Kinakabahan na si Allison. Mukhang nalalapit nang malaman ni Abbey ang katotohanan. "Babe, are you okay?" Hindi namalayan ng dalaga na nasa kanyang likuran na pala si Carter. "Halika na. Kasarapan ng kwento namin ni Brendan," anito. "Babe, parang may alam na si Abbey," wika ni Allison. "Ha?" Napaawang ang mga labi ng binata. "Kung ako rin naman siya, siguradong magdududa rin ako," dugtong pa ng dalaga. Iisang project lang naman ang ginawa ko para sa iyo pero inabot ng ilang linggo tapos palagi pa tayong magkasama. Tapos, tapos na ang project magkasama pa rin tayo. Sinong hindi magtataka?" Nagbuntong hininga ito. "Hirap na hirap na nga akong iwasan siya. Nakokonsensya na ako." "Babe, the truth will set you free. It will set us all free." "Hindi ko kaya," saad ng dalaga. "Itatakwil a

