EIGHT YEARS AGO…
Suzie was so thankful that she could proceed to college. It’s a big blessing for her because all she wants to do is finish studying and fulfill her dreams for herself and for her little brother.
Their mother died two years ago. Her father has gone elsewhere since she was a kid. She must be the one to stand as a parent to Gelo. He is the only family left to her so she will do anything for his sake.
Now, here she is at Saint Jude University, one of the famous universities in the Philippines. Only those who have brains can enroll in this university.
During enrollment, if you are a freshman from another school, you must answer the question given to you at the information desk first before you could step inside SJU.
Today is the first day of class. As she passed the information counter, the informant gave her a booklet. Those booklets are given only for those who just started this semester although she already had a student manual.
She was able to enroll in this university because she got a scholarship. Every year SJU gets one scholar student in a public school. She's lucky to pass the exam that caused her headache for months.
“I’m sure mawawala ako sa laki ng eskwelahan na ito,” she uttered as she walked in the corridor.
May nabangga siyang lalaki dahil sa kakatingin niya sa paligid. “S-Sorry,” sabi niya. Sana hindi masungit itong nabangga ko, she thought.
Nang mag-angat siya nang tingin ay hawak ng lalaki ang panga nito. Tama, sa tangkad nito ay hanggang baba lang siya nito. Clean-cut ang buhok nito hindi katulad ng mga uso ngayon sa mga lalaki na mahahaba ang buhok at nakatindig pa talaga kaya naman madaling nakuha nito ang atensiyon niya. Nang matitigan niya ito sa mata ay parang palaging nakangiti ang dalawang pares ng dark brown nitong mata.
“It’s okay,” nakangiting sabi nito. “It was my fault. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.”
Ngumiti na lang din siya. Grabe, `gwapo nitong kaharap niya.
“OMG! Ang sweetheart ng Knights of Love nasa building natin...” sigaw ng isang babae.
Bago pa siya makalingon para tingnan kung sino ang sumigaw, pinagkaguluhan na siya. Ah hindi, ito nga palang nabangga niya ang pinagkakaguluhan ng mga babae.
“Dave, what can we do for you?” tanong ng babaeng maikli ang buhok sa lalaking nabangga niya.
“Thank you for offering your help,” magalang na sagot ni Dave. “pero pabalik na ako sa college building.”
“Dave, girlfriend mo?” tanong ng babaeng kulot, at pinasadahan siya ng matalim na tingin mula ulo hanggang paa.
Kung hindi lang niya iniingatan ang reputasyon niya, baka tinusok na niya ang babae sa mata nito.
Tiningnan siya ni Dave bago ngumiti. “Friend ko. Sige, alis na kami.”
Hinawakan siya nito sa palapulsuhan at hinila. Nahawi naman ang mga babaeng nakapalibot sa kanila.
Tumaas ang kilay niya. Ano ang mayroon sa lalaking ito at binigyan ito ng daan ng mga babaeng nakapalibot sa kanila? Artista kaya ito? Pero hindi naman niya ito kilala.
“Dave pala ang pangalan mo?” tanong niya rito para makasiguro.
“Sorry. I forgot to introduce myself. I’m Dave Valdez, third year student, BSBA-Marketing.” Nagkamot ito sa ulo pero ang isang kamay nito ay nakahawak pa rin sa kamay niya. “May I know your name?”
“Suzie. Suzie Cruz.”
Tiningnan siya nito. “Oh, I see. You’re the scholar. Kaya pala hindi kita namumukhaan.”
Kumunot ang noo niya. “How did you know me?”
“I heard it from my friend. His mother owns this university.”
Natameme siya. Kaibigan nito ang anak ng may-ari ng unibersidad? Siguradong bigtime rin ang lalaking ito. Dahil ang alam niya ay hindi basta-basta nakikipagkaibigan ang mga mayayaman sa mga mahihirap.
“Who is she?”
Napahinto sila nang makita ang isang lalaking nakasandal sa pinto ng isang silid-aralan. Nakahalukipkip ito at nakatingin sa kanila. Kung matangkad na si Dave mas matangkad pa ito. Magulo ang may kahabaan nitong buhok. Nakabukas ang dalawang butones ng polo nito mula sa leeg at ang necktie ay halatang hinila. Hindi naka-tuck in and polo pero kahit ano pa ang estado ng pananamit nito ay lutang ang kagwapuhan nito.
