19. Visiting a Friend's House

1463 Words
LUIS AND his friends congratulate each other. Maririnig pa rin ang pagchi-cheer ng mga estudyanteng nakapalibot at nanood sa kanila. “That was one out of a hell game!” Lance exclaimed, tagaktak ang pawis nito at hinihingal pa rin. Well, sila namang apat pare-pareho lang pinagpapawisan at hinihingal. “Palagi namang ganito kapag tayong apat ang magkakalaban,” Keith said frowning. “Pero iba pa rin ito.” Dave said. “So now, may we know the reason for this game Luis?” Keith asked. Luis sighed before beginning to explain. That was the time when Dave told him that he and Suzie had a lot of pictures on the bulletin board. “Pres., bakit parang relax ka lang diyan?” tanong ni Lance. “May dapat ba akong ikabahala?” kalmadong balik-tanong ni Luis na abala pa rin sa inaasikaso niya sa laptop. Marami siyang trabaho na dapat tapusin para lang mag-alala. “Hindi mo pa nga alam kung ganoon.” sabi ni Keith. Binalingan nito si Carla. “Ms. Silent, wala ka bang balak magsalita riyan?” “Wala akong sasabihin.” “Ang dami ninyong pictures ni Ms. Cruz.” Si Dave ang nagsalita na nakatanaw lang sa bintana. Pilit niyang kinakalma ang sarili na walang kahirap-hirap niyang nagawa without them noticing. Sa kanilang apat na magbabarkada, si Dave, Lance, Keith ay siya lang ang masasabing mahabahaba ang pasensiya. Next to him is Lance, then Dave at ang pinakawalang pasensiya ay si Keith. “Ah, talaga?” Nagkatinginan ang tatlo. His phone rang. Without turning to them, Luis checked the CCTV cameras. He has access to the CCTV's because he is the student council president and he is assigned to keep the security and academics secure. Though he has more advantage because his mother owned the university. It didn’t took him long to find out the culprit. It was Cris. He was the one who took the pictures. Cris, who is a member of the student council. Tiningnan niya ang lahat ng lugar kung saan ito nagtago at kumuha ng mga larawan nila. So ito pala ang naramdaman niyang nakatingin sa kanila. Hindi kaagad siya kumilos dahil ang akala niya ay si Charmien lang iyon na sinusundan siya. Palagi kasi nakasunod na parang buntot ang dalaga kaya iyon ang akala niya. He should have taken precaution. His phone rang for the second time. He answered knowing it was the president. Pinapapunta siya nito sa President's office. When he was there, she immediately asked who the culprit was. “Cris Luarez.” he answered, straight to the point. “Damn! He’s a student council officer yet he did this. He’s not a good model to everyone.” “What are you planning to do, Mrs. Alvarez?” he asked in a calm voice. “Expel him.” “You can’t just do that.” sabi niya. He know his mother. She’s over protective to her offspring. And he knows that this is one of it. Alam niyang mahihirapan siyang kombinsihin ito dahil kapag na-set na nito ang gagawin, mahirap na iyong baguhin pa. “I can. I am the president. And besides, we already gave him a second warning when he was kissing a girl in public. My god! PDA.” “Just give him another chance. Besides, I can clear this issue on my own. This will vanish immediately.” “Not if my son is involved! How dare he put you in a scandalous situation?!” He stared at his mother. “You are taking it personally, Mrs. Alvarez. Hiwalay ang trabaho sa personal na buhay. As you said, you are the president. You must think not just twice but many times.” She sighed. “You’re right. But he is expelled not until you win. A basketball match. Pick your partner in the Knights of Love. The two will be your opponent or else Cris will never see SJU again.” They stared at each other before he took his leave without saying anything but goodbye. * * * * * LANCE understands now why Luis was serious about the match. Hindi nga masyadong kumikibo ang kaibigan niyang ito, but he cared. Alam niya iyon. “You went to fetch Suzie right after you left her office.” Dave said. “I saw her on the bulletin board.” Luis said. “So what will you do now?” Lance said holding his right arm because it hurts. Luis just stared at him. * * * * * SUZIE and Angela are partners in their physics subject. They have to make an experiment. Any experiment will do, as long as it is related to science. “May naisip ka ng experiment natin?” tanong niya. Umiling ito. “Wala pa eh. Ganito na lang kaya, doon ka na lang sa amin matulog.” “Sorry, Angela. May kapatid kasi ako. Hindi ko puwedeng iwan. Eight years old pa kasi.” “Tamang-tama. Dalhin mo na lang. Tiyak na magkakasundo sila ng kapatid ko.” “Sige ba.” Umuwi muna siya sa kanila para hintayin si Gelo. Pagkatapos ay nagpunta na agad sila kina Angela. Hindi na sila nahintay nito kanina dahil may importante pa raw itong aasikasuhin. “Ate, ang lalaki naman ng mga bahay dito,” sabi ni Gelo. “Kailan kaya tayo magkakaroon ng ganyang bahay?” Ngumiti siya. “Mas malaki pa riyan ang magiging bahay natin kapag nakapagtapos ka nang pag-aaral mo.” Bago nila marating ang Garciano’s residence ay nadaanan muna nila ang Myers’ Mansion. Napakunot ang noo niya. Bakit pamilyar yata ang apelyidong iyon? “Naalala ko na.” “Ang alin, ate?” “Iyang Myers residence. Keith Myers ang pangalan ng student council treasurer doon sa SJU.” “Bahay kaya nila iyan?” “Siguro.” Nagpunta na sila sa Garciano’s residence. Nag-doorbell muna sila. Mayamaya ay may lumabas na katulong at tinatong ang kailangan at ang mga pangalan nila. Pinapasok naman agad sila nito. “Pakihintay na lang po si Miss Angela rito sa living room. Pababa na rin po iyon.” sabi ng katulong. “Sige, salamat.” Nang makaalis ang katulong ay magkatabi silang naupo ni Gelo sa malambot na couch. “Ang laki ng bahay nila, Ate. At ang ganda pa.” Nagbalik ang katulong at may dala na itong cakes at ice cream. Ginutom tuloy siya bigla. “Ate, mukhang masasarap ito. Cakes at ice creams.” Nakarinig sila ng mga yabag mula sa itaas. Pareho silang napalingon na dalawa sa itaas ng hagdan. They saw Angela. Itim ang suot nitong bestida na mas lalo lang nagpatingkad sa maputi nitong balat. Ngumiti ito nang makita sila. “Ang bilis n’yo naman.” “Nakakahiya naman kasing paghintayin ka pa namin.” “Ano ka ba, ayos lang `no.” Bumaling ito sa kapatid niya. “Hello! Ikaw na ba si Gelo?” Tumango ang kapatid niya na bahagya pang nagtago sa likod niya. “Bakit ka nagtatago? Hindi naman ako mukhang nangangagat ah?” She offered Gelo the snacks in the table. Nang ngumiti si Angela ay saka lang umayos si Gelo. Mahiyain talaga sa ibang tao ang kapatid niya. Saka lang ito nagiging madaldal kapag sila na lang dalawa ang magkasama. Habang kumakain sila ng snacks, nagkukwentuhan naman sila ni Angela tungkol sa experiment na gagawin nila. “Ano kayang magandang experiment?” tanong niya. “Buti pa maghanap tayo sa mga libro. Punta tayo sa library mamaya.” suhestiyon ni Angela. “Tapusin muna natin itong snacks.” Habang naghahanap sila ni Angela ng maaari nilang gawing experiment ay sinamantala naman ni Gelo ang pagkakataon para gawin ang assignment. Wais talaga itong kapatid niya. Sinamantala ang silid-aklatan. “Sipag ng kapatid mo, ah.” Ngumiti lang siya. “Ano kaya kung itong rainbow in a glass na lang?” tanong niya. “Para kasing ang ganda.” Ang experiment kasi na gagawin nila ay tungkol sa mga napag-aralan na nila noong first year high school hanggang sa third year high school katulad na lang ng biology at chemistry kasi gusto raw subukin ni Mrs. Damyo kung may naaalala pa ba daw sila sa mga nakaraang taon na pinag-aralan nila. “Tingnan ko nga,” Binasa ni Angela ang procedures. “Sige. All we have to discuss is about density.” “The needed materials are glasses, sugar, food coloring and a teaspoon.” “Subukan kaya natin ito?” “Sige.” Nagpaalam na muna sila kay Gelo na susubukan nila ang napiling experiment. Sabi ng kapatid niya ay doon lang daw muna ito sa library. Iniwan na lang muna nila ito. Hindi naman siya nag-aalala kay Gelo dahil hindi naman ito malikot at nakapundo lang talaga sa isang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD