"Carter..." anas ni Allison. Napatigil ang binata ngunit hindi niya pa rin inaalis ang maliit na distansya sa pagitan ng kanilang mga labi. "Bakit?" he whispered. "Handa na akong ipinta ka," nakangiting wika ng dalaga. Sumilay rin ang ngiti sa labi ni Carter. "Talaga?" Tumango si Allison. "Pagkauwi na pagkauwi natin, ituloy na natin ang project." Nagdiwang ang damdamin ni Carter. Hindi man ulit natuloy ang kanilang halik ay ipipinta na rin naman siya ni Allison sa wakas. Ibig sabihin ay nagtagumpay na siyang tuluyang makuha ang loob nito. "Kailangan mo lang munang gumaling," wika ng binata at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa dalaga. "Ako muna ang mag-aalaga sa iyo ngayon." Nakangiting tinitignan ni Allison ang binata. "Thank you, Carter," wika niya, "para sa lahat." "No worries

