INAASAHAN na ni Suzie na yayakapin siya ni Drake mula sa likod kaya hindi na siya nagulat nang gawin nga nito iyon. Naramdaman kasi niya itong pumwesto sa likod niya. “Sorry,” bulong nito. Ngumiti siya rito pero hindi pa tapos ang usapang iyon. “You’re always good at what you do.” “Of course, dear.” Pagkatapos nilang mag-donate ay nagpaalam na agad silang apat. Wala siyang plano na magtagal sa lugar na iyon. Sa apat na taon niya sa business, hindi pa rin siya komportable na makipag-usap sa mga tao. Uma-attend lang siya sa mga party kapag charity events iyon. At kapag kasama si Angela o si Drake. Mabilis din kasi siyang ma-bored sa mga ganoong okasyon. Nauna na sina Angela at Sean sa kanila dahil ‘sumabit’ pa si Drake. Kilala si Drake bilang sikat na photographer kaya maraming nakakil

