PAGLABAS ni Suzie sa opisina niya ay malakas ang buhos ng ulan. Nagmamadaling sumakay siya sa kotse. Nasa kalagitnaan siya ng highway nang biglang magkaproblema ang sasakyan niya. “Damn!” Pinukpok niya ang manibela. Nagawa pa niyang itabi ang sasakyan bago iyon tuluyang nawalan ng buhay. Bumuntong hininga siya. Why now? Of all time na pwede siyang masiraan ng sasakyan, ngayon pa talaga na umuulan. Bumaba siya ng kotse kahit na umuulan. Ano ang gagawin niya ngayon? Wala siyang alam sa sasakyan kaya hindi niya matukoy kung ano ang problema nito ngayon. Siguro tatawagan na lang niya ang kapatid para sunduin siya roon. Pero kailangan muna niyang humanap ng masisilungan. Bumuga siya ng hangin. Napakislot siya nang may humintong sasakyan sa tabi niya. Paglingon niya ay saktong bumukas ang b

