"Boring ba ako, babe?" tanong ni Carter nang muli silang magkasarilinan ni Allison. "Saan mo naman nakuha iyan?" wika ng dalaga kahit alam niya kung saan nanggagaling ang sinabi ng nobyo. Mukhang nagkaroon ito ng insecurity dahil sa nangyari kailan lang. "Wala. Gusto ko lang maibigay ang lahat sa iyo. Kahit lumabis ako, huwag lang magkulang." Kinuha niya ang kamay ng kasintahan at hinagkan iyon. "Hindi ka boring, babe. Ikaw iyong tipong sakto. Iyong tipong maginoo, pero medyo bastos." Ngumiti siya. "Iyon ang gusto ko. Kaya hindi ka magkukulang para sa akin. Palagi kang sapat." Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Carter. "Alam mo ba no'ng mawala ka sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko? Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. It was like you took away everything with you when you le

