1. Airport Incident
MABILIS ang paglalakad ni Suzie. Paminsan-minsan ay tumitingin sa mga signages sa ibabaw para matukoy kung saan ang banyo. Nagtayuan ang mga balahibo niya. Kunting-kunti na lang talaga at maiihi na siya. Kung bakit naman kasi hindi niya inutusan ang drayber na ihinto muna ang kotse sa isang tindahan para makapagbanyo siya. Iyan tuloy at labis niyang pinagsisisihan ngayon.
Ang akala kasi niya ay mabilis lamang ang biyahe. Hindi naman niya akalaing maiipit siya sa trapiko na siya ring dahilan kung bakit hindi na niya pinahinto ang kotse.
Nakagat niya ang ibabang labi nang muli na namang magtayuan ang kanyang mga balahibo. Kailangan na talaga niyang mahanap ang banyo sa lalong madaling panahon.
Dahil nga abala sa pagtingala sa direksyon ng banyo ay hindi niya nakita ang lalaking tumatakbo papunta sa direksiyon niya. Huli na para iwasan niya ito. Kaya naman sumalpok sila sa isa’t-isa. At dahil hindi niya iyon inaasahan, napaupo siya kasabay ng malakas niyang mura.
Suzie wanted to raise hell pero ang hinayupak na bumangga sa kanya ay mabilis na kumaripas ng takbo bago pa man siya maka-recover. Nag-init ang bunbunan niya dahil sa nangyari. Mas lalo lang tuloy niyang naramdaman na ihing-ihi na siya.
Mabilis siyang umayos ng tayo, marami na kasi ang nagtitinginan sa kanya. Gusto niyang iikot ang mga mata. Malala na talaga ang henerasyon ngayon. Wala man lang niisa ang nag-alok sa kanya ng tulong. Pinanuod lang siya ng mga tao roon na para bang nagsho-shooting siya ng pelikula.
Paghakbang niya ay may natapakan siyang kung ano. Nang kunin niya iyon at tingnan sa malapitan, isa iyong maliit na pouch na halatang may laman. Ibinulsa niya iyon. Ibibigay na lang niya iyon sa “Lost & Found” booth mamaya. Sa ngayon, kailangan na talaga niyang magbanyo.
Malakas ang hiningang pinakawalan ni Suzie nang magawa na rin niya sa wakas ang dapat gawin. Para siyang nabunutan ng tinik.
Naghugas siya ng mga kamay at tumitig sa salamin. Maski sa pisikal na hitsura, malaki ang ipinagbago niya. Halos hindi na niya makilala ang sarili mula noong walong taon na ang nakakaraan. Noong isa pa lamang siyang ulila na nagpupumilit na mapanatili ang scholarship at pagtataguyod sa kanyang nakababatang kapatid ay isa siyang patpating dalaga. Matangkad siya sa height standard ng mga Pinay pero sobrang payat naman niya. Kung titingnan siya ay para siyang malnourished. Well, she was malnourished. But now that she’s nearing thirty, she’d gain weight in all the right places a man could dream.
Kung tutuusin, pwede niyang makuha ang kung sino mang lalaking nanaisin niya. Iyon ang palaging sinasabi sa kanya ni Drake, ang pinsan ni Angela na naging matalik din niyang kaibigan. Pero hindi pa iyon sumasagi sa isip niya. Gusto niyang tutukan muna ang sarili at palaguin ang negosyo. She’s nearing thirty, yes pero hindi siya nagmamadaling makapag-asawa. Pero sa totoo lang, sumasagi na rin sa kanyang isipan ang maghanap ng nobyo, lalo na kapag nadadama niyang mag-isa lang siya sa buhay.
Hindi pa naman dumarating sa puntong desidido na talaga siyang maghanap ng makakasama sa kanyang buhay. Alam naman niyang darating din ang bagay na iyon. Kaya hindi siya nagmamadali. Kung darating ay darating.
Hindi ba talaga nagmamadali o sadyang bitter lang sa love life?
Iniikot niya ang mga mata nang marinig ang munting tinig na iyon sa kanyang isip. Walong taon na mula nang masaktan siya ng sobra, walong taon na rin na hindi siya umaapak sa lupang sinilangan dahil sa nangyari.
Tanggap na niya ang lahat ng iyon. Na iyong taong minahal mo ng sobra ay siya ring nagpasakit sa kanyang puso ng labis. Kahit mabagal ang proseso, nagawa niyang paghilumin ang sugat ng nakaraan.
Ngayon ay nasa airport na siya para bumalik sa Pilipinas, ang bansa kung saan siya lumaki at nasaktan ng sobra. Tinapik niya ang magkabilang pisngi at tinitigan ang repleksyon sa salamin. Handa na ba siyang bumalik?
Bago pa niya masagot ang sariling tanong ay muntik na siyang mapatalon sa gulat nang tumunog ang cellphone niya. Mabilis na dinukot niya iyon sa handbag. Nang makita ni Suzie na ang matalik niyang kaibigan ang tumatawag ay walang pag-aatubiling sinagot kaagad niya iyon.
“Hey, Angela.” She greeted with a smile. Pero kaagad ding nawala ang ngiti niyang iyon. “Bakit? May naiwan ba akong importante riyan? Masyadong mahaba ang traffic baka hindi ako umabot sa oras kapag binalikan ko pa ‘yan.”
Ilang minuto nalang at magti-takeoff na ang flight niya nang pasadahan niya ng tingin ang kanyang wrist watch.
“Suzie, Suzie.” pagpapakalma sa kanya ni Angela. “Chill ka lang diyan. Wala ka namang naiwang importanteng bagay. At iyong mga gamit na naiwan mo rito, ipapadala ko nalang sa iyo pagdating mo sa Pinas.”
Huminga siya ng maluwang. Mabuti naman pala kung ganoon. “Ba’t ka napatawag?”
“Gusto ko lang ipaalam na inimbitahan ako ni Mrs. Springfield sa Charity event niya. You were specifically mentioned in the letter. Will you come?”
Kinagat niya ang ibabang labi. Kilala niya si Mrs. Evelyn Springfield, isang matinik na businesswoman sa Pilipinas. Mula sa wala ay nakapagtayo siya ng business empire sa loob lamang ng ilang taon. Isa siya sa mga hinahanggaang babae sa Pilipinas. At iniidolo ni Suzie.
Matagumpay ang mga negosyong hinawakan ni Evelyn kahit na iyong mga papaluging it-in-ake over lang niya. Nasa tuktok ng tagumpay ang ginang nang makilala nito si Mark Springfield at lumagay na sa tahimik na buhay.
Nagkakilala sila ni Suzie dahil sa isang jewelry exhibition na sinalihan niya dati. Napaka-down-to-earth ni Evelyn kaya hindi kaagad ito nakilala ni Suzie. Kung hindi pa siya ipinakilala ni Angela ay hindi niya malalamang kaharap pala niya ang the Evelyn.
Natagalan siguro bago siya nakasagot dahil tinawag ulit ni Angela ang pangalan niya. Magsasalita na sana siya nang unahan siya ng kaibigan.
“Maaari kang makakilala ng mga bagong kliyente sa pamamagitan ng Charity event ni Mrs. Springfield. Tiyak na tutulungan ka pa niya. Alam naman nating pareho na malambot ang puso n’on sa `yo. Magandang oportunidad ito lalo na sa plano mong mag-branch out sa Pinas.”
Syempre alam niya kung ano ang sinasabi ni Angela. Sinabi mismo ni Evelyn sa kanya na nakikita raw nito ang sarili sa kanya. Alam din niyang kapag um-attend siya sa event ay malaki ang maitutulong niyon sa kanyang negosyo lalo na at may mga malalaking pangalan ang dadalo.
“Alam ko naman iyon. Iyon nga lang…”
Sandaling katahimikan ang dumaan dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Alam niyang magandang oportunidad ang maimbitahan ni Mrs. Springfield ngunit hindi niya alam kung bakit nagdadalawang-isip siya ngayon.
Bumuntong-hininga si Angela sa kabilang linya. “Are you worried you’d meet that bastard ex of yours?”
Mabilis na nakapag-deny si Suzie. “Hindi, `no. Walong taon na ang lumipas, Angela. Hindi ko nga alam kung bakit binabanggit mo pa rin ang taong iyon. Wala na akong pakialam sa lalaking iyon. Alam kung magtatagpo uli ang landas namin. Lalo na at makikipagkita ako sa pinsan mo pagkarating ko sa Pilipinas.”
Hindi alam ni Suzie kung ano ang mararamdaman sa nalalapit na pagkikita nila ng pinsan ni Angela. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa pagkikita nila ni Keith Teves. Matalik na magkaibigan si Keith at ang ex niya at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito sa pagkikita nilang muli lalo na at minsan din silang naging magkaibigan.
Mahinang tumawa si Angela. “Wala kang dapat na ipag-alala kapag nagkita na kayo ng cute kong pinsan. Hindi iyon nangangagat.”
Iniikot niya ang mga mata. “Yeah, right.” Tanging si Angela ang pwedeng tumawag ng “cute” kay Keith. Nagtaas siya ng tingin nang marinig na tinatawag na ang flight niya.
“I’ll see you soon. I need to go. My flight’s been called.”
“All right, take care. See you soon.”
She hung up and proceeded to her terminal, the pouch on her pocket forgotten, not realizing the roller coaster ride she’ll experience once she steps foot on her homeland because of the pouch she randomly picked up.