Chapter 27 Nauuna siyang maglakad habang nasa huli naman ako. Ang hirap kasing sabayan ng lakad niya e ang laki ng hakbang. Ano ba namang laban ng mga binti ko sa mahaba niyang binti diba? Isang hakbang niya dalawa ko na, partida nagmamadali pa hakbang ko non samantalang siya parang pinaka mabagal niya na nga atang lakad yon e. Napapalingon na nga siya sakin kasi siguro nababagalan sa paglalakad ko pero sinesenyasan ko lang siya na magpatuloy sa paglakad. Naiiling naman siyang nasunod pero hindi na yata siya nakatiis at sinabayan na ang paglakad ko. "Hala, ang lapit na ah? Bakit hinintay mo pa ako?" nasa pinaka dulo kasi yung room namin kaya medyo malayo din ang nilakad namin mula sa elevator. Malapit na sana kami e sinabayan niya pa ako. "I want you beside me pero ang tagal mo magl

