CHAPTER TWO

2329 Words
“BAKIT ‘di mo subukan, Katie? Wala naman sigurong mawawala kung magpapaalam ka ulit. Malay mo kapag nakulitan ay bumigay rin?” sabi ni Jacob na kanyang kaklase habang nagsi-xerox. Sa ngayon ay nagtatrabaho ito bilang part-time photocopier sa shop ng uncle nito malapit sa SIU. “Pero… overnight kasi ‘yung birthday ni Avrira saka sa ibang bayan pa gaganapin. Isa pa kahit may chaperone hindi pa rin nila ako papayagan,” ungot niya at hinigpitan ang pagyakap sa folder na dala. “Pa’no kung sabihin mo na lang kaya na may activity ang block natin? Na required natin na attend-an?” pagbabakasakaling tanong nito. Maikling tumawa si Katie. “Alam mo namang terrible liar ako, Jacob. Isa pa, malalaman at malalaman rin nila kung saan ako pupunta at kung ano ang ginagawa ko.” Umiling si Jacob at lumabi dahil sa disappointement. Magpaalam man siya sa hindi, alam niyang hindi siya papayagan ng knayang mga magulang na um-attend sa 18th birthday ng kaklase nilang si Avrira na kanila ring block monitor. Narinig niyang sa isang resorts sa kabilang-bayan gaganapin ang naturang party, at sa totoo lang ay gusto niya rin namang pumunta kasama ang mga blockmates na hindi involve ang kahit anong school activity. At naiisip niya pa lang na magsasaya ang mga ito ay naiinggit na siya. “Ganyan talaga siguro kapag estrikto ang mga magulang. Hindi kanila papayagan saan mo man gustong pumunta.” “Pero subukan ko pa ring magpaalam. Besides, special day iyon ni Avrira at ilang buwan pa naman. Marami pang time para makumbinsi sila,” sagot ni Katie. She tried her best to sound enthusiastic even she already knew her parents answer— a no. Tumingin siya sa xerox machine kung saan pino-photocopy ni Jacob ang hiniram nyang reviewer ni Marciel. “Sana nga, Katie.” Iniabot nito ang orihinal at kopya ng reviewer. “Masaya kung kumpleto tayo sa special day ni Avrira.” “Huwag kang mag-alala, kapag hindi nila ako pinayagan, sunduin mo ako sa bahay, ah! Dadaan ako sa bintana at itakas mo ako.” Kapwa sila nagtawanang dalawa at kunwari’y um-agree naman si Jacob. Pero kung iisipin na gagawin niya iyon ay kinakabahan na siya. Never niyang sinuway ang nais ng kanyang mga magulang. “Nga pala, mauna na ako. Magkikita pa kami ni Marcielsa library para sa recitation natin mamaya sa Psych 103.” “Okay. Kita-kits mamaya, Katie!” Kindat sa kanya ng kaibigan. “Bye!” paalam niya. Mabagal na naglalakad si Katie habang binabaybay ang Amor Street papuntang SIU. Nire-recite niya sa isip ang ni-review sa bahay para sa inaasahang nerve-wracking recitation, pero dahil hindi siya naka-focus sa dinaraanan kung saan may ilang estudyanteng nakaharang ay may nabangga siya.  “Ouch!” Napa-atras at ngiwi si Katie nang mauntog ang ulo niya sa isang matigas na bagay. Nang iangat niya ang tingin ay malaking backpack iyon ng isang matabang lalaki, at base sa uniform ay schoolmate niya ito.  