Akala ni Carter ay ipagtatabuyan siya ni Brendan, but to his surprise ay bigla na lang siyang niyakap ng kakambal. Tinapik nito ang kanyang likuran. "Good to see you, bro," nakangiting wika nito. Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Carter. Nakahinga siya nang maluwag. "And this is?" wika pa ni Brendan habang nakatingin kay Allison. "Girlfriend ko nga pala, si Allison," tugon ni Carter. "Akala ko walk in customer," nangingiting wika ni Brendan. Naiilang pa rin si Allison sa mga tingin nito sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula paa hanggang ulo. Para siyang hinuhubaran ng mga titig nito. Lumapit si Allison kay Carter at saka umangkla sa braso nito. "Maganda, ah," wika ni Brendan. "At sexy," dugtong pa nito sabay sipol. Siniko ni Allison ang nobyo. Napangiti si C

