CHAPTER ONE
June 2010…
“Uy! Narinig n’yo ang latest? Nakipag-trouble daw ulit sina Ace kagabi, ah!”
"Oo, alam na namin. But as usual, panalo pa rin ang grupo nila!”
"Kung hindi ba naman kasi pader ang binangga, ano? Hinamon pa talaga nila ang pinakamagagaling na street fighters ng DADCC. Ano bang inaasahan ng mga talunan na iyon? Madali silang patumbahin? Sa panaginip lang yata!”
“Well, dapat natuto at alam na nila kung paano manlumpo si Ace. He is a Carmens after all, and no one should challenge a Carmens! Lalo na si Ace, my love!”
Napailing si Katie habang mabagal na naglalakad kasama ang kaibigang si Marciel sa second-floor corridor ng Saint Isabelle University. Heto na naman, nagsisimula na namang maging topic ng school nila si Ace. Supposedly ay dapat hindi na pinagtutuunan ng pansin ng mga schoolmates niya ang tungkol sa gulong pinasok ng lalaking iyon dahil hindi naman ito nag-aaral doon. Ace is a Carmens— ang tawag sa mag-aaral ng Don Agripino Del Carmen College or DADCC. Pero ano bang magagawa niya? Paborito talagang topic ng mga babaeng Isabellans ang lalaki, may trouble man itong kinasangkutan o wala.
“Grabe! Iba talaga ang dating ni Ace, ano? Katie? Alam mo na ba iyong nangyari kagabi?” Marahang siko sa kanya ni Marciel.
“Oo, alam ko na. Bago pa lang kita makita, may nagbalita na sa’kin sa gate pa lang.”
“Kilala ko kung sino! Si Tony Boy!” agad na sagot ni Marciel without a second thought. Malutong itong humalakhak na umalingawngaw pa sa kahabaan ng corridor.
Napailing muli si Katie sabay ang pagkamot sa batok na hindi naman nangangati. Bago pa man niya marinig ang usap-usapan sa loob at makita si Marciel sa front yard ay may nagbalita na sa kanya ng balitang wala naman siyang interes. Kabababa lang niya sa kotse nang biglang sumulpot si Tony Boy sa tabi niya at sinabing hinamon ng outsider si Ace at ang ilan sa fraternity na kinaaaniban nito. At malamang, ang balita na iyon ay nagsisimula nang kumalat na parang apoy sa buong campus. Tony Boy is the number one news spreader, the one and only walking tabloid and a human megaphone at Saint Isabelle University. He was known for it ever since she found out he was her blockmate. Seryoso, paano naman kaya nito nalaman ang ganoong balita? Sa bagay, wala yata itong pinalampas. Parang apo ito ng TV personality na si Cristy Fermin, iyon nga lang ay hindi celebrities ang iniintriga. Pero sa totoo lang ay hindi naman nito kailangang malaman kung ano’ng gulo ang kinasangkutan ni Ace o kahit sino mang Carmens. Delikado kapag ipinagpatuloy nito ang pagiging curious sa mga bagay-bagay, baka ikapahamak pa nito.
“Eto pa, girl!” Kalabit sa kanya ni Marciel. “Doon sa pinangyarihan ng trouble, naroon rin si Jessiebelle kasama ni Tony Boy.”
“Naroon rin si Jess?!” bulalas ni Katie na biglang napahinto sa paglalakad. Mas lalong nanlaki ang itim at bilugan niyang mga mata sa narinig. Girlfriend ni Ace si Jessiebelle na coursemate nila at isang freshman. Maganda at mabait ang babae, at hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Katie na ito pala ang susunod na Isabellan na biktima ng lalaki. Kung bakit kasi tumawid pa ng bakuran si Jessiebelle, samantalang marami namang mababait at gwapo doon sa campus nila, sa taga-DADCC pa nahulog.
Ang Don Agripino Del Carmen College ay isang pampublikong Kolehiyo na halos katapat lang sa kabilang kalsada ng Saint Isabelle University. Lahat ng Carmens ay kilala bilang matatapang at matatalino; they are fearless but humane; they are admired by many from different parts of the Philippines. Many young people wanted to study there, so being counted and called Carmens is a great honor, pride, and a dream come true. But the school also houses some infamous students who always got into trouble. They had a fraternity which name is still fully unknown to outsiders ever since it was founded in 1975, and Ace Joaquin Cordova is one of them. Pero hindi alam ni Katie kung bakit sikat at hinahangaan ito ng mga kababaihan ng SIU sa kabila ng reputasyon nito. Badboy and ultimate heartbreaker.
Nagpatuloy sila sa mabagal na paglalakad.
"Marciel, Oo nga boyfriend ni Jess si Ace. Pero ‘diba delikado kung masyado nyang ini-involve ang sarili niya sa lalaking iyon? Hindi naman sa pinakikialaman ko siya, kaya lang paano na lang kung mapahamak siya?” sabi niya sa nag-aalalang himig. Mahigpit niyang niyakap ang dalang libro.
“Hindi mo pa siguro talaga kilala si Jessiebelle. Pero hindi naman kita masisisi kasi hindi ka naman talaga pakialamera sa buhay ng ibang tao unlike namin ni Tony Boy!” humagikhik si Marciel at mas lalo umumbok nito ang cheekbones dahil sa matabang pisngi. “Inosente siyang tingnan, pero patay na patay talaga siya sa jowa nya. Madalas silang mag-public display of affection!”
"Ah, ga’nun ba?" Bahagyang napangiwi si Katie. Well, she got curious about other things sometimes. But it does not cover other people's lives unless she is involved in it. Oo, ayaw naman talaga niyang pakialaman ang buhay ni Jessiebelle, pero bigla na lang siyang nakaramdam ng concern para dito. She is their coursemate, after all. Hindi man sila ganoon ka-close ay nagngingitian at batian naman sila lagi tuwing nagkakasalubong. “Paano mo pala nalaman na naroon siya sa pinanggalingan ng trouble?”
"Kasi nakasalubong ko na siya kanina bago pa kita nakita. Tinanong ko kung totoo ‘yung usap-usapan, oo daw. At tinanong ko kung saan naganap ‘yung trouble pero hindi niya sinabi. Confidential daw. Wala na akong ibang details na nakuha dahil late na raw siya sa klase niya, napuyat yata. Kaya si Tony Boy na lang ang tatanungin ko mamaya!”
"Bad influence rin pala ang Ace na iyon. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari kay Jess kapag ipinagpatuloy niya ang kabihangan sa lalaking ‘yun,” salubong ang kilay niyang komento.
"Hey! Masyado ka namang harsh!” Bahagya siyang itinulak ni Marciel dahilan kung bakit kamuntik na siyang matumba. Mabuti na lang ay nai-balance niya ang sarili. “Siguro nga badboy si Ace. Pero hindi naman siguro siya mananakit ng babae, friend!”
“Hindi naman sa sinasabi kong mananakit siya ng babae physically. Pero paano na lang kung ‘yung mga kaaway ay gumamit ng ibang strategy? Tulad na lang ng saktan ang mga taong malapit kay Ace— pamilya niya at pati na rin si Jess?” paliwanag niya. Sumulyap siya sa mga ulap na tanaw sa veranda. “Maghanap na lang siya iyong hindi siya hihilahin sa kapahamakan.”
"Ika nga ‘di ba, good girls fall for bad boys! Sino ba naman kasi ang immune sa taglay na charisma ng pinakamakisig na lalaki sa paligid? Kahit naman siguro ikaw na pinakapino sa lahat ng nakilala ko, sasagutin mo siya kapag nanligaw siya sayo!” Hinawakan ni Marciel ang braso niya at inuga iyon na animo wala ng bukas. Tumili pa ito ng malakas!
“Ah! Marciel tumigil ka nga!” Ngiwi niyang protesta. Kamuntik nang mahulog ang dala niyang mga libro, mabuti na lang ay agad niya iyon nasalo. Inilibot niya ang tingin sa paligid at pinagmasdan kung mayroon bang nakarinig sa sinabi nito, mabuti na lang ay wala naman. Nang ibinalik niya ang atensyon sa kaibigan ay binigyan niya ito ng nagbababalang tingin. Pero ang bruha ay parang bulate na binuhusan ng asin! Siya? Mahulog sa charm ng troublemaker/playboy? Siguro nga— pagputi ng uwak at pag-itim ng tagak, sa petsa ng February 30 for sure.
"Seryoso ba kayo sa standards n’yo, Marciel? Ayaw mo bang basehan ng lalaking piliin ay katulad ni Jacob?” Taas niya ng dalawang kilay. Si Jacob ay kaklase rin nila. Bukod sa matalino at mabait ay gwapo rin ito. Gusto sanang i-crush ni Katie ang binata dahil sa pagkatao nito, pero hindi niya masagad ang pagkagusto rito. And she didn’t know why.
“Si Jacob?” Tumaas ang isang kilay ni Marciel, “Ang breadwinner na si Jacob na imposibleng i-priority ang lovelife? Huwag na lang,” anitong umabre-siete sa kanya habang patuloy sila sa mas mabagal na paglalakad. “My friend, Unlike the other, He is a package deal na. Bukod na nag-uumapaw ang s*x appeal ay napakagaling pa sa martial arts, plus, motorcycling!”
“Saan nya ba ginagamit ang mga ‘yan? ‘yung s*x appeal sa p*******t ng babae? ‘Yung martial arts sa trouble? At ‘yung motorcycling sa pustahan!”
“Who cares? Women fall in love with him, anyway!”
Numipis ang mga labi ni Katie at huminto siya sa paglalakad. Totoo ba iyong naririnig niya? Pati si Marciel niya ay ganoon na rin ang standards sa isang lalaki? Unconciously, paaburido niyang inalis ang kamay ng kaibigan na nakakapit sa kanyang braso na siya namang ipinagtaka nito. Kunot ang noo, humarap siya ng maayos dito. “Tumigil ka nga, Marciel! Nakakaramdam ako ng takot. Baka isang araw mabalitaan kong ikaw na ang kinakalantari ng lalaking iyon. Lagot ka sa’kin!” umalingawngaw ang boses ni Katie sa kahabaan ng corridor. Ang ilang naglalakad ay napahinto at napatingin sa gawi nila, ang ilan naman ay tumigil sa pag-uusap-usap at tila ba nag-isip kung ano’ng mayroon sa kanya.
"Uh… friend? Hindi ka naman galit, ‘di ba?” ngiwing tanong ni Marciel na mababakas sa itsura ang kaunting pagkabigla.
Saglit na natigilan si Katie at muling inilibot ang tingin sa paligid. Doon ay nakita niya ang ilang estudyanteng nakatingin sa kanya, animo nagtatanong kung ano ang nangyari. Umiling siya at bahagyang napayuko sabay ang pag-init ng magkabilang pisngi. Bakit ba siya sumigaw?
“First time kong marinig na tumaas ang boses mo, friend!” Maikling tawa ni Marciel.
“S-sorry, Marciel. Hindi ko naman sinasadyang— I mean—”
Muli ay humalakhak si Marciel at ikinumpas ang isang kamay sa ere. "Okay lang, no! Ang cute mo pala kapag nagagalit. Soft voice ka pa rin!”
“Ah… ga’nun ba?” aniyang umiling-iling. "Anyway, ‘wag na nating pag-usapan ang lalaking ‘yun,” sumulyap siya sa wristwatch. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita kung ano’ng oras na. Eight forty na! “Marciel, late na tayo ng ten minutes!”
“Ay, Bruha! Liparin na natin ang room!” at sabay na silang kumaripas ng takbo!
HABOL ang hininga nina Katie at Marciel nag makarating sila sa room 223 kung saan daalwang beses isang linggo ang klase nila sa English 103. Pero pagkarating doon ay maiingay na kaklase ang naabutan nila. Karamihan doon ay nag-ipon-ipon sa isang sulok. At sa gitna noon ay rinig na rinig ang mala-armalite na boses. Walang duda, si Tony Boy iyon!
"Oo! Kitang-kita kaya ng dalawang mata ko. Sa una hindi lumaban si Ace, pero nung binugbog na ng lider ng kalaban si Noah ay doon na siya nakialam. Kaya lang wala ng thrill dahil tinapos n’ya agad ang laban. Tatlong beses niyang sinikmuraaan at isang tadyak bago lumipad, tapos nagsipulasan na lahat!”
"Wow! Parang gusto ko rin tuloy makasaksi ng laban. Pero… ano nga pa lang ginagawa mo doon?’’ curious na tanong ng isang kaklase nilang lalaki.
“Ganito kasi ‘yun,” umayos ng upo si Tony Boy, “bumibili ako ng cup noodles seafood flavor saka skyflakes sa seven eleven kasi inubusan ako ng kapatid ko ng kanin at tilapyang niluto ni mama. Eh, nakita ko rin si Jess doon. Tinanong ko siya kung ano ang pinapamili niya kasi ang dami. Ibibigay niya raw kina Ace at sa grupo nito pagkatapos ng mgaganap na laban,” paliwanag nito na kahit ang ibang impormasyon ay wala namang connect sa main topic.
"Ah! So… sumama ka sa kanya para ma-satisfy ang curiousity mo?" Tanong ni Jolly.
“Bakit ko naman pakikialaman ang buhay ng ibang taon ano?” depensang sabi ni Tony Boy na tumikhim. “Concern lang ako kay Jess kaya sinamahan ko siya. Coursemate natin siya, remember? Konsensya ko lang kung may mangyari sa kanya.”
"Tony Boy!" dali-dali namang lumapit dito si Marciel nang mailagay ang bag sa upuan.
Inilapag ni Katie shoulder bag librong dala sa table ng armchair table bago naupo. Kakaunting classmates lang niya ang tila ba walang pakialam sa balitang hatid ng madaldal na ito, karamihan doon ay mga lalaking nagbabasa ng libro. Pero ang ilan rin ay nagbubulungan tungkol kay Ace dahil ang ganoong klaseng usapan ay hindi katangap tangap sa mga ito.
Tumingin si Katie sa likuran kung saan nagkukumpulan sina Tony Boy sabay ang paghugot ng hininga. More than a year ago noong unang tapak ni Katie sa Saint Isabelle University— ang paaralang pinili ng kanyang mga magulang para sa kanya. When she was a very timid freshman, the friendly Marciel was the one who approached her first upon entering a room for their first subject. Syempre, lahat sila baguhan, pero ang sumikat agad sa block nila ay si Tony Boy dahil bago pa dumating ang propesor nila ay nakausap na nito ang beinte nueve nilang kaklase. Kaibigan niya naman si Tony Boy, pero hanggang ngayon ay nagtataka siya kung bakit hindi pa ito pinapatawag sa disciplinarian’s office o kaya sa guidance councelor sa kabila ng pagiging matabil ang dila. Sabi ng iba ay harmless lang, kaya lang ay hindi niya rin gusto lalo kapag sumosobra na.
“Tol, alam mo bang simula ng pag-enroll ko dito, si Jessiebelle na iyong pangatlong Isabellan na naging syota ni Ace?” sabi ni Ron kay Jude.
Napatingin si Katie sa dalawang lalaking nag-uusap sa kanyang unahan na ilang metro ang layo. Magkaharap ang mga upuan nito.
“Oo nga, eh. Nakakaawa. At ayon sa narinig ko, ang lokong iyon ang first boyfriend niya!” Inis na sabi ni Jude. “Paglalaruan lang siya ng gagong iyon!
"Well, hindi naman natin pwedeng kay Ace ang lahat," ani Ron sa 'as-a-matter of fact' na tono. “Kahit ilang beses na siyang binalaan ng mga ex ng lalaking iyon na iiwan din siya kahit gaano pa siya kaganda at kabait ay mukhang ‘di naman nakikinig si Jessiebelle. Responsibilidad niya kung ma-heartbroken siya.”
Marahang umiling si Katie at bahagya nyang tinakpan ng mga kamay ang kanyang mga tainga. Nasaan na ba kasi ang propesor nila para matigil na ang mga kaklase niya kakabanggit sa pangalan ng lalaking iyon? Naririndi na siya, sa totoo lang.
"A very good morning, class!" at sa wakas ay dumating na rin si Sir Justino Brila. Professor Brila was their teacher in English, other major subjects, and their coordinator. He was five foot and eight inches and can be easily distinguished from the other strict faculty staff because of his shiny fontanel with some hair around it. And as others said, he was tough as a father but kind as a mother, pero hindi maka-relate si Katie dahil mas istrikto ang kanyang mama, at ang papa niya naman ang mas mabait.
"Good morning, Sir!" bati ng mga estudyante. Inayos ng mga ito ang upuan at kanya-kanya nang umupo. At bago pa man magsimula ang klase ay narinig niyang sinabi ni Tony Boy na ‘To be continued’ ang usapan habang ang ibang estudyante naman ay patuloy sa pagdaldalan na parang mga bubuyog na nagbubulungbulungan.
"Nalibang ako sa chika ni Tony Boy." Hila ni Marciel ng upuan sa tabi niya bago naupo doon.
"Pati ikaw interesado?” Salubong na kilay na sabi niya.
“Curious lang ako, friend! Parang gusto ko tuloy sumama sa kanila sa susunod. Narinig ko kasi na pwera sa victory at respect, malaki-laking pera rin ang kininita doon sa mga pumupusta. At gusto kong sumali!” Excited na pinasalikop nito ang mga palad at tumingin sa kisame. Kulang na lang ay kuminang ng dolyares ang mga mata nito.
"Tigilan mo nga ‘yang kahibangan na ‘yan, Marciel!” Simangot niyang sita sa kahibangan nito. Bahagya niya pa itong tinulak para matauhan.
"Hey, class! Enough with the talking!" Hampas ni Professor Brila ng kamay sa mesa. "You are already in your second year, yet you act like a high school student. When will you mature class? Even your greetings like 'good morning' always sound like grade one! Remember that you are already in your sophomore, Psychology students! And did you already forget what I told you? Speak in English since our subject now is oral communication."
Unti-unti namang tumahimik ang klase. Umayos sa pagkakaupo si Katie at tiningnan si Marciel na may pagbababala bago tumingin kay Professor Brila.
Professor Brila took a nice, long look at his surroundings. Then, umiling-iling ito at tumingin sa librong nasa mesa. " You know? It's not new to us to hear news about the other school errands, but what I don't want about it is why students under my watch have to be involved," he said neutrally as he was turning the book's pages.
Nagsimula na naman ang bulungbulungan at ang iba ay marahang ipinihit ang tingin kay Tony Boy. Ang lalaki naman ay unti-unting nilulubog ang sarili sa upuan at nagtakip pa ng notebook sa mukha. As if matataguan nito si professor Brila.
Professor Brila sighed and looked at them again. "I wouldn't mention the names of my student who were in the 'fight' last night as I'm not reprimanding you from being friends or 'boyfriends' or whatever connection you wanted to have with the Carmens. But I'm warning you, the next time I've heard the news that involved Isabellan— especially my students— to the unnecessarily illegal activities of the Carmens' or any other school— shall face an appropriate punishment. You were already oriented and given a discipline book when you were just a newbie in this school. I hope the book is still in your possession and not yet eaten by termites. So, please, read it once in a while so you won't forget about our university rules. You understand me?"
"Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sagot. Ginawa nila ang lahat para hindi maging tunog grade one.