Masayang pinagsaluhan nina Aling Laura at Allison, Geneva, Dolf at ni Carter ang kanilang hapunan. Iyon na yata ang pinakamasarap na hapunan sa tanang buhay niya para kay Allison. Hindi mawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Inihanda ni Aling Laura ang kanyang kwarto upang doon matulog sina Geneva at Dolf. Siya naman ay tatabi muna kay Allison. Habang si Carter naman ay nagpresenta na sa sala na muna matutulog. "Bukas na natin ituloy ang usapan," wika ni Aling Laura. "Alam kong pagod ang katawan ninyo sa byahe, at pagod din ang mga isip ninyo." "Walang problema, balae," nakangiting wika ni Geneva. Kinilig si Allison sa narinig. Balae. Pakiramdam niya tuloy ay gabi na iyon ng pamamanhikan nina Carter. Lumapit siya kay Carter upang ibigay ang unan at kumot rito. Hinatak siya ng

