32. Bonding With Friends

1430 Words
LUIS SIGHED. Dali-daling itinakas ng ina niya si Suzie at Gelo nang makita nitong nakatingin siya ang pictures sa mesa. Lagot talaga sa kanya ang dalaga na iyon sa pangunguha ng pictures na tulog siya. Sinundan niya ng tingin ang tatlo na papunta sa kusina. May munting ngiti na sumilay sa labi niya, ang gandang tingnan ng likod ng mga ito na magkakasama. “Where did you meet her?” He stiffened. Ang sabi ni Vergel ay hindi naman daw doon maghahapunan ang ama nila dahil may meeting daw ito pero mukhang tinawagan ito ng magaling nilang ina para pauwiin. Dapat mahigpit na binilinan niya ang ina na huwag sabihin sa ama niya na uuwi siyang may kasama. Too late for that though. He and his father are not in very good terms simula palang pagkabata niya kaya iwas na iwas siya rito. Isa pa, baka pakialaman na naman nito ang buhay niya. He had enough of his manipulation. He turned to his dad with a guarded expression. “SJU.” “Do you like her?” He felt himself twitch, but he didn’t let it show. “What made you think so?” “She’s the only girl you’ve brought here though you’re not yet lovers. You did not even bring your past girlfriends here.” “Past girlfriend,” he corrected him. He looked at the path her mother and Suzie took. “And yeah, I like her.” He said in a whisper. “Why not court her?” “This isn’t the time.” Hindi niya gustong malaman nito na nililigawan na talaga niya si Suzie dahil baka gumawa lang ito ng paraan para paghiwalayin sila. Pero inamin pa rin niya rito na gusto niya ang dalaga dahil kahit itanggi niya iyon halata naman ang totoo. “What are you waiting for?” His father leaned at the backrest of the sofa and looked at the ceiling. “Time is eternity, Luis. And in every second, there are changes.” Just like the changes you’d make if you know I love her. His father might seem like he approves of him going in a relationship, but he knew that truth since he was young, may nakatakda ng babae na mapapangasawa niya. Gusto man niya iyon o hindi. Pero hindi niya hahayaang kontrolin nito ang buhay niya. At siya ang pipili kung sino ang gusto niyang pakasalan sa hinaharap. Hindi ito, o kung sino man. He maintained his poker face. “I’m just waiting for her dreams to be fulfilled.” Aris looked at him. “Are you certain she can wait?” He looked at him straight in the eye. “No need to ask. It’s written all over her face.” His father smiled. ***** UNANG araw ngayon ng simbang gabi. Niyaya si Suzie kahapon ni Luis na magsimba at dahil talaga namang nagsisimba silang magkapatid ay pumayag na rin siya. Napapayag nga rin niyang sumama si Angela. At dahil napapayag niyang sumama si Angela sa kanila ay present din si Lance. Ang kulit din talaga ng isang ito. But her friend was just ignoring Lance, at ang lalaki naman ay ngiti lang ng ngiti. Naiiling na lang siya sa drama ng dalawang ito. At dahil nga rin sumama si Lance, sumama na rin sina Dave at Keith. Matapos magsimba ay pumunta sila sa Alvarez Beach & Resort na tatlong oras din ang biyahe mula sa Manila. Nalulula siya sa dami ng properties ng mga Alvarez. Iba talaga kapag may kaya sa buhay. “Wow! Ang ganda.” bulalas ni Gelo. Nagtatakbo ito papunta sa dagat. Nakalimutan na siya nito at ang hiya nito. Kadalasan kasi kapag nasa hindi pamilyar na lugar ito ay ayaw nitong humiwalay sa kanya. Pero tingnan mo naman ngayon, ayon at nagkakaykay na ng buhangin. “Pasensiya na kayo. Ngayon lang kasi nakapunta si Gelo sa dagat.” sabi niya sa mga kasama. “Mabuti pala at dito natin napiling mag-picnic,” sabi ni Luis. Inilatag na nila ang tela sa buhanginan. Nilagay na rin nila roon ang mga pagkaing dala nila. Kaunti lang ang tao roon kaya maaliwalas sa pakiramdam. Ang sabi ni Luis ay ganoon talaga kapag umaga pa. Mamaya bandang hapon na daw naglalabasan ang mga guest sa resort nito. “Sarap ng hangin!” sabi ni Suzie. “Hindi ba, Angela?” Tumango ito. “Ngayon lang ulit ako nakabalik sa dagat mula no’ng mamatay si Mommy.” Napansin niya sa gilid ng kanyang mata na naglaho ang ngiti ni Lance saka umalis. Nakatalikod kasi sila sa mga ito at nakaharap sa dagat. “Ang mabuti pa kumain na tayo.” pag-iiba niya ng usapan. Pumunta sila roon para magsaya at mag-relax sa school responsibilities kaya iyon ang gagawin nila. “Tatawagin ko muna si Gelo.” Binigyan niya ng makahulugang tingin sina Dave at Luis. Nagkatinginan ang dalawa. “Gelo, kakain na. Mamaya ka na maglaro.” sabi ni Suzie sa kapatid nang makalapit siya rito. She suddenly felt emotional seeing Gelo play in the sand wearing the brightest smile she’d ever seen from him. Kung sana mayroon silang mga magulang na masasandalan… Ipinilig niya ang ulo. No use in thinking about those things. Wala na silang mga magulang. They only have each other now. Kaya magsisikap siyang mabigyan ng magandang buhay ang kapatid. At sisiguraduhin niyang naroroon siya sa tabi nito kapag kailangan siya nito. “Ate, puwede ba akong maligo mamaya?” tanong nito. “Sige na ate.” Tumango siya. “Sige, total nakapagdala naman ako ng extrang damit mo. Basta huwag ka lang lalayo ah?” Nakangiting tumango si Gelo saka nagtatakbo. Binalingan niya si Keith na nakahiga sa buhanginan. Medyo nagulat pa nga siya nang mapansin ito. “Hoy, Keith. Kakain na tayo. Tumayo ka na r’yan.” Hindi pa rin ito nagmumulat ng mga mata. Tumaas ang kilay niya. Sinipa niya ang tuhod nito habang nakapamaywang. Ang tigas talaga ng hoodlum na ito. “Bahala ka nga r’yan. Ikaw din, baka magka-sunburn ka.” Half-naked ito, walang polo at naka-jeans lang. at kitang-kita ang six pack abs pero hindi naman siya nahumaling sa katawan nito. Napailing na lang siya sa hitsura nito. Si Luis kaya? Hmm… ***** MASAYA ang naging agahan na tanghalian nila. Bangayan, kulitan, tuksuhan at hiyaan ang paksa ng pag-uusap nila. Pagdating naman kay Gelo, pambata ang paksa. Hindi nga niya akalaing makakasundo ni Keith si Gelo. Tingin kasi niya rito ay ayaw sa mga bata. But Keith proved her wrong. Pagkatapos kumain ay naglaro sila ng spin the bottle. Ang saya ng larong iyon lalo na nang si Luis ang itinuro ng bibig ng bote. Napanganga si Luis dahil sa kakaibang ngiti nina Keith at Dave. “Truth or dare?” tanong ni Lance. “Dare?” nagdadalawang-isip na sagot niya. Napalunok siya. Mukhang mali ang naging desisyon niya. Mas lalo kasing lumawak ang ngiti ng dalawa. “Sumayaw ka,” sabi ni Keith. “What?!” bulalas niya. “Nagbibiro ka ba? Ayoko nga.” “Dare hindi ba?” kakaiba ang ngiti ni Dave. “Sige na. tanggalin mo lahat ng hiya r’yan sa katawan mo.” “Macho dance na lang,” sabi ni Suzie, kumikinang pa ang mga mata nito. Tiningnan niya ito ng matalim. Ngumiti lang ito at nag-peace sign. Pumalakpak si Lance saka tumayo. “Maganda iyon. Luis, sige na. Ginawa mo na rin naman `yan noon.” “Talaga? Nag-macho dance ka na?” nasasabik pa na tanong ng dalaga. “Dapat makita ko `yan.” Naihampas niya ang kamay sa mukha. Nakakahiya talaga. Gagantihan niya ang dalawang ito kapag turno na ng mga ito. “Huwag kang KJ, Luis.” sabi ni Dave. “Kapag sumayaw ka, may bonus kang kiss kay Cinderella Suzie.” sabi naman ni Keith. “Wala akong sinabing ganyan.” sabi ni Suzie. “Go na Kuya Luis!” cheer ni Gelo. “May free ka raw na kiss kay Ate. Sa lips.” Napangisi siya. Kakampi talaga niya ang nakababata nitong kapatid kaya wala ring kawala sa kanya ang dalaga. Sinakal nito ang kapatid. “Ikaw talaga.” Nag-thumbs siya kay Gelo na ginantihan din naman nito. Suzie’s face turned red. “Huy, wala akong sinabing payag ako.” angal nito. Kinindatan niya si Suzie at pikit mata na tumayo. “Fine,” sabi niya kina Keith at Dave. Nag-smirk lang sa kanya ang dalawa. Nagpalakpakan ang mga ito. Nakisali rin si Angela sa pagpalakpak. Gusto na niyang bumuka ang lupa at kainin siya. “Turuan kita,” sabi ni Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD