Chapter 26 Nagsuot lang ako ng below the knee na summer dress. Tapos nagdala lang ako ng ilang damit pampalit kung sakaling maisipan ko na mag swimming. Pero dun lang ako sa mababaw kasi hindi ako marunong lumangoy e. Nilagay ko ang mga damit na dadalhin ko sa isang vacation bag, kung yun ba tawag don. Nagdala din ako ng sunscreen lotion kasi mabilis akong mamula e kapag nababad sa arawan. "I'll carry that." inagaw ni Cameron ang vacation bag na dala ko nang makita niya akong pababa ng hagdan. Hinayaan ko na lang dahil hindi niya rin naman ibibigay sa akin kung sakaling aagawin ko man sa kaniya. Bahala na siya. "Ate, enjoy ka po dun ha?" bilin sa akin ng mga kapatid ko na akala mo e mas matanda sila sakin. Gusto ko sana silang isama kaya lang ayaw naman ni tatay tsaka 3 araw ata kami do