The man was looking in disbelief across the street, probably the reason why he didn’t notice her. Sinundan ni Katie ang tinitingnan nito sa kabilang kalsada. Naroon na pala siya sa tapat ng DADCC, at naroon si Jessiebelle na kausap ang walang iba kundi ang boyfriend nito— si Ace. “Kita mo ba? iiyak na si Jessiebelle,” imporma sa kanya ng lalaking nabangga habang nananatili ang tingin sa tinutukoy. “Ha? bakit siya iiyak?” Salubong ang kilay na tanong niya. “Hindi ko alam,” kibit-balikat ng lalaki, “Pero sa nakikita ko, gagawin na niya iyong bagay na ginawa niya sa dati nyang mga girlfriend.” “Ha?! Bulalas ni Katie nang mahulaan agad ang ibig nitong sabihin. Tumingin muli siya sa direksyon nina Jessiebelle at Ace, at doon rin niya napansin na marami nang estudyante ang nag-aabang sa eksena. Nakapasalikop ang dalawang kamay ni Jessiebelle at nakatingin sa paa habang kagat ang pang-ibabang labi na animoy kinokontrol ang emosyon na anumang oras ay pwedeng sumabog. Si Ace naman ay tila may ipinapaliwanag ditto. “Makikipag-break ba siya kay Jessiebelle?” tanong niya sa katabi. “Ayokong manggaling sa’kin, pero mukhang oo, eh!” disappointed na tingin nito sa kanya. Hindi man naririnig ni Katie ang hinain ni Jessiebelle at ipinapaliwanag ni Ace ay alam niyang hindi talaga maganda ang daloy ng usapan ng dalawa. Naihigpit niya ang yakap sa dalang folder, para siyang nakakakita ng isang eksena sa palabas kung saan nail-biting ang eksena. Hindi nagtagal katulad inaasahan, tumakbo si Jessiebelle habang hilam ng luha! The buzzing rumors at the surrounding began as soon as she left; some of the girls— especially Carmens laughing secretly, some of the boys were praising Ace for what he had done. And mostly Isabellans who witnessed the frustration of their schoolmate were walking away from the second-hand embarrassment they just experienced. Murmurs in disappointment can be heard, too, at ang galit sa puso ni Katie ay biglang bumangon to the point na nalamukos na niya ang hawak na folder. Her lips thinned, and her eyes were looking in Ace’s direction as if they were going to pierce him. It was the first time she witnessed such a terrible act, and it happened to none other than Jessiebelle. Ace was shaking his head while doing his best not to grin. His friends were teasing and pushing him slightly, praising him for breaking a woman’s heart. “Dimonyo ka talaga, Ace,” mahina ngunit nanggigigil nyang sabi, pero tila ba ang sinabi niya ay narinig ng lalaki.  The time he landed his eyes on hers, the smile on his lips gradually fades. Those slowly blinking eyes were really tantalizing. But if that kind of beautiful stare belonged to a heartbreaker, she’d rather be blind rather than look back at him. Umiwas ng tingin si Katie kay Ace at mahinang umiling. Pinilit niyang humakbang habang nanginginig ng kaunti ang mga kalamnan na animo sa kanya ito nakipag-break. Pero hindi niya masisisi ang sarili sa reaksyon dahil isa rin siyang babae. And she was likely to feel the pain of Jessiebelle that he just caused. The latest news spread like wildfire inside Saint Isabelle University. The students have something new to talk about, at paniguradong magkakaroon iyon ng negative impact kay Jessiebelle. “Mare! Toto bang break na sina Jessiebelle at Ace?” “Oo, eh! Nasa comfort room daw siya ngayon at humahagulhol.” “Kasalanan niya rin naman kasi. Sa una pa lang alam na niya reputasyon ng lalakingiyon tapos sinagot niya pa. Iyan tuloy ang napala niya!” “Oo nga. Actually, mabait naman talaga si Jessiebelle. Pero naniniwala ba siyang mababago niya ang isang Ace Joaquin? Ofcourse not! Such thing only happens in the movies and dramatic romance novels!” Nais ni Katie na panandaliang mabingi. Kung alam niya lang na mangyayari ang ganoon ay nagdala siya ng ear plug. Pero wala siyang magawa dahil maging sa library ay hindi mapigilan ang bunganga ng mga nag-uusap-usap. The librarian hushed them many times and threatened to let out the noisy ones. Pero may paraan ang mga tsismoso; nag-uusap-usap ang mga ito gamit ang notebook at ballpen! “Oo, rinig na rinig ko kaya. Maayos naman ‘yung explanation ni Ace pero awang-awa talaga ako kay Jess,” sabi ng wang iba kundi si Tony Boy! Hangga’t maaari ay pinapahina nito ang boses, pero kahit nasa kabilang table na si Katie ay naririnig niya pa rin ito. Naroon rin ang ilang blockmates niya na imbes na mag-review sa upcoming recitation ay mas piniling makinig kay Tony Boy. At ngayon ay hindi pa rin mapaniwalaan ni Katie kung bakit para itong mushroom na sumusulpot na lang sa ganoong klase ng eksena. “Ano nga pa lang ginagawa mo sa DADCC?” Tanong ni Marciel sa lalaki. Ah, naroon din pala sa table nito ang sana ay sasabay sa kanya mag-review! “ “Hello! Magkapit-bahay lang kaya ang mga school natin! Imposibleng ‘di ko madaanan ‘yun papunta dito.” “Or maybe, talagang sinadya mong pakinggang ang usapan nila, right?” hula naman ni Jolly na blockmate rin nila. “Uy, hindi ah! Napadaan lang nga ako,” sagot ni Tony Boy, pakamot-kamot pa ito sa ulo habang nakatingin sa kisame. “Kawawang Jessiebelle. Hanggang kailan kaya siya magmumukmok sa cr?” Hindi makapag-concerntrate si Katie sa binabasang reviewer. Hindi niya alam kung kailan na naman tatagal ang tsismis, at naaawa talaga siya kay Jessiebelle dahil nagkamali man ay hindi nito deserve na pag-usapan ng negatibo. Sa naaalala niya ay palangiti ito. Hindi niya ma-imagine na masasalubong itong malungkot. Tumayo si Katie at lumapit kay Tony Boy “Alam mo ba kung nassang cr si Jess?” Nabalin sa kanya ang atensyon ng nagkukumpulang kaklase. “Ah! Nasa fifth floor siya sa dulo ng building sa last cubicle. Siguro doon siya pumunta dhail bihira lang ang gumaga—” “Iyon lang ang gusto kong marinig,” mariin niyang putol sa sasabihin pa nito. Halos padabog siyang lumabas ng library kung kaya’t hindi niya narinig na tinatawag siya Marciel. Okupado na kasi siya ng galit. Mabilis ngunit tahimik na binabaybay ni Katie ang daan patungo sa girl’s bathroom kung nasaan ang pakay. Gumamit na lang siya ng hagdan dahil like usual ay laging puno ang elevator. Kaya naman hingal siyang dumating. “Jess, nandito ka ba?” umalingawngaw ang boses ni Katie pagkarating ng cr. Walang ibang tao ang naroon at tanging sunod-sunod lang ng patak ng tubig ang naririnig niya mula sa gripo ng isang sink. Nang isinara niya iyon ay saka siya may narinig na tila sumisigok. “Jess?” muli niyang tawag bago sinuri ang mga cubicle isa-isa. At sa dulo nyon ay nakumpirma niya ang pinaggalingan ng boses. “Jess?” tawag niya sa ikatlong pagkakataon. “Sino’ng nandyan?” sagot nito saloob ng cubicle. “Okay ka lang ba?” “Sino ka nga? Kung pagtatawanan mo rin ako, pwede mo nang simulan.” “Ha?” Salubong na kilay na sabi niya. “Ibu-bully mo rin ako, ‘di ba? Tawagin mo na akong flirt, gaga, desperada o kahit ano’ng gusto mo! Wala naman sigurong mawawala kasi totoo naman!” Marahang umiling-iling si Katie. Sino namang walang habag ang mambub-bully sa brokenhearted? Kanina lang nangyari ang break-up, ganoon rin ba kabilis tuksuhin ito ng kanilang schoolmates?  “Jess, si Katie ito. Pwede bang buksan mo ang pinto?” Banayad siyang kumatok ng tatlong beses. “Katie? ‘yung senior ko?” malungkot nitong himig. “Oo.” “Sino’ng kasama mo?” “Wala, ako at ikaw lang ang tao rito. Pwede ka bang lumabas? Gusto mo ba ng may kausap?” Binuksan ni Jessiebelle ang pinto ng cubicle, and it was as if something had suddenly stuck in Katie’s throat upon seeing the girl’s puffy eyes. Mas lalo siyang nakaramdam ng awa para rito. “Okay ka lang?” halos papiyok niyang tanong kahit alam niyang hindi ang sagot doon. “O-okay lang.” Marahang tango nito sabay ang pagsinghot. Hinawakan ni Katie si Jessiebelle sa balikat at marahang pinisil iyon. “Mukhang marami ka nang naiiiyak. Gumaan na ba ang pakiramdam mo?” “H-hindi ko alam. Siguro natuyo na ang luha ko, pero hindi pa rin nababawasan ang sakit. Ang sama ni Ace!” bumakas sa mukha nito ang lungkot, tila iiyak muli. Bumuntong-hininga si Katie at ‘di sinasadyang napariin ang pagpisil sa balikat into. She couldn’t imagine herself to be a fool in love. “Tama na ang pag-iyak. Wala ka bang klase ngayon?” “Hindi muna siguro ako papasok. Wala akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko dahil kung hindi nila ako kakaawanan— pagtatawanan nila ako.” “Pagtatawanan? ‘Asan ang mga kaibigan mo?” aniya. At doon niya rin lang napagtatanto na wala man lang dumamay dito. “Mayroon naman. Pero nang maging boyfriend ko si Ace karamihan sa kanila ay naging aloof. ‘Yung iba kasi nagseselos dahil ako ‘yung gusto niya. Pero ngayong wala na kami, malamang pinagtatawanan na nila ako! Bakit ‘di na lang nila ako patayin?!” “Jessiebelle!” Nanlaki ang mga maya ni Katie sa narinig. Hindi niya ine-expect na ganoon ito kahibang sa lalaki. At the very moment ay gusto niya itong pagalitan, but she was already overloaded with mockery. Simpatya ang kailangan nito at pang-unawa. “Pwede bang huwag mo ‘yang sabihin?” “Hindi ko mapigilan, Katie. Siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko.” Katie slowly nodded and dangled her arms on her side, hindi niya na alam ang susunod pang sasabihin. Wala siyang pakialam kung ano man ang pinaggagawa ng Ace na iyon sa buhay, pero ngayon ay iko-konsidera niya na itong kaaway. “Naiintindihan kita. Pero please, since na marami ka nang naiiyak at wala namang ganang pumasok. Pwede bang magpahinga ka na? saan mo gustong pumunta? Gusto mo sa bahay?” “Sa bahay nyo?” Biglang umaliwalas ng kaunti ang mukha ni Jessiebelle. Tiipid na ngumiti si Katie sabay ang pagtango ng tipid. “Kung gusto mo ng may makausap, andito ako.” Naikagat ni Jessiebelle ang pang-ibabang labi na animo pinipigilan ang muling pag-iyak, niyakap nito si Katie.  “Thank you, Katie! Naiintindihan mo ako kahit hindi tayo masyadong nag-uusap.” “You can count on me from now on. ” Marahan niyang tinapik—tapik ang likuran nito bago inilayo ang sarili. “Medyo gumaan na ang pakiramdam ko.” Lumiwanag rin ang mukha ni Katie nang makitang muli ang pamilyar nitong ngiti. Maging siya ay napangiti na rin. “So, pa’no? tara sa bahay?” Hawak niya sa kamay nito. “Teka, hindi ka ba papasok?” “Nagyon lang naman. Hindi naman siguro ako babagsak. “ Ngisi niya sabay ang pagkumpas ng kamay sa ere. “Tatawagan ko lang si Kuya Pio. Magpapasundo tayo.” “Okay!” mabilis na tumango si Jessiebelle saka lumawak ang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD