sa buhay natin.. Ke pangit naman nun." " eh bakit may diin ang paiba iba at saakin mo pa itiningin... Hoy pamangkin, marami akong kilalang babae pero hindi ako nanliligaw... friendly lang ako. " Tumawa naman ako dahil defensive siya masyado. " Kaya nga sa sobrang friendly mo tito eh napagkamalan ata nila na may gusto ka sa kanila kaya hinahabol ka. Hahaha" " Ewan ko ba sa babaeng yun... nalaman ko namang na hinahanap niya ako." "sino ba naman kasi yun?" "Hindi ko nga alam pangalan pero kilala ko yung mukha.. Maganda siya pero mas maganda ang Mara ko,. Sexy siya pero mas sexy ang Mara ko., Maarte siya... Astig naman ang Mara ko. Malandi siya... Masungit lang Mara ko hahaha" ? Maganda na sana kaso mukhang Panget nag ugali. " Hoy pamangkin... Wag mong lalaitin ang Mara ko sa isip mo... kung hindi dahil sa kanya wala ka ng Titong kasing gwapo sa buong mundo." ? Ewan ko " Kasi description mo tito... eh sa huli mukhang amazona ang nasa isip ko." " Nakikita mo yung Nagpapanggap na Mara... Ganun si Mara sa totoo...mala action star sa totoong buhay. mas masahol pa siya doon... kumpara sa nagpapanggap nakikita mo ang kahinaan at kakupaypay niyang makipaglaban.... " Makalait naman ito...eh ang Vanadey ko yun. " Tito si Vanadey kasi....babaeng mahinhin sa pinaka mahinhin sa buong mundo... Hindi dahil iba mukha ay pati istilo ay nagaya niya. " " Tama ka naman diyan pamangkin.... Siguro iba iba tayo ng gusto sa buhay. Siya ang dahilan bakit ako lumabas sa lungga ko. Siya lang nakagawa na sinaktan pa niya ako bago iniligtas. " " weh... Di nga tito.." " Ganito yun... Ikwekwento ko sayo.. " Nagkwento nga.... Azeil pov Ganito ang kwento.. Roll VTR. Kalalabas ko lang sa lungga ko para uminum sa Bar na paborito ko... Ok kasi doon kasi kapwa Pinoy ang kausap ko. May kausap naman ako sa companya pero halo halo ang lahi... The best pa din ang kababayan. Hahaha Naglalakad ako papunta sa bar... 8pm na, hindi ako parating nagdridrive..dahil walking distance lang naman sa bahay at sa work place ko. Mahilig akong kumain ng lollipop... hindi dahil isip bata ako... Kundi nasasarapan lang... Itong lollipop ko made in Philippines kaya wag kayo diyan... Sumasakay pa ito ng Airplane para makain ko hahaha Naglalakad ako ng biglang may babaeng bumunggo saakin. " Aray ko!" ay hindi pala ako maintindihan nito... " ouch..." pag uulit ko pero English na. " Gomen'nasai" sabi nito. -Sorry Tae nag English pa ako Japanese pala ito. " will you please watch your step..." inis kong sabi. " I'll already say sorry...and please move your blocking my way!" ngee nag english siya. Pero siya din ang tumabi para makadaan... " wait...." pigil ko sa kanya. Boogsh! Anak ng... Anong kasalanan ko sa kanya? Bakit niya ako sinuntok. Napahawak ako sa left eye ko... " touch me again... I'll give that a partner." Ang lakas naman ng kamao niya... Pasalamat siya alam kong babae siya kung di... Pagkadapo palang ng kamao niya sa mukha ko... chop chop lady ka na... Aray ko... nahulog pa lollipop ko. Sa Inis ko padabog akong pumasok sa bar. " Yowh boss...naku yare sayo boss?" Mr. Dagupan Umupo ako sa harap ng bar. " Lintik na babae yun... siya na nga bumunggo sa akin.. ako pa sinuntok niya. Nahulog pa lollipop ko" inis kong sabi. Inabutan naman niya ako ng icepack para black-eye ko. " May tinda ka bang lollipop diyan... Last na kasi yun.. Naubusan na ako ng supply.." Sumingit naman ang isang kasama niya kilala ko sila kaso tinatamad akong imemorize mga pangalan nila. " Eto boss... kadarating lang yan., nakabalik na kasi si Vicente galing Pinas." Si Mr Pasay City. Mga lugar lang nila kilala ko. " Yan yan... pampaalis ng black eye... pero bukas ko kukunin yan., dahil may dadaanan pa ako mamaya eh." " No worries boss basta ikaw... Oh gaya ba dati...? "Mr. Pasay... Tinutukoy niya ay ang iinumin ko. " Oo... Sarapan mo para mawala inis ko... Jusko ang sakit naman nitong nasapak sa akin. Hindi ata babae yun eh." " oh boss... Napaaga ka ngayon---oh boss yare sa mukha mo?" Eto si Mr Batangas. Siya ang pinaka bata ata... 12 sila kasi tinulungan ko noon dahil napaloko sila sa agency. Kaya pinasok ko sila dito.. " Nasapak... Kita mo naman oh" " Naku... Boss bawas pogi points yan... Pero. Maganda ba yung nanapak sayo?" "Eh ikaw kaya sapakin ko.. Paano ko malalaman kung maganda.. Pagka hawak ko agad niya akong sinapak." " Eh yung kutis boss ano ba rate natin?" Mr. Isabela.. padami ng padami na silang usisero. " Makinis naman... nagsalita pa nga nihongo eh... Akala ko Japanese siya... Nag English din kaya nalito na ako. " Nilapag ni Mr. Pasay ang inumin ko. " Sayang yung boss... "Mr. Isabela " Hoy bumalik na nga kayo sa mga trabaho niyo.. Mga usisero talaga kayo.. " pag tataboy ko sa kanila. Si Mr. Pasay lang kasi nakakaalam ng unumin ko. Kaya siya parati nakakausap ko. " Ah boss yung babae pala noong isang kagabe...tinanong niya kung saan ka nakatira. " Sinong babae naman yun? " Sinong babae? " " Yung magandang chix boss... yung heartbroken ata... Yung Pinay din" " Di ko na maalala eh... Sinabi mo ba kung saan bahay ko?" Napakamot naman ito sa ulo. " Eh boss matagal na tayong magkakilala pero ni address hindi ko alam eh... Ayaw niyo naman sabihin.. Pangalan lang kilala namin sayo." Mabuti nalang.. Ni isa sa kanila ay hindi ko pinapaalam. Kahit na sino maliban sa mga angkan syempre. Bilang isang halimaw ay kailangan secreto " Mukhang tamado sainyo yun boss... " " hindi naman ako interesado sa mga babaeng mahilig sa bar... alam mo naman yun." sabay tagay sa inumin ko. " Oo nga pala boss hahaha... Pero boss.. Sa edad niyong yan talaga wala pa kayong naging jowa.?" " Bawal saamin ang jowa... Dapat girlfriend. Ayaw ng mga magulang namin na tinatawag na jowa ang mga babaeng mamahalin namin. Panget daw pakinggan." " Pihikan lahi niyo boss? " " Hindi naman... Torpe lang hahaha... " " Stick to one siguro kayo no boss.. " " Oo dahil bawal kaming. Mag mahal higit sa dalawa... baka maihagis lang ako hahaha" " Naku boss yung babae padating na..." Sabat ni Mr Davao " itago mo ako..." Nagtago naman ako sa kusina. Rinig na rinig ko ang boses ng babaeng maarte. " Kapag dumating siya pwedeng pakibigay sa kanya ito... Salamat." bilin niya kay Mr. Pasay Hinintay kong makaalis ito tsaka lumabas. "Oh boss. Love letter... Hahaha" inabot niya saakin. Hindi ko kinuha.. " itapon mo na yan... Hindi ako interesado sa kanya... Sige alis na ako.." Paalam ko sa kanila. Naglalakd ulit ako papunta sa Extension para silipin sila. Hahaha may sarili kaming bar pero sa iba ako umiinum... Wala lang trip ko lang. Hahaha Malapit na ako ng may naramdaman akong sumusunod saakin. Napangisi nalang ako... eto ang gusto ko yung gulo ang lumalapit saakin. Siya pa ang exercise ko. Lumiko ako sa isang kanto para alamin kung ako ba talaga sinusundan niya. At tama ang hinala, ko.. Sige lumapit ka saakin ... gayong meron akong black eye... Doble ang ilalagay ko sa mata mo... sayo ko ibabawi ang inis ko sa nanapak saakin. " Wag kang gagalaw!" tinutok niya saakin ang baril nito Anak ng tokwa... Pinoy pa. Tinaas ko ang dalawang kamay ko na parang susuko. Bago ako humarap ay may isang tao na naka hood jacket na bigla na lang niyang tinadyakan ang lalaki.. Natulala ako ng maalis ang hood niya sa ulo. Siya ba yung sumapak saakin? Bakit ang ganda niya.? Napahawak ako sa puso ko... Joke sa dibdib pala... Biglang bumilis ang t***k nito na parang hinabol ng mga kabalyo.. Hindi ko namalayan na napatulog na niya ang lalaki. " Hey are you ok?.." tanong niya saakin "tsk... Bingi ata to.." ngee Pinay siya? " Ok lang ako.. S-salamat" sagot ko. Nagulat siya ng magsalita ako ng tagalog. Magsasalita pa sana ito ng natahimik siya bigla, na para bang may pinapakiramdaman sa paligid Alam ko hindi ka isang simpleng babae na nananapak lang... Naaamoy ko na may kakayahan ka. Dahil sa kadaldalan ng isip ko... Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap... Isang putok ng baril ang narinig ko. Nadaplisan ito sa balikat. "...." walang salita ang lumabas sa bibig ko. Humiwalay ito sa pagkakayap saakin. " Run..." bulong niya Pero bago pa man niya ako itulak ng may isang bakal ang narinig kong humampas sa likod nito. Kinuha ko ang little knife ko para hagisan ang lalaking naghampas sa kanya. Sapol sa ulo nito ang little knife.. hindi pa ako nakalapit ng may narinig ulit ako ng isang putok Sa ulo siya tinamaan... Pero bago pa makatakbo ang lalaki ay agad ko itong hinabol para patayin. Nang mahabol ko. " Sinong nag utos sa inyo na patayin ako?" Hindi siya nagsalita kaya kinuha ko ang mini Bomb sa bulsa ko. " ayaw mong magsalita.. Pwes papasabugin ko nalang ang bunganga mo para hindi na bubuka yan." " magsasalita na ako... Si Taehzy Shin ang ang utos para ubusin kayong lahat...bitawan mo na ako!" Ngumisi naman ako sa kanya. " Ano ako bale! Pagkatapos mong patayin ang babaeng yun.. Bibitawan pa kita. Hahaha hangal ka. " Kinuha ko ang isang dagger ko... Ang undefined dagger ko.. Na may halong lason. " Hindi ako kasing bait nang inaakala mo.... Kaya bye bye" Sinaksak ko ito hanggang naging abo nalang ito. Binalikan ko ang babae at dinala sa hospital. BACK TO REALITY... " so ano na nangyari sa nagligtas sayo tito?" " Ayun comatose ilang taon na..." " Ilang taon na ba?" " Mahigit 4 na taon na ata...bumaon ang bala sa ulo niya hindi agad ito naalis... Mahigit isang itaon ito bago naalis.. Tsaka nacomatose ng ilang taon.. Sleeping beauty nga tawag sa hospital" sagot ko " so kaya hindi ka umuuwi tito? Dahil sa kanya?..." tumango lang ako. " So yung mukha ni Mara ay kailan ginaya ni Vanadey..." " 5 taon na nakakaraan ng mangyari yun... Ibigsabihin.. Apat taon na din gamit ni Vanadey ang mukha ni Mara. " " Paanong nangyari yun..?" "Maraming alam si Zy na hindi pa natin alam... Lalo na ang daddy niya." " sabi mo tito....uuwi na dito ang totoong Mara.?" " Yap..." " Eh paano yan?..." " Nalaman kong si Mara ay isang Secret Agent sa Sydney Australia... Isa sa pinaka matapang na babae kaya ganun nalang kalakas ang sapak niya saakin" " Kung ganun...bakit siya uuwi dito?" " Ang totoo nito ay wala siyang maalala sa nakaraan niya." " Ano!?" Pinabantayan ko siya kay Dodong ang kanang kamay ko. Isa din itong mafia assassin..... " Pinauwi ko ito dahil... hinahanap daw niya ako.. Sabi ng Doctor... Ang naalala lang niya ay ang huling mukha bago nangyari sa kanya yun.. " malungkot kong sabi " Oh... Namimiss ka niya tito? Di maganda..." " Pero ayokong may kamukha siya.... ang babaeng mahal ko na Amazona... para sumapi si kabaitan ni Vanadey sa kanya... Napaka innocente niya." " Nagpalit sila ng ugali......mahirap nga yan tito... Paano na ya?" Blag! Isang tunog ang narinig namin mula sa kwarto ni Vana. " Daaaaadddddyyyyyy! " Napatayo naman kami sa pagtawag ni Vana sa ama nito. Tumakbo agad si Lucifer.... Kaya sinundan ko siya. Laking gulat kami sa nakita namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD