NANGGAGALAITI sa galit si Luis. Malakas na itinapon niya ang champagne flute sa dingding na sanhi ng pagkabasag niyon. Napaigking naman ang dalawang lalaking nakayuko sa kanyang harap.
Nararamdaman niya ang sariling nanginginig sa galit. Kung nakakapatay lang ang tingin ay malamang kanina pa bumulagta ang dalawang lalaki.
“We can’t do anything now,” sabi ni Keith, kalmado lang itong nakaupo sa pwesto nito. “What we can do is to find that rat as soon as possible. Total papunta na rin naman siya rito sa Pinas, hindi ba? Salubungin na lang natin.”
Humugot ng malalim na hininga si Luis para pakalmahin ang sarili. Alam naman niyang walang mangyayaring maganda kung paiiralin niya ang frustrations niya. Nakakagigil lang talaga na muntik na sana nilang mabawi ang bagay na ilang taon na nilang hinahanap. Miyembro siya ng isang sekretong organisasyon sa Pilipinas. Ilan lang ang nakakaalam ng organisasyong iyon dahil kahit presidente ng bansa ay hindi sila kilala, maliban nalang kung magpakilala sila mismo.
Matagal ng naitatag ang organisasyon, hindi pa man siya nabubuhay sa mundo. Ang misyon niyon ay protektahan ang bansa sa mga masasamang elemento na posibleng makawasak sa kasalukuyang kapayapaan nito. Now, a national treasure went missing right under their noses.
Hindi niya matanggap iyon bilang isa sa mga kasalukuyang lider. Nagawa silang nakawan ng kung sino man sa mismong teritoryo nila. Kaya nanggagalaiti talaga siya sa galit.
“You’re right.” pagsang-ayon niya kay Keith, isa sa miyembro ng organisasyon nila at isa rin sa mga matalik niyang kaibigan.
Sinenyasan ni Keith ang dalawang lalaking nakayuko pa rin. Nagmamadaling lumabas ang mga ito.
Ngayon ay dalawa na lamang silang natitira sa loob ng silid-pagpupulong. Nagsalubong ang kanilang mga mata, kaagad na nagkaroon sila ng pagkakaunawaan.
Isa lang ang dahilan kung bakit nakatakas ang target nila sa kabila ng top secret operation nila. May traydor sa kanilang grupo. Kung sino man iyon, humanda talaga sa kanya ang traydor dahil hindi niya ito bubuhayin. They shouldn’t let themselves get caught. He doesn’t tolerate traitors.
“Take it easy.” Keith told him.
He didn’t answer. He was still boiling with rage inside. And he was planning how to kill the traitor in his head.
The silence in the room was broken with his phone ringing. Tinaasan siya ng kilay ni Keith, nagtatanong kung hindi ba niya sasagutin ang tawag.
Muli siyang nagpakawala ng buntung-hininga. Tiningnan niya ang caller ID and closed his eyes. Hindi niya alam kung nasa tamang “mood” ba siya para makipag-usap.
The ringing ended before he could pick it up. Somewhat, he felt relief.
“Is it your fiance?” tanong ni Keith, makikita sa mukha nito na gustong makitsismis.
Masama ang tinging ipinukol niya rito. “Pa’no mo nalaman?”
Keith leaned back in his seat with a shrug of his shoulder. “You always get that expression,” he told him while pointing his finger in Luis’s face. “when you receive a call from your sweet honey pie.”
Luis glared at his friend before standing and turning away to answer the call. It was his fiance calling again. He clicked the answer button and was on his way out of the room when Keith spoke up again.
“You know, someone from the past is returning.”
Keith has this mysterious smile on his lips as he stares at him. Na-curious tuloy siya kung sino ang nagbabalik mula sa nakaraan na sinasabi nito. Tatanungin sana niya ito pero narinig niya ang boses ng fiance niya sa kabilang linya.
Lumabas siya ng silid. Mamaya na lang niya tatanungin si Keith kung sino ang tinutukoy nito.
“Cass,”
* * * * *
HINDI nagdalawang isip ang isang matangkad na babae na kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak niya. Umalingawngaw sa loob ng warehouse ang tunog ng putok ng baril. Pero wala ni isa sa mga tauhan niya ang kumilos.
Takot lang ng mga ito na baka kunting galaw lang ay susunod na ang mga ito sa lalaking nakahiga sa sarili nitong dugo sa harap nila.
Mainit ang kanyang ulo dahil sa ini-report na kapalpakan ng lalaking binaril niya. Nasa kamay na nito ang black diamond pero pinakawala pa rin nito.
Tinitigan niya ang lalaki habang umuubo ito ng dugo. Unti-unting nawawalan ng buhay ang mga mata nito pero wala siyang naramdamang awa para rito. Hindi dapat bigyang awa ang mga taong palpak.
Itinutok niyang muli ang baril sa isa pa niyang tauhan, nakita niyang napakislot ito. “You.” Isininyas niya ang kamay na may hawak ng baril. “Clean this up.”
“Yes, boss!”
She walked out of the warehouse towards her car. Sinuntok niya ang manibela ng sasakyan. Siguradong malilimitahan ng sobra ang mga kilos niya sa susunod. Siguradong alam na ng Luis Alvarez na iyon na may traydor.
“Buwesit!”
* * * * *
SUZIE was up early the next day. Pagkadating na pagkadating kasi niya mula sa airport ay kaagad siyang humilata sa kama at natulog ng hindi pa nagbibihis. It was early morning outside but her bed seems to lull her back to sleep.
Tumagilid siya para maghanap ng komportableng posisyon pero napangiwi siya nang may tumusok na kung ano sa kanyang hita. Kinapa niya ang dinaganan pero wala namang bagay doon. Bumalik siya sa posisyon pero may tumutusok talaga.
No choice kaya bumangon siya at kinapa ang kanyang bulsa. Napasimangot siya nang may makapa. Hindi naman siya mahilig maglagay ng kung ano sa kanyang bulsa. Nang kunin niya ang bagay na nasa bulsa ay nawala ang antok niya.
Ang pouch na napulot niya! Dapat nga pala itu-turn over nga pala niya iyon Lost & Found center ng airport sa Brazil. Nakalimutan niya dahil paglabas niya ng CR ay tinatawag na ang flight niya.
“Paano ko isasauli ‘to?” tanong niya sa sarili.
Na-curious siya kung ano’ng laman ng velvet pouch. Hindi naman siguro iyon importante at kawalan dahil maliit lang naman iyon.
Nabitiwan niya ang bagay na nasa loob ng pouch. Gumulong iyon hanggang sa mabangga ang paa ng makeup table niya. Nanlalaki ang kanyang mga matang nakatitig sa itim na batong gumulong.
“Oh, god. It’s not what I’m thinking, right?” bulong niya habang hawak ang dibdib.
Natamaan ng liwanag ang diamond at kumislap iyon.
Nilapitan ni Suzie ang bato. Totoo ba ito o baka naman tulog pa rin siya hanggang ngayon? Sinubukan niyang kurutin ang braso at napangiwi.
“Shett, ano’ng gagawin ko sa batong ito?”
Hindi siya nananag-inip. She picked up the diamond and fogged it using her mouth. It didn’t fog. Itinapat din niya ang bato sa araw at tiningnan iyon. No rainbow reflections, just gray sparkles.
“Holy—”
Mabilis na hinalungkat niya ang kanyang bag para hanapin ang kanyang loupe. Sinuri niya ang bato at mas lalo lang niyang na-confirm na totoo nga iyon. At para tuluyang makasigurado ay gumawa siya ng heat probe test. Hinalungkat niya sa maleta ang kanyang HMKIS Diamond tester Pen.
Nanginginig si Suzie habang ginagawa ang test. At ilang minuto lang, confirmed na niya na totoo ngang black diamond ang batong hawak niya.
“How did I pick up something like this?” tanong niya sa sarili.
Naalala niya ang lalaking bumangga sa kanya nang papunta siya sa CR. Kahinahinala ito pero hindi na niya masyadong napansin ang lalaki dahil kumaripas ito ng takbo.
Is that guy the owner of this black diamond? No, she’s sure that guy wasn’t the owner. Wala sa hitsura nito. Could it be na ninakaw ng lalaking iyon ang diamond? And now it's in her possession.
Natakot siyang bigla. A diamond that big costs millions of dollars. So kung ninakaw man iyon…
Nanindig ang mga balahibo ni Suzie sa naiisip niyang maaaring mangyari kapag may nakaalam na hawak niya ngayon ang pinakamalaki na yatang diamond sa balat ng lupa.
Ibibigay na lang niya sa kaibigan niyang si Angela ang batong iyon. She will not endanger her friend’s life to save hers. Hindi nila pinag-uusapan, but Suzie has this inkling that Angela was part of some kind of organization that deals with…dangerous stuff. Kayang protektahan ng kaibigan niya ang buhay nito. Samantalang siya, baka isang suntok lang ay wala na siyang malay.
Ilang minuto niyang tinitigan ang black diamond na kasing laki ng kanyang kamao. Mabilis na ibinalik niya iyon sa pouch at itinago sa pinakaibabang drawer ng kanyang mesa.