“Girlfriend ko.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Dave.
“Hindi ako naniniwala sa iyo,” sabi ng lalaki.
Dave chuckled. “Joke lang. Sorry, Ms. Cruz.” Binitiwan na siya ni Dave at tinapik nito sa balikat ang lalaki. “I’m not a good actor then.”
“You are. I just don’t believe na ipagpapalit mo si Charmien.”
Dave smiled, totally ignoring what Keith just said. “She’s Suzie. Ms. Cruz, he’s Keith.”
“Nice to meet you.”
Hindi siya pinansin nito. Napanguso na lang siya dahil sa kasupladuhan nito.
Dave gave her an apologetic smile. “I’m sorry. Bastos lang talaga ang taong iyan.”
“Anong section ka Ms. Cruz?” tanong ni Dave.
“Section Amber.”
“Hatid ka na lang namin. On the way naman eh.”
“Thank you.” Tinanggap na rin niya ang offer nito dahil nahihilo na siya kakahanap kung nasaan ba talaga ang silid-aralan niya.
“Tss.” Narinig niya mula kay Keith. Suplado talaga ang isang ito. Halata naman na napilitan lang.
May babaeng biglang sumabay sa paglalakad nila. “Hello! Good morning sa inyo Keith at Dave at sa iyo.”
Medyo nagulat si Suzie sa bigla na lang pagsulpot nito. Ganoon ba talaga ang mga tao sa eskwelahang iyon? Bigla-bigla na lang nagsusulputan?
“What is it now Alice?” tanong ni Keith.
“The President is looking for the two of you.” Nakangiting sabi ni Alice. “Kailangan ninyong sumunod sa akin.”
“I’m sorry, Ms. Cruz.” sabi ni Dave. “Urgent `ata.”
“It’s alright.” Nakangiting sabi niya.
“Diretsuhin mo lang ang hallway na ito. Sa dulo ang classroom mo.”
“Thank you!”
Nang makaalis na sina Dave ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. May nadaanan siyang museum. Glass ang pinto nito at automatic kaya kusa itong bumukas nang lumapit siya. She decided to go inside since she had thirty minutes before the class starts.
She caught her breath because of the statues of the Philippine President and heroes.
“Wow!”
She heard someone moan. “Oh, dear! Your hands are great.” It was a woman’s voice. At malanding tinig iyon. Muli na namang may umungol. Then she heard a man’s voice.
“Come on honey. Touch me.”
“No need to ask.”
Pinamulhan siya ng mukha. Mukhang alam na niya kung ano ang nangyayari. She stepped backward and hit something that fell to the ground and made a shuttering noise.
“Who’s there?” she heard the man ask.
She silently moved to the door but before she could hold the doorknob, the man spoke again.
“Where do you think you’re going?”
She breathed first before turning. “I’m sorry. I didn’t mean to interrupt.”
Tinaasan siya nito ng kilay. His question sent her speechless. “Do you want to join us?”
“N-No...I don’t want to.”
With no goodbye, she left. What the heck was that? In the school, at the museum?
Dahil sa mga nangyari sa kanya at narinig ay lumipad na ang utak niya. The next thing she know she bumped into something hard but soft.
Ipinilig niya ang ulo. Naalog na yata talaga ang utak niya dahil sa narinig niya kanina sa museum. Something hard but soft daw?
“I’m sorry, Miss.”
She looked up. Her blood ran high into her head. “You!”
He looked shocked because of the accusation in her voice. “What me?”
“How dare you make out in the museum? Oh god, this is a school little boy, not a room!” she freaked out.
He put his left hand on his waist while the right combed his hair. “Look, Miss, you’ve got the wrong person.”
“Uh-huh.” Humalukipkip siya sa harap nito.
“How can I ever make something ridiculous? I’m the student council’s president, child.”
“Well, we don’t know what someone’s up to.”
“Are you accusing me?”
“Feel guilty?”