Isang malakas na kulog ang nagbalik sa huwisyo ni Allison. She laughed awkwardly. Mabilis niyang binawi ang balanse at inalis ang mga kamay ni Carter na nakaalalay sa kanyang katawan. "Sorry," aniya. "Masyado yata akong na-carried away. Ngayon lang ulit kasi ako nakaligo ng ulan." Ngumiti si Carter. "I see," aniya. Nanghinayang siya. Kaunti na lang sana ay maaangkin na niya ang mga labi ng dalaga. Kahit dumilim ang paligid ay kitang kita niya pa rin ang bahagyang pamumula ng mukha nito. She likes him, too. Natitiyak niya iyon. "Ahon na tayo," ani Allison. "Nakakatakot iyong kulog." "Sabi nila kapag daw may kasamang kulog at kidlat ang ulan, hindi raw magtatagal ang ulan. Hindi ko alam kung totoo," wika ng binata. Umahon sila at magkatabing naupo sa kanilang pwesto kanina. "Hindi ka b

