"Babe, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Carter nang mapansin ang hindi maipintang mukha ng kasintahan. "What's wrong?" Allison was staring at his Tito Dolf, at mukhang hindi ito natutuwa sa nakikita. Dolf chuckled in confusion. "Okay ka lang, ineng?" usisa naman nito sa dalaga. "Gusto ko nang umuwi Carter," biglang saad ni Allyson. Malamig ang tono ng boses nito. Napuno ang pagtataka ang mga mukha ni Carter, lalong lalo na nina Geneva at Dolf. "Pero, babe, kararating lang natin. Birthday ni Mama. At ang usapan natin didito muna tayo ng ilang araw." "Gusto ko nang umuwi," mariing wika pa rin ng dalaga. "What's wrong with your girlfriend, anak?" nagtatakang tanong ni Geneva. "Bigla na lang nag-iba ang mood. Are you some kind of bipolar?" baling nito kay Allison. Hindi ito pinansi

