"Oh, akala ko ba magtatagal kayo roon ng ilang araw?" nagtatakang usisa ni Aling Laura sa anak. Bigla na na lang itong dumating. Napansin niya ang namamaga nitong mga mata. Sariwa pa ang bakas ng luha roon. "Nagkaproblema na naman kayo ni Carter? Ano na naman ang ginawa niya, Allison?" Hindi tumugon ang kanyang anak. Derederetso lang ito sa kwarto nito kagaya ng madalas nitong ginagawa kapag may problema na ayaw pag-usapan. Katulad ng nakasanayan ay sinundan ni Aling Laura ang anak. "'Nay, nakita ko si Itay," pagtatapat ni Allison. Tila huminto ang pag-inog ng mundo ni Aling Laura sa sinabi ng anak. "Siya po ang stepfather ni Carter." "Ha?" Napaawang ang labi ng ginang. "Ang mama ni Carter ang kabit ni Itay, 'Nay. Sila ang dahilan kung bakit iniwan tayo ni Itay." Parang tinakasan ng